REBOUND 50

1.2K 4 2
                                    

Nakatulog ako buong byahe namin mahigit dalawang oras din yata kaming nagbyahe. I don't know pero nasa part yata kami ng cavite ngayon. Basta nung nagising ako nakita ko yung Ledesma's Resort, edi sila na mayaman!!HAHA... eh ano naman gagawin namin dito? Umayos ako ng upo, sakit din ng leeg ko ah...
 
"Gising ka na pala... nandito na tayo."
 
"ah.."
 
Bumaba kami ng sasakyan. At isa lang talaga masasabi ko WOW! Is this for real?Napatakbo agad ako sa loob ng lobby kasi ang ganda ng interior the color is just perfect for the wooden furniture displayed all over the place. Parang gusto kong iuwi lahat sa bahay yung furniture dito. One thing i really love is wooden carved furniture. Parang ang lapit mo kasi sa nature. Its simple yet so elegant to look at.
 
"Just as I thought, sabi ko na e, magugustuhan mo dito."
 
"Grabe ang ganda... saan kayo nakabili ng furniture? Gusto ko rin ng ganito." parang bata lang ako na humihingi ng lolipop.
 
Tumabi naman si Kyle sa akin at umakbay. Napatingin tuloy ako sa kanya, todo ngiti sya.

"Ano pang gusto ng baby??"
 
Kainis. Pinagpapalo ko nga sya.

"Aray... aray...Lia tama na..." hinawakan nya yung kamay ko. "Joke lang, gutom ka na ba?" grabe nilapit nya yung mukha nya sa akin natulala tuloy ako, grabe naman kasi kailangan nilalapit talaga yung mukha? O sige na gwapo na talaga sya at natutulala ako.

Tumalikod ako, kasi namumula na yata yung mukha ko."Uhm nasan ba dito yung kainan?Nagugutom na nga ako." Nauna na akong maglakad sa kanya papasok ng resort.

Sumunod naman sya sa akin. Kinuha nya yung kamay ko at sabay kaming naglakad papunta sa restaurant ng resort. Ang dami ngang nakatingin habang naglalakad kami. Nakakailang tuloy.

“Uhm… Kyle siguro kahit hindi mo na hawak yung kamay ko okay na kasi ang daming nakatingin satin oh…nakakilang.” turo ko sa mga  taong nakatingin samin.
 
Natawa lang sya at lalo pang hinigpitan yung pagkakahawak sa kamay ko.

Hindi naman nagtagal nakarating din kami sa restaurant. And again I was amaze with the scence. There was nipa huts aligned flowing in the water. The food are all Filipino delicacies and we ate tapsilog na hindi ko maexplain kung gaano kasarap.

“Grabe ang ganda dito.” Bigla kong nasabi habang nakatingin sa view on my right. I saw a kid running all over chasing someone maybe his mom—its cute. Napangiti tuloy ako I’m very fond of kids talaga.

Naramdaman kong may tumabi sakin. Si Kyle pala kanina kasi nasa tapat ko sya.

“Mabuti naman nagustuhan mo dito, hayaan mo sa susunod matagal tayo bago uuwi.” Sabi nya sabay akbay sa akin.

 
“Sana nga may next time pa.” nakangiting sabi ko.


“Bakit? Di ba sasagutin mo naman ako?” tanong nya sakin.


“Wow, ang lakas mo pare…” sabay siko ko sa kanya tapos tanggal nung kamay na nakaakbay sa akin.


“Hehe bakit wala naman akong sinabi na araw kung kelan mo ako sasagutin ah, basta maghihintay ako. Alam ko naman mahal mo ako e, pakipot ka lang.”


Namula talaga ako nung sinabi nya yun. Pinaghahampas ko talaga sya. Tumayo sya at tumakbo kaya hinabol ko sya.

“Hoy, unggoy bumalik ka dito.”


Takbo pa din sya ng takbo.

“Habol Lia…”


“Bwiset ka… maaabutan din kita!!!”


Naghabulan kami ng matagal hindi ko talaga sya mabutan knowing na mas matangkad sya sakin malamang mas malaki din ang hakbang nya. Napagod ako kaya huminto na ako sa paghabol suko na ako. Umopo ako at nagpahapo ng hingal ko.

Hindi ko alam kung nasaan na yung bwiset na unggoy na yun. Ako naman dahil napapagod na ay bumalik na sa lobby para itanong kung nasaan na yung room ko. Asan kaya nagpunta yung mokong na yun?Tama bang iwan ako??

 
“Ah, miss… anong room yung reserved for Kyle Ledesma?”


Tinignan naman nung receptionist yung computer nya medyo matagal din sya bago sumagot kasi may tinawagan pa sya.


“Ah maam may susundo po sa inyo para ihatid kayo sa room nyo pakihintay na lang po. ”


Wow, kailangan sinusundo?


Inaantok na ako wala pa rin yung susundo daw sa akin. Halos 30 mins. na akong naghihintay. Ano bang pakulo meron tong resort na ito? Tumayo ulit ako  para kausapin yung receptionist, pero nagbago yung isip ko kasi ang daming tao sa harap nya.


Tatawagan ko na lang yung magaling na nagdala sa akin dito nabigla bigla na lang nawala.


Calling Unggoy


Nagriring lang hindi naman sinasagot. Naiinis na talaga ako. Mga tatlong beses ko din syang tinatry na tawagan pero hindi naman sinasagot. Naisip ko na lang tawagan si Nathan. At isang ring lang sinagot na agad.


“Hello” parang bagong gising lang si Nathan. Kawawa naman naistorbo ko pa yata ang siesta nya.
“Nathan, sorry nagising ba kita?”


“Obious naman Nat, tinatanong mo pa?”mapangasar nyang sagot sa akin. “Ano na namang ginawa ng pinsan ko sayo?” tanong ni Nathan na medyo natatawa pa.


“HAAY NAKU… ako talaga inaasar nung unggoy nay un!! Bahala sya… sunduin mo naman ako dito oh..”


“At driver mo na ako ngayon?”tanong ni Nathan sakin. “Nasan ka ba?”


“Sige na please sunduin mo na ako… please??”


“Nasaan ka nga?”


“hindi ko alam…” sagot ko.


Natawa naman si Nathan na parang wala ng bukas. Ako naman parang maiiyak na na…


“Wag mo nga akong tawanan.” Medyo naiinis na ako “tulog kasi ako sa byahe pero kanina may nabasa akong Ledesma Resort alam mo bay un? Sige na sunduin mo na ako…please… Sige na ililibre kita kapag nakauwi tayo basta sunduin mo lang ako.”


Bigla namang may umagaw ng phone ko… Sino pa nga ba…


“Hindi na sya magpapasundo… Hindi na nga… Alam ko ginagawa ko … Wag kang makulit! Oo na sige..Bye.”

Ako talaga iniinis ng unggoy na ito, kanina hindi mo mahagilap ngayong magpapasundo na ako tsaka susulpot at mangaagaw ng cellphone. Kanina good mood ako e, ngayon badtrip na talaga ako.

“Gusto ko ng umuwi.”sabi ko.

“Teka, may ipapakita pa ako sayo ” sabay hawak nya sa kamay ko. Hindi ako umalis sa pwesto ko. Lumingon sya sa akin.


“Sabi ko gusto ko ng umuwi.”  


REBOUND-COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon