REBOUND 36

1.3K 6 2
                                    

Katulad ng naka-gawian ko. Dumadalaw ko yung unggoy after my shift pero syempre hinihintay ko na makaalis yung ibang bisita kung meron man at sinisigurado kong tulog na sya bago ako pumasok.Di ko nga alam kung nagtataka yung nurse sa akin pero wala namang sinasabi kapag nagtatanong ako. Pero ngayong araw, hindi ko na sya madadalaw kasi ang alam ko lalabas na sya mamayang hapon. Kung paano ko nalaman? Nahuli kasi ako ni Nathan (tama kayo ng iniisip nahuli ako ni Nathan ang pinsan ni Kyle).

*REWIND...

Narinig ko ang pag-click ng pinto tanda ng pagbukas nito.

"So, you really dont want him to know that your concerned eh?" Nagulat ako. Pero pagharap ko sa kanya nakangiti sya.

Alanganin na tumango ako.

"Timamaan ka talaga no?" tanong nya ulit sa akin. Ngimitian ko lang sya bilang sagot.

"Gusto mong magkape muna? Dadating na sila Tita maya-maya, I'm just saving you for in the hot seat." Tumango lang ako at inayos ang mga gamit ko. Umalis na rin kami at nagtungo sa pinaka-malapit na coffee shop sahospital.

Pagdating namin ng coffee shop tinanong nya ako kung anong order ko at humanap kami ng upuan.Nung una naiilang talaga ako though magaan talaga ang loob ko kay Nathan. Siguro dahil mabait talaga sya. Hindi mo mararamdaman na ibang tao ang turing nya sayo. Prang super close na nga kami kahit pangalawang beses pa lang namin magkita.

"Care to share? Don't worry hindi ako tsismoso. Hindi lang ako sanay na ang tahimik natin dito."

"Alam mo ang gaan ng loob ko sayo. Hindi ko alam kung bakit, and don't worry kapag tsinismis mo ako babalikan kita para bugbugin." Natawa kaming pareho.

"Mabait lang talaga ako. Tsaka sguro dagdag mo nang rason yung gwapo ako kaya magaan yung loob mo sa akin." Natawa ulit ako sa kanya."Tignan mo dapat ganyan tumatawa ka. Wag mong masyadong isipin ang problema. Besides, when you think too much you will never solve the problem your just making it bigger as it is. Malay mo iniisip mo lang pala na may problema wala naman talaga."

"Thanks ha? Dahil nahuli mo ako kanina siguro kung iba yung dumating doon. Ang dami na nilang tanong sa akin. Tsak nahihiya ako sa family nyo."

"Don't blame youself. It is not your fault besides akala mo ba ikaw hindi ko pauulanan ng tanong my dear hindi pa tayo nagsisismula..." Napailing na lang ako. Maya-maya dumating na rin yung orders namin at nagsimula kaming kumain.

"Spill..."

"Grabe Nathan, kakatapos ko lang kumain nagmamadali ka ba masyado?" tanong ko sa kanya kasi right after kong maubos yung order namin nagtanong agad. Mukhang hot seat nga ito.

"C'mon... Spill it out ano ba talagang nangyari?"

"Like hello... Parang ikwe-kwento ko naman sayo?"

"Alam mo naman na may pang-blackmail ako sayo. Pwede kong sabihin na dinadalaw mo sya patago kasi nahihiya ka at sinisisi mo yung sarili mo sa nangyari."

"Eh, alam mo naman pala na sinisisi ko yung sarili ko sa nangyari bakit ka pa nagtatanong?"

"Anong reason behind that, Nat? What happened that night?"

"i don't really know if I'm ready to share it with you Nathan. But thanks sa concern..."

"Huhulaan ko na lang... Mahala mo sya pero masyado syang tanga kasi pinapakawalan ka nya. Pasalamat sya, mas una ka nyang nakilala. Kung ako sya, hindi na ko magdadalawang isip pa."

Nagulat ako sa sinabi ni Nathan. Too straight forward. Seryoso yung mga mata nya, hindi ko tuloy alam kung joke yun or what..

"Oh, bakit ganyan ka maka-tingin? Nagulat ka no? Crush kita, Nat. Pero don't worry wala akong balak na agawin ka sa pinsan ko." tapos tumawa sya "Pasalamat talaga sya, kahit tanga sya may respeto ako sa nakakatanda." Natawa na kaming pareho.

"Alam mo ang labo mo. Kasi, i'm sure kung nandito yung girlfriend mo nasabunutan na ako nun sa mga sinasabi mo. Tsaka hellooo... Ako? Ni wala nga akong sinabi I'm just plain and simple."

"Exactly, plain and simple is our type. It's not the face or body that matters it is the character, Nat. And FYI don't worry too much walang sasabunot sayo I'm single." Sabay kindat sa akin. Natawa talaga ako.

"Baliw... wan ko sayo pero sirously salamat sa oras mo... Medyo nanging maayos yung pakiramdam ko."

"Oo nga pala bukas lalabas na si Kyle. Wala ka ng bibisitahin kapag madaling araw."

*FAST FORWARD...

Sinimulan ko na yung mga gagawin ko. Ang hirap din pala ngpromoted ang daming trabaho. Pero siguro okay na rin yung ganito atleast hindi ko masyadong iniisip yung unggpy na yun. Tuwing napapalingon ako sa table nya nakikita ko yung gift ko sa kanya. Yung pen holder na unggoy. Haayyys.

Bzzzttttt*Bzzzttttt

From: Nathan

Crush... Morning! Don't think of him...rather think of me. :)

Baliw talaga tong mongkologs na ito. Pero sobrang napangiti ako nung message nya. Nagreply ako.

To: Nathan

Baliw...asa ka! Wag mo kong tawagin crush naku baka suugrin ako ng fans club mo.

After ko magtext nilapag ko yung cellphone ko sa table at nagtrabaho ulit.Masydong mabilia ang oras at hindi ko namalayan na lunch na pala. Kung hindi pa nagtext si Nathan...hindi ko malalaman nagtataka talaga ako dun. Ang daming free time magtext ano kayang trabaho nung isang yun?

Bzzzttttt*Bzzzttttt

From: Nathan

Hey, Crush tara lunch tayo daanan kita jan sa office nyo. See yah in 15 mins.

Nagreply ako ng okay.At nagayos na para mag-late lunch 1pm na kasi.

Bzzzttttt*Bzzzttttt

From: Nathan

I'm here at the lobby.

Tumayo na ako at kinuha yung wallet ko. Naghintay ako ng elevator na pababa.Medyo matagal maghintay ng elevator kasi madaming gumagamit ng elevator sa building namin.

*DING*

Napalingon ako para tignan yung pagbukas ng elevator.

"Late lunch huh? TOO BUSY at work?" tanong nya sa akin.

♪♫♪

Because I'll never let this go

But I can't find the words to tell you

I don't want to be alone

But now I feel like I don't know you

♪♫♪

Hindi ko sya nasagot kasi naring yung phone ko. Nung tinignan ko kung sino.

Calling Nathan...

REBOUND-COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon