REBOUND 51

1.2K 5 1
                                    

Naiinis na talaga ako. Kapag tinotopak pa naman ako kahit anong sabihin mo yung gusto ko talaga yung masusunod.

"Sigurado ka?" tanong ni Kyle sa akin parang malungkot yung boses nya. "akala ko maganda dito?hindi mo na ba gusto? Nagalit ka ba kasi iniwanan kita kanina, sorry na Lia may ginawa lang ako." Yun natumpak nya. May ginawa sya? Ano naman kaya yun? Naku..lalo tuloy akong naiinis, mas importante pa sa akin yung ginawa nya ganun? Pero sino ba naman ako para magreklamo diba?Hindi nya naman ako girlfriend.BADTRIP!!!!

"kung hindi mo ako mahahatid pauwi magpapasundo an alng ako." sabi ko sa kanya.

"Hindi na kailangan ihahatid kita."

Dumiretcho sya sa kotse hindi nya ako tinignan, mukhang disappointed. Teka, diba dapat ako ang galit dito? Anong problema nun? Mood swings din? Sumasabay sa akin? Bahala sya.

Pagdating ko sa parking nasa loob na sya ng kotse. Binuksan ko ang pinto at pumasok sa loob ng kotse, pakasara ko agad nyang pinaandar yung kotse. Tahimik lang kaming pareho, walang gustong magsalita. Hindi ako nakatiis, nilabas ko yung cellphone ko tapos nagtext ako kay Nathan.

To: Nathan

Bwisit talaga yung unggoy mong pinsan!!!!KAINIS

SENT!

Maya-maya narinig kong tumunog kung cellphone ni Kyle binasa nya tapos tumingin sya sa akin, kasi nakita kong lumingon sya sa side ko pero wala syang sinabi at nagdrive na ulit. Nakareceive din naman ako ng text ni Nathan at nagtatanong kung ano daw bang ginawa nung magaling na pinsan nya. Nagtype naman ako ng reply ko.

To: Nathan

Basta, kwento ko sya pagdating ko sa apt. punta ka after an hour siguro nakarating na kami dun. aay wag na lang kaya dun san mo ba trip? SB my treat?

Narinig ko ulit na tumunog yung cellphone ni Kyle. Sino naman kaya yung nagtetext sa kanya? Binasa nya ulit yung phone nya habang nagdridrive, diba bawal yun paano na lang kung maaksidente kami. Hmmmmp!

Nakita ko ulit na tumingin sya sa akin tapos biglang parang pinalo nya yung manibela. Napalingon tuloy ako sa kanya kasi nagulat ako. Anong problema nito? Nakita kong parang naiinis sya na ewan? Ano bang meron sa text na binasa nya? Sandali lang rin naka-receive na naman ako ng reply kay Nathan.

From: Nathan

K..SB my treat wag ka ng umangal...hehe see yah! ingat ka jan sa kasama mo.

Huh?Anong ibig sabihin nya dun?Nagreply lang ako sakanya ng see yah... tapos pinasok ko na yung cellphone ko sa bag ko.

Nagising ako nung huminto yung sasakyan. Pero nagulat ako nung hindi sa appartment yung hinintuan ng sasakyan. Nandito kami sa 7th Destiny, bakit pati ako kasama?

"Teka, bakit pati ako sinama mo dito?"

"Kung may problema ka sakin sabihin mo sakin mismo, wag na sa pinsan ko."

Natahimik ako nung sinabi nya yun. Bwiset na Nathan to o, akala ko pa anman kakampi ko sya. Nakakainis parang nakakahiya tuloy. Binuksan nya yung pinto para bumaba. Wala akong balak bumaba at sumama sa kanya sa loob kasi nahihiya ako. Napaka-childish ba nung mga inaact ko? Kasi naman nakakainis lang talaga e. Napayuko na lang ako.

REBOUND-COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon