Chapter 3

11 1 0
                                    

SOPHIE

Nung umagang pag-gising ko, ineexpect kong nasa bahay si Bryan at nagluluto pero wala man lang ni anino niya. Sabi niya naman sa school lang ah,

Dafvck Elise, ano ba sayo kung di ka niya kausapin o pansinin. Iparamdam mo sa kanya yung tunay na ugali ng isang Sophie Elise Dela Fuente.

Hindi ako nakatulog ng maayos dahil don sa kagagawan ni Bryan, sobrang nakakabadtrip siya. Pagpasok ko sa gate ng Kyros, halos wala masyadong estudyante.

"To all the students who passed the Audition for the Dance Troupe, kindly go to the studio right now, thank you." Rinig kong announce sa may lobby. Kaya nagmadali akong pumunya don, pagpasok ko halos lahat sila nandito na.

"Goodmorning." Bati sakin ng isa kong schoolmate, nginitian ko lang siya. Hinanap ng mata ko si Bryan pero wala padin siya, san kayang lupalop ng mundo nakikain yon?

Why am I caring for him? Wala nga pala kong pake sa kanya. Nung nagsasalita na si Cindy, which is our Choreographer. Biglang may pumasok na isang lalaking mukhang unggoy na may sugat na may nana, Joke. Si bryan.

"Sorry, Im late." Sabi niya, umupo siya sa may likod ko at nagsalita na ulit si Cindy.

"Okay guys, I'll be pairing you. May project kasi na binigay sa akin, at kailangan ko kayo. May pe-pair ako. 1boy and 1girl. You'll be going to different places para maghanap ng iba-ibang dancers. Na tuturuan natin, at ilalaban. Siguro itatanong niyo kung bakit hindi tayo yung sasayaw? That's the project. Kukuha tayo ng dancers and we'll teach them. Lalaban sila sa Korea. So, kailangan natin manalo dito. Its a battle of different schools. Okay let's start the pairings." Sabi niya. Lahat kami umupo at naghintay. Sana naman maayos yung mapunta sakin.

Madami ng natawag si Cindy at halos apat nalang kami dito, namimili nalang siya. Ako, si Bryan, si Ally, at si Joshua. "Okay, Bryan and Ally. Joshua and Sophie." Nagulat akong hindi si Bryan yung pinair sakin.

"Hi Sophie, uhm.. San tayo magsisimula? Eto yung different places na pwede lang natin puntahan." Sabi niya, medyo awkward kasi hindi naman kami close nito ni Joshua pero nakasama ko na siya sa sayaw dati, pero matagal na yon. Kinuha ko yung papel tapos binasa ko yung mga places.

Batangas, Tagaytay, Antipolo, Zambales, Palawan, Bohol. Ayon lang, bakit parang ang onti?

Nagpaalam na ako kay joshua kasi may klase pa ako, kinuha ko narin yung number niya. Bukas na kami aalis, agad-agad. Meron kaming sariling Mini Cab. Na biga ng school, yes ang yaman ni Bret grabe.  Pagpasok ko sa next subject ko, nakita ko si Bryan na nasa upuan ko. At natutulog ata. Ang bilis naman neto makabalik dito. Lumapit ako sa kanya at tinapik siya pero hindi padin nagigising.

Nagulat ako kasi bigla siyang umupo ng maayos pero nakapikit padin at tulog na tulog. Tinitigan ko lang siya, natatawa ako kasi bumabagsak-bagsak yung ulo niya.

"Tititigan mo nalang ba ako? Alam kong gwapo ako Elise." Nagulat ako ng bigla siyang magsalita. Gising naman pala tong mokong na'to e. Dumilat siya at tumawa.. Ang ganda makitang nakangiti na ulit siya sakin, wait what? Erase.

"Bakit di ka nagpunta sa bahay kanina?" Nagulat din ako sa tanong ko. Nakita kong ngumiti siya at ako nagtago nalang sa mga buhok ko dahil feeling ko namula ako bigla don. Sinundot niya yung tagiliran ko kaya napatingin ako sa kanya.

"Ayie. Kilig ako, hinihintay mo ako kanina ha. Ganyan ka na ba? Isang araw palang namimiss mo na agad ako." Tapos tumingin siya sakin ng nakakaloko. Kaya hinampas ko siya.

Dumating na yung iba naming classmate kaya di na kami nagdaldalan. Dumating nadin yung teacher namin. After 3 subjects, "Class Dismissed." Lahay ng kaklase ko nag-yehey.

Nagvibrate yung phone ko kaya kinuha ko, "Oh Bret bakit?" Tumawag si bret. "Wala lang, Libre mo ako. Dali." Napailing nalang ako. "Okay sige." Tapos inend ko na.

Nagpunta na agad ako sa Room nila Bret. Kaklase niya si Rhian at Gwynn dito, Inggit ako. Paglabas nila kasama nila si Ally. Medyo close kami. Pagdating namin sa canteen umorder lang si Gwynn ng pagkain namin.

"Ally, balita ko kasama mo daw si Dexter sa paghahanap ng dancers ah." Sabi ni Rhian kay Ally. Kaya naintriga ako, kumakain lang ako ng fries at pinapakinggan sila. Katabi ko si Rhian tapos nasa harap namin sila Bret at Ally.

"Ah oo. Malas nga e." Sabi ni Ally na parang pasan ang buong mundo. Tumawa naman si Rhian. "Nako, Malas ka talaga. Alam mo naman ugali nun e." Sabi ni Rhian. Wait, kapartner ni Ally? E diba si Bryan yon? Bakit dexter?

"Dexter? Diba si Bryan yon?" Tanong ko. Nagulat si Rhian, Ally, at Bret sa tanong ko. Bakit para silang nakakita ng multo sa gulat nila.

"You're calling Dexter, Bryan?" Nagaalangan na tanong ni Rhian. I nodded. Napapikit si Rhian sa sagot ko. "You should stop calling him Bryan, Hindi ikagahanda ng buhay mo yon. At iwasan mo nalang siya whenever he gets close with you." Sabi ni Ally. Tinaasan ko siya ng kilay and I mean 'why'.

Dumating na si Gwynn at naki-usisa samin.

"Alam mo kasi Sophie, Dexter is not just a simple boy na akala mo sobrang bait. Ex-boyfriend ko si Dexlee kaya kilala ko si Dexter. Did he just go with you and eat with him, go to your house some kind of stuffs like that?" Tanong ni Ally, I nodded again. Nagtinginan silang apat. At nagiba bigla yung expression ni Gwynn, naging seryoso.

"You should stop seeing him Sophie." Sabi sakin ni Gwynn. Nag-nod yung tatlo.

But why? Pero bakit hindi ko din magawa? Naging curious tuloy ako.

"And why?" Tanong ko. Tumingin sakin si Bret.

"He will just leave you broken."

LIVING A LIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon