REBOUND 40

1.4K 11 4
                                    

BV ako kaya ako nag-update....sorry kailangan ko lang ng mapagbubuntunan ng inis..hehe pasensya po sa update...malapit na to matapos..promise... mga 40 chapters na lng...haha joke lang pero feeling ko matatapos na sya...konti na lang

Nandito na kami sa appartment. At sirang-sira na ang gabi ko. Nakakaasar talaga. Bwiset na bwiset ako.

Unang-una, palpal ang plano kong pagtakas. Pangalawa, yung kuya kong magaling hindi ko alam kung bakit nya pinayagan yung unggoy na mag-stay dito. Wla akong alam kung naplano nya na lahat ng gagawin nya pero ang hindi ko matanggap ako yung kapatid bakit hindi muna ako tinanong? Wala ba akong opinyon sa mga bagay bagay? Pangatlo, kung maka-hatak 'tong unggoy na 'to akla mo close kami! magkagalit kaya kami. Kahit na nakokonsensya ako sa nangyari sa kanya magkagalit pa rin kami. Galit pa din ako. Di ko alam kung anong rason ko kung bakit talaga ako galit sa kanya pero galit ako.

Nakaupo ako sa sofa. Kinuha ko yung ipod ko sa bag at nakinig ng kanta, naka-todo yung volume para hindi ko marinig yung sasabihin nya kung meron man. Kung nagtatanong kayo kung nasaan yung unggoy. Nandun sa kwarto ni kuya. Nagpapalit ng damit. Ako? Ayoko pa, tinatamad pa ako.

Sumandal ako sa arm rest ng sofa habang nakikinig ako ng Kiss the rain. Ang ganda nung song kaya naka-repeat yung playlist ko.Bumigat yung mga mata ko.

Next thing I know nasa kwarto na ako. Nakatulog pala ako. Pero kanina nasa sala ako ah? Napaupo ako at nagulat.

"Gising ka na sa wakas."

Nakaupo lang si Kyle sa dulo ng kama at nakatitig sa akin. Bakit ba sya nandito? Takot ba syang takasan ko sya? Naiinis na naman tuloy ako, PMS ba ito? Tinali ako yung buhok ko sa kahit paanong paraan. Tinignan ko yung relo sa side table 3AM.

"Anong ginagawa mo sa kwarto ko?"

"Maguusap tayo diba?" sagot nya na hindi pa rin inaalis ang mata sa akin.

"Hello? 3AM!! C'mon Kyle it can wait!"

"NO! I cannot wait anymore!"

"Gaano ba kaimportante ang sasabihin mo?" naiirita na talaga ako.

"First, Lia I'm sorry." Napayuko sya. "I didn't mean to hurt you. I'm just confused that time." Lumapit sya sa akin at hinawakan yung kamay ko. "I'm really sorry..."

Inalis ko ang kamy ko sa pagkakahawak nya.

"Sorry? Yun lang ba yung sasabihin mo? Ha? Kaya mo inagaw yung cellphone ko habang may kausap ako? Kaya pinagplanuhan nyo to ng kuya ko ng walang permiso ko? Ano ako dito tau-tauhan lang? Oh ayan nakapag-sorry ka na. Okay na ba? Pwede na bang maging normal ang para sa akin ang lahat?"

"Lia, desperado lang akong makausap ka... Nahahalata ko kasing umiiwas ka sakin kaya ko nagawa yun... Sorry na talaga..."

"Eh, sira ka pala talaga... nahalata mo naman pala na umiiwas ako bakit mo pa ako pinipilit makipag-usap sayo? Ano bang ibig sabihin kapag umiiwas di ba ibig sabihin non AYAW???"

Tinitigan nya lang ako ng matagal.

Tumayo sya at naglakad papuntang pintuan. Bago nya isara yung pintuan narinig ko syang nagsalita.

"Sorry.."

Pagkasara ng pinto napaluha na lang ako. I'm sorry too Kyle but I think its not the right time to talk. I'm not yet ready to be hurt again. I'm not ready for the things you might say.

Kinabukasan maaga akong nagising. Dahan-dahan kong binuksan yung pinto ng kwarto ni kuya kung saan natutulog si Kyle. Mukhang napuyat sya sa paghihintay sa akin na magising hindi ko na sya gigisingin. Naligo ako at nagbihis para maghanda sa pag-pasok sa opisina. Nagluto na rin ako ng agahan. Iniwanan ko ng makakain yung unggoy kahit alam kong hindi sya kumakain ng walang kasabay.

Pagdating ko sa office. Naka-recieve agad ako ng text galing kay Nathan.

From: Kulet :p

Kamusta ang heart to heart talk nyo ni insan?

Binago ko yung name nya sa phonebook ko. Ang kulit kasi eh...HAHA

To:Kulet :p

Hindi kami nagusap. Tinulugan ko sya.

From: Kulet :p

Grabe ka, ibang klase ka talaga Nat. Oo nga pala malapit na birthday ko punta ka ha?

To:Kulet :p

Talaga? Invited ako? Kelan ba yan?

From: Kulet :p

Sa 11 na. Sunduin na lang kita after ng shift mo. Ok?

To:Kulet :p

Lapit na nga sa isang-araw na. Wag mo na ko sunduin. Text mo na lang venue ako na lang pupunta. :P

From: Kulet :p

Basta susunduin kita! Bleeeh!

Natawa ako. Parang bata talaga to si Nathan.

Ginawa ko na yung mga dapat kong gawin. Ang kulit talaga ni Nathan kitikitext. Maya-maya biglang nag-vibrate ulit yung phone ko.

Binasa ko yung text.

From: Unggoy

Thanks sa breakfast. Kakainin ko to kahit wala akong kasabay. Iimaginin ko na lang nandito ka... :D

Napangiti ako... Ayos sa banat!!

REBOUND-COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon