REBOUND 42

1.3K 8 2
                                    

Sorry sa matagal na update dapat kahapon pa ito kung hindi ako naiwan ng eroplano dahil sa dalawang pasaway kong kasama... Anyway I'm thankful that we had a safe trip on our way home.

Here's the Update. Sorry maikli yan lang kinaya ng utak ko.

Paggising ko kinaumagahan, ako na lang magisa sa higaan. Nasaan na kaya yung unggoy na yun? Hindi pa ako nakakapagpasalamat. Pero paano ba ako magpapasalamat? Parang nakakahiya namang sabihin na 'thank you sa pagiging unan mo' o kaya 'thank you sa yakap' yuck! Parang ang pangit pakinggan, ah...hindi parang... pangit talag pakinggan. Bumangon na ako at nagbihis para maghanda sa pagpasok ko.

Paglabas ko ng kwarto nagulat ako kasi nakit ko yung unggoy nakabihis na at nasa mesa kumakain kasama yung pamilya ko. Teka lang, sino ba talaga ang anak dito? Napalingon sya sa direction ko.

"Good Morning!" bati nya sa akin.

Tumango lang ako tapos pumunta na rin sa dining table at nagsimulang kmain. Naka-titig lang ako sa plato at pagkain. Ayokong lumingon sa gilid ko kasi nahihiya pa rin ako sa nangyari kagabi.

"Kamusta yung tulog mo?" bulong nya sa akin. At talagang tinanong pa!!!!kainis naman tong lalaking to. Nahihiya na nga ako e...

"Ayos lang." sagot ko para hindi mahalata na nahihiya ako.

"Kamusta naman ang pagtulog mo Kyle?" tanong ng tatay. Ano ba naman bakit ba pagtulog yung topic habang kumakain? Napainom tuloy ako ng tubig.

"Ah, maayos naman po masarap po pa lang matulog sa kwarto ni Lia, komportable po." sagot nya na may diin yung masarap at komportable.

Nakakainis na talga tong unggoy na to' mabuti na lang nalunok ko na yung tubig kung hindi nag-shower na yung mukha nya dahil sa pagbuga ko ng tubig. Parang nanghinayang tuloy ako sana pala hindi ko nilunok agad. HAHA. Ang evil ko.

"Ganon ba Hijo, mabuti naman. Sige na at tapusin nyo na ang pagkain nyo para makapasok na kayo."

Hinatid ulit kami ni Kuya sa opisina. Hindi ko nga alam kung saan nakakuha ng damit yung unggoy. Baka plinano na naman nila ni kuya 'to kaya may baon sya. Ayoko na nga yun isipin. Nakakainis! Buong byahe tahimik lang kami. Pagdating sa lobby may tumatawag sa phone ko.

♪♫

Because I'll never let this go

But I can't find the words to tell you

I don't want to be alone

But now I feel like I don't know you

Let this go, let this go

♪♫

Kulet :p calling...

Napangiti ako.

"Kulet... haha napatawag ka?"

"Ikaw, crush ha? naglilihim ka na sakin..." sabi nya tonong nagtatampo.

"Ha? Ano ? Bakit? Anong bang ginawa ko?"

"Bakit sinagot mo agad si insan hindi ka man lang nagpakipot?"

"Sira, hindi kami nun noh... Imbento nya lang yon!" medyo iritado kong sabi sa kanya. hindi naman kasi talaga kami kainis! Saan ba ako naiinis? Sa thought na hindi kami pero sinasabi nya na kami o dun sa hindi totoong kami na sana totoo na lang? ANO BA NAT!!! Tumigil ka kumikere ka na naman...

Natawa naman si Nathan sa sinabi ko.

"Naiinis ka ba kasi peke lang yung sa inyo?"

"Paano mo na-- teka, hindi hindi ganon yung ibig kong sabihin noh?!" lalo syang tumawa kainis talaga 'to ang galing maka-vibes...

"Sus, kunwari pa! Nadulas ka na e. Ang dali mo pa lang hulihin crush... lakas ng tama mo dun."

"Ah...ehh... wag na nga lang yun yung pagusapan natin. Kainis ka!"

"Pero yun naman talaga yung gusto mo e..." tumawa ulit sya "Sige mamaya na lang baka malate ka pa, lunch tayo mamaya sunduin kita."

"Sige... libre mo ulit ako ah?"

"Sure!"

Paglingon ko sa likod ko nabangga ako. nakatayo pala yung unggoy sa likod ko. Kanina pa kaya sya don? Narinig nya kaya? Nagsimula syang maglakad papunta sa elevator. Ako nakatayo pa rin sa lobby papaunahin ko na alng muna sya. Maaga pa naman makabili nya muna ng sandwich sa cafeteria. Hindi ako nakakain ng maayos sa bahay.

Naglakad na ako papuntang cafeteria nung magpumigil sa kamay ko. Di ko na kailangan lumingon kasi alam kong sya yun.

"Saan ka pupunta?" tanong nya.

"Sa cafeteria lang bibili ng sandwich." tinignan ko yung kamay nya na nakahawak sa kamay ko, tatanggalin ko sana kaso bigla nya ako hinila papuntang cafeteria.

"Tara na, sa susunod sasabihin mo sakin ayokong nagugutom ang girlfriend ko." 

REBOUND-COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon