REBOUND 44

1.3K 8 3
                                    

Una salamat sa lahat ng mga nagbabasa ng kwentong ito. Sa tita ko na patuloy na binabasa ito kahit hiyang hiya na ako. Kay Oxie... haha ikaw ang dahilan kung bakit may kwentong rebound alam mo yan kwento mo dapat to...kaso alam mo na... anyways..salamat sa nag-fan sa naglagay sa library nila....waaaaah natatattts talaga ako sa inyo sa mga bumuboto at nagcocomment..ayun salamat...

cge na basa na...

Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Ayoko naman syang paghintayin sa labas ng bahay. Pero anong sasabihin ko? Ito na ba yung panahon kung saan kailangan ko ng bitawan ang lahat lahat?Ito nab a yung araw na hinihintay ko? Masasagot na ba lahat ng tanong ko?

“Lia...please...talk to me. I have to explain.” Eto na nga siguro yun.

 
Pinutol ko na yung paguusap naming sa cellphone at lumabas ng bahay. Nakita ko sya sa labas ng gate na nakasandal sa kotse nya. Kinakabahan ako habang papalapit ako sa kanya. Hindi ko alam pero parang gusto kong bumalik ng kwarto. Hindi ko na maigalaw yung mga paa konung nakita ko sya.

Lumapit sya sa akin. Hindi ko alam kung paano ko babasahin yung mukha nya. Alam kong malungkot sya. Pero anong dahilan? Isa baako dun?

“Lia...” Nakalapit na sya ng tuluyan sa akin. Hinawakan nya yung dalawang kamay ko. “I’m sorry.” Yan ang salitang ayokong marinig mla sayo Kyle gusto kong sabihin pero wala akong lakas. “I didn’t mean to scare you kanina.” Pero ngayon natatakot na ako Kyle hindi dahil sa mawala ka ng tuluyan sa akin. Natatakot ako na mawala yung kaliit liitang pagasa na natitira sa sarili ko pero alam ko sa sarili ko na hindi iyon ang tinutukoy nya. Alam kong dahil yun sa biglang pagpreno nya kanina. “It wa just--- I was just thinking of things and it became out of hand. I’m really sorry.” Yes, out of hand. You’ll probably out of my hand after this.

“Ano bang iniisp mo kanina?tell me..” malamig kong sagot sa kanya.

“Ahhh--- It was jsut--- uhmmm...” Sh*t. Di ko na to kaya.

“I thought you had the courage to explain everything Kyle. I‘m saying I’m sorry too. I think six months is enough already. ”

“WHAT? Wait Lia, what do you—“

“Bakit? Malabo ba Kyle? Hindi mo ba naiintindihan? Ang linaw naman ng sinabi ko. Ikaw nga ang Malabo kasi kahit minsan wala kang sinabing malinaw. Wala kang sinabing direct to the point. Shet lang Kyle nandito na naman tayo sa ganitong sitwasyon oh. Ayoko na. I-GIVE-UP! Isn’t that enough explanations?”

“But—“

“Shut up! I told you before I don’t want to be a rebound. I’ve waited long enough, suffered and try to understand as long as I can Kyle.” Pinipigil ko na pumatak yung mga lunha ko na gusto ng bumagsak ano mang oras ngayon. “Basag na to oh..” turo ko sa direction ng puso ko “Wag mo ng durugin.”

“Lia this is just a test in our relationship. Don’t give up on me...” he said in pleading voice.

“What?”natawa ako “Relationship? Do we really have that? From what I can remember it’s fake. This is all fake. THIS...” hinubad ko yung bracelet na binigay nya nung birthday ko. “This...”  yung kwintas na binigay nya sa akin na sabi nya bigay sa kanya ng mommy nya binato ko sa kanya. “And I hate you because of what you did with this.” Turo ko sa puso ko.

Tumalikod ako. May narinig akong sinabi nya pero hindi ko pinansin. Nagalit ako sa sarili ko kasi alam kong kahit nasaktan ako sa nangyari, alam kong nasaktan ko din sya. Hindi ko alam na magiging ganito kami tuwing malapit ba yung kasal ni Lyka magiging ganito kami? Pero siguro ito na yung huli kasi tuloy na tuloy na talaga yung kasal ni Lyka.

“Crush ganda mo ngayon ah. Kaya inlab ako sayo eh...” binatukan ko si Nathan kung ano ano na naman mga banat ng mokong. “Pinapangiti lang kita.”ngumit naman ako. “Parang ikaw ang ikakasal sa pagka-tense mo e.”

Nandito kami sa simbahan kujng saan ikakasal si Lyka at si Greg ang groom. Kinakabahan ako kasi ngayon na lang kami magkikita ni Kyle. Nagkikita kami sa office pero naiiwasan ko sya doon. Dito kasi hindi pwede dahil close yung mga taong nakapaligid sa amin. Buti na lang nandito si Nathan, sana hindi nya ako iwan.

“Nat... tignan mo yun oh...” sinundan ko ng tingin yung tinuro sa akin ni Nathan. It was Kyle in tuxedo. Gwapo pa rin sya pero mukhang nangayayat. Dahil ba ikakasal na ang taong pinaka-mamahal nya? Parang kumirot na naman yung puso ko. “Oh...ngumiti ka kasal tong dinadaluhan natin hindi lamay.” Nagpilit akong ngumiti. Haay... Nat don’t spoil the wedding.

Natapos ang kasal. Wala naming tumutol, hinihintay ko ngang sumigaw si Kyle pero hindi naman nya ginawa. Aalis n asana ako right after the wedding kaso hindi ko mahindian ‘tong si Nathan. Minsan lang naman yan humiling sa akin kaya pinagbigyan ko na. Naka-dekwatro ang mga braso naming nung pumasok kami sa hotel kung saan gaganapin ang reception.

“Uuy Lia, Nathan bakit kayo ang magkasama nasan si Kyle?” tanong ng tita ni Kyle.

“Ah.. tita nandyan lang yun sa tabi tabi.” Sagot ni Nathan. Ako naman hindi ko alam kung paano sya sasagutin. Ang hirap talaga kapag nagging close mo na yung family ng ex mo... na hindi naman talaga matatawag na ex kasi peke lang ang lahat.

“Hi, Everyone... Best wishes to the bride.” Umalingaw ngaw ang pamilyar na boses sa loob ng reception room. Si Kyle mukhang lasing na lasing na. Nakakainis na nakakahiya yung ginagawwa nya. Ganon ba talaga sya kadesperado kay Lyka?  “I’m sorry if I’m having all the attention now. I am just happy for my friend here..” tinuro nya si Lyka “I just want to take this chance to apologize for a very special girl in my life. ” lumuhod sya. Hindi ko na kaya yung mga nasasaksihan ko kaya lumakad na ako papalabas ng lugar pero bago ko masarado ng tuluyan ang pinto I heard him say. “I am very sorry and I love you so much that it hurts me seeing you hurt Maria Nathalia Briones.”

REBOUND-COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon