Hi, enjoy reading. Pakisabihan nalang ako if may mistype words para mabago ko.SOPHIE
Alas kwatro na kami natapos nila bret maginuman sa bahay nila. Hindi ako masyadong naglasing kasi papasok pa ako. Im on my way to school, at sobrang bago neto sa feeling ko kasi ang tagal ko nadin na hindi pumpasok lagi akong cutting.
6 na ako nakadating sa school pero sobrang dami na agad tao, akala ko pwede pa akong matulog. Nagkukumpulan yung mga tao sa may quad pero hindi na ako nakielam don.
Pagpasok ko sa classroom ko lahat sila nakatingin sakin. Syempre yung iba nagbubulungan. Well, I dont give a shit.
"Himala ata ang nangyayari ngayon." Sabi ni Rhian. My childhood bestfriend. Tumabi siya sakin at tinignan ako na parang sinusuri hanggang sa paa ko.
"Hulaan ko galing ka sa bar 'no?" Sabi na naman niya. Hindi ko alam pero wala ako sa mood makipagusap sa kanya. Nginitian ko nalang siya tapos umub-ob ako.
"MS. DELAFUENTE?! GUMISING KA DIYAN! KUNG MATUTULOG KA RIN LANG NAMAN SANA HINDI KANA PUMASOK!" Narinig kong sigaw ng teacher namin. Lahat sila nakatingin sakin at yung iba natatawa na, nagpipigil lang. Umupo ako ng maayos at tinignan siya. Binigyan niya ako ng 'what-look'. Bumalik siya sa pagtuturo at kahit isa wala man lang pumapasok sa kokote ko.
Pagkatapos ng dalawang subject nagbell na. Magnanap na sana ako pero may bumato sakin ng papel na nakacrumpled kaya binuksan ko.
"Hi beautiful girl." Yan yung nakalagay sa papel. Tssss walang kakwenta-kwenta. Tinapon ko lang sa sahig yung papel tapos natulog nalang ako.
Habang natutulog ako napansin kong may kumalabit sakin kaya tumayo ako ng maayos. Tapos tinuro ng katabi ko yung mga officers sa harap ng room namin. Siguro may iaannounce.
"So, nagpapaannounce yung dance troupe ng school natin for audition sa mga gustong sumali sa kanila, after class sa dance studio. Thanks." Dahil sayaw yan, syempre pupunta ako mamaya. Simula nung bata ako sobrang hilig ko na yung magsayaw. Kaso naudlot lang nung magrebelde ako. I want to try something new for now.
Lunch na kaya kasama ko si Rhian papuntang canteen dahil pupuntahan namin sila Bret. Sila bret kasi may ari ng school na 'to kaya may place kami sa canteen syempre ganun talaga.
Pagpasok namin sa canteen, sobrang daming tao. At halos lahat sila nakatingin sakin. At naiinis ako dahil dito.
"Rhian sabihin mo nga sakin kung may dumi ba sa mukha ko o sobrang panget ko." Sabi ko kay Rhian, kasi masyadong seryoso ng tingin sakin e. Tumingin sakin si Rhian, Head to Toe tapos umiling.
"Look who's back." I heard someone said. Sobrang tahimik sa canteen ngayon. At boses palang kilala ko na siya.
"Oh, Hi Yvone." I said with a sarcastic tone at humarap sa kanya. Nakapamewang siya at sobrang angas ng tingin niya sakin. As if naman na natatakot ako. "So tell me sweety, bat ka pa pumasok ulit dito? Nangangati kana siguro 'no? Wala ka ng malandi sa bar 'no?" Sinasabi niya yan sakin habang papalapit siya sakin.
Nakita ko sila Bret na nanunuod samin at hinihintay kung may gagawin ako. Halos lahat maghihintay sa mga susunod na mangyayari. Well, ayoko pang magsimula ngayon e.
"What now Sophie? Pipi ka na ba? Bakit hindi ka nagsasalita? Kawawa ka naman. Wala ka ng laban." Sinasabi niya yan with her baby tone. I rolled my eyes at her at pinikit ko yung mata ko, then I started to talk.
"You know what yvone? Wala namang katuturan yang sinasabi mo so pwedeng manahimik ka? Bakit? Threat ba sayo yung pagdating ko dito kasi baka maagawan ka ng lalaki? " Lahat ng tao sa canteen napa-'oh' at nakita ko sila bret na tumatawa. Tumalikod na ako at pumunta na kila bret.
"HAHAHAHA grabe ka Sophie. Kakapasok mo lang ulit nasample-an mo na agad si yvone. Hindi ka man lang naawa sa tao." Sabi ni Gwyn. "Alam mo gwyn, wala namang kaawa-awa sa kanya kaya hayaan natin siya." Sabi ko tapos kumuha ako ng pizza. Nagkwentuhan lang kami tapos umalis nadin ako kasi pupunta ako sa studio."NO DEXTER! YOU CAN'T LEAVE ME! DI BA AKO LANG SABI MO!? WHO'S THAT GIRL! IPAPAKALBO KO SIYA! BAWAL TAYO MAGBREAK!" Habang naglalakad ako sa hallway narinig kong sumisigaw si yvone dun sa may locker. Tss, may nakikipagbreak sa kanya and what? You can't leave me? what a funny joke. Tinignan ko kung sino yung boy kaso hindi ko makita kasi nakaharang yung pinto ng locker niya.
"You're so boring. Bye." Napatawa ako sa sinabi nung boy kaya napatingin sa direksyon ko si Yvone palabas na yung boy kaya tumakbo na ako papuntang studio.
Pagdating ko sa studio lahat sila nakatingin lang sakin. Can people stop staring at me? I don't want attention. Umupo nalang ako sa isang tabi at kinalikot ko ang phone ko. After some minutes, Dumating na yung main choreo.
"Hi guys. So I want to see your audition piece, and tomorrow those who pass the auditions will be posted at the bulletin right at the lobby. So, lets start." Then she give us wide smile, she's nice. I think.
Meron kaming hawak na number and bunutan yung ginawa niya para fair naman din. Hindi ako kinakabahan because I auditioned a lot when I was a kid so nothing is new for me.
Magagaling yung nag-audition pero syempre may iba rin na alam naming trip lang sumali. Dalawa nalang kaming natira dito at feel ko panghuli pa ako, May isang lalaki dito which is feeling ko trip lang din niya sumali kasi wala naman sa aura nya na magaling siyang sumayaw. Narinig kong tinawag siya nung Main Choreo namin so he stopped checking his phone at maangas siyang tumayo.
When the music played, Napahinto ako kasi yan din yung kantang sasayawin ko, and based of his movement yan yung sayaw nung boy sa video. It was the choreography of Chivalry is Dead of Ian Eastwood and Megan Batoon.
He dance well pero hindi ko na siya pinanuod habang sumasayaw gusto ko lang naman makasayaw, at tapos na.
Pagkatapos niya, ako na yung tinawag dahil ako na yung next. Nakita ko yung expression ng mukha niya nung nagplay yung Chivalry is Dead, He gave me a one intimidating smirk. Umiwas na ako ng tingin at nagsayaw na, after kong sumayaw kinuha ko lang yung gamit ko at nagpaalam na dun sa main choreo. Bukas nalang daw ilalabas yung result.
"Hoy babae!" Napahinto ako nung may sumigaw galing sa likod ko. Tumingin ako dun at nakita ko yung lalaki kanina. Tinaasan ko siya ng kilay.
"Bakit? Anong kailangan mo?" Mataray kong sagot. Lumapit siya sakin, as in sobrang lapit at dahil mabilis siya hindi na ako nakagalaw, kinilabutan ako nung naramdaman ko yung labi niya sa may gilid ng tenga ko.
"Ikaw, ikaw ang kailangan ko." Literal akong napanganga sa sinabi niya, tatakbo na sana ako kaso hinila na niya agad ako. Sinakay nya ako sa kotse nya at pinatakbo yun ng mabilis. As in mabilis kaya hindi ako makapagsalita. Lord, kayo na po bahala sakin.
-