REBOUND 1

8K 45 3
                                    

Nagugutom na naman ako. Ano kayang kakainin ko? Naghanap ako ng makakain sa pantry, ubos na pala yung stock namin ng pagkain ni kuya—yes kasama ko sya sa boarding house.

Naisipan kong bumili na lang sa tindahan malapit sa boarding house. Inayos ko muna yung sarili ko. Nung makita ko sa salamin na okay naman yung itsura ko lumabas na ako ng bahay.

Papunta na ako sa tindahan mga dalawang kanto kasi yung layo nun sa boarding house naming bihira lang kasi yung tindahan dun. May madadaanan pa akong half court bago ako makarating sa tindahan. At ang nakakatuwa sa lahat nakita ko yung crush ko.

Parang huminto yung mundo. Grabe ang gwapo nya talaga. Napako yung mata ko sakanya. Ang dami ko nga ngang naiimagine. Pinasa sa crush ko yung bola then na-shoot. Tapos tumingin sya sa side ko tapos nag-wink. OMG! Ako bay un? then…

PAK!!.

“Ouch!” Nahihilo ako tinamaan ako nung bola. Nakakainis naman okay na sana eh. Nandun na ako sa climax nung pagdaday-dream ko tapos ganun na lang?

Nagsilapitan naman sakin yung mga players.

“Miss okay ka lang?” Tanong sakin nung crush ko. Okay lang ako. Sus! Kahit ilang beses pa akong batuhin ng bola kung ikaw yung makikita ko okay na okay.

“Hey!” Sabi naman nung isang player tapos medyo irritated yung mukha shinake pa yung balikat ko. “Nakatulala ka kasi kaya ka tinaman ng bola. Tapos ngayon tulala ka na naman oh…c’mon!”

“Tara hawak ka sa kamay ko. Itatayo kita.” Sabi nung crush ko. Naku naman first time kong mahahawakan yung kamay nya. Grabe panaginip ba to? Oh How I wish wag na akong magising kung panaginip lang nga.

Nakatayo na ko non. Nakatitig pa rin ako ssa kanya mukha na yata akong tanga.

“Hey miss… baka gusto mong tumabi na kasi maglalaro pa kami.” Sabi nung epal na kalaro nya ng basketball.  Pero hindi ko pinansin yun nakatingin pa din ako sa crush ko.

“Aaah.. thanks pala.” Sabi ko. Grabe nahawakan ko yung kamay nya tinulungan nya akong makatayo how gentle man would that be? Hoy… Nat nawala ka na yata sa sarili mo may bibilhin ka ‘di ba? Sabi ng utak ko.

Nagpaalam ako at nagsimula na akong maglakad papuntang tindahan para bumili ng pagkain. Pagdating ko naman sa tindahan hindi ko alam yung bibilhin ko. Ano ba tong nangyayari sa akin parang na akong nasisiraan ng bait. Dahil hindi talaga ako makapag decide kung ano yung bibilhin ko kung ano ano lang yun mostly chocolates.

Pagdating ko sa bahay ang saya saya ko. Naglinis ako ng buong bahay which I find weird kasi lagi naming pinagtatalunan ng kuya ko kung sino ang mag-aayos, malilinis, at magtutupi ng mga gamit namin.  Binuksan ko pa yung computer para magpatugtog. Sinasabayan ko pa nga yung music habang naghuhugas ng pinggan. Umakto pa nga akong naggigitara kunwari tapos nag-tatap pa ako dun sa  tapat ng wash area.

“Ewan ko ba kung bakit

Hindi ko napigilan

Ang regalo mo'y naubos ko nang 

Di ko nalalaman!

Parang tiwala pag naubos na!

Bigla bilaan talaga!

Mahirap nang makita 

Kapag minsa'y nawala...

At kahit na pilitin, di mo 

Na mapapalitan

Kahit hanap-hanapin,

Di mo na mababalikan

Kahit sabihin natin 

Na ika'y napagbigyan,

Wag na lang.”

Tapos umikot-ikot pa ako nun… ang saya talaga.. then tinuloy ko yung pagkanta.

“Ewan ko ba kung bakit

Mahirap tanggalin ang tsokolate

Pag natunaw at kumapit na sa ngipin!

Parang tiwala pag namantsahan na!

Mahirap nang linisin pa,

At kayang di burahin

Kahit na anong gawin! Parang tiwala!”

Uma-acting pa ako ng naggigitara sa hangain hanggang matapos yung kanta.

Dun ako narinig na palakpak. Napalingon ako.  Isang lalaking hindi ko kilala nakangiti ng nakakaloko. Kanina pa ba sya nanunuod sakin? Teka, paano sya nakapasok sa bahay, magnanakaw ba ‘to? Hindi naman siguro sa ayos nya para syang executive. Eto ba yung scene sa Korean-novela na ampon lang ako at susunduin ako ng kung sino dahil ako ang nawawalang apo ng kung sinong mayaman na mamatay na?Ano ba naman tong mga iniisip ko. Tinaas ko yung kilay ko.

“Sino ka?! Sino ang nagbigay sayo ng pahintulot na pumasok dito?! Hindi ka ba naturuan ng magulang mo na kumatok?! ” feeling ko ang saking ng lalamunan ko nun kakasigaw.

“Hey miss… before you get your lungs out, I’m Kyle Ledesma . I’m here by the way because of Nathaniel Briones, I was told to take care of her baby sister which is I can tell not really a “baby” after all… since he’ll be on an out of town seminar.  And by the way I have manners I knock but since the door is open like anyone could enter the house without even asking, so I did maybe you were just busy on the concert you’re having earlier that’s why you didn’t heard. ”

Oh no! KUYA!!!!!!!! Not now… Bakit sa lalaking ito pa? Nakakainis naman si kuya kaya ko naman na ako lang magisa. Matanda na ako. I can’t believe this! Bakit ba napaka-over protective ng mga tao sa paligid ko? Ano bang meron ako para magin ganun sila?

 Nasa kalagitnaan ako ng pagmumuni-muni ko nung nagsalita ulit yung taong nasa harap ko.

“Lose your tongue?” Arrogant. GRRRRRR!!! Ngayon pa lang sigurado na ako hindi kami magkakasundo, naku naman KUUUYAAAA!!!

REBOUND-COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon