SOPHIE
When I open my eyes, Puti lang nakita ko. Asan ako? I rubbed my eyes. And there, nakita kong may mga nakalagay sakin na kung ano-ano. Dextrose. Oxygen. Ewan, masyado silang madami. Nilibot ko yung tingin ko sa kwarto, and then I realized. Nasa ospital ako.
May nakita akong lalaki na nakahiga sa sofa, He's just peacefully sleeping. I looked at him, Sobrang amo ng mukha niya at the same time parang bad boy. Nangingibabaw yung medyo brownish na reddish niyang buhok. His piercings shined.
"Bry," Unti-unti niyang binuksan yung mata niya and then he smiled at me.
"Buti naman gising ka na. Magdadalawang araw ka ng tulog dyan e, I wonder kung gaano ka katagal nagpuyat at sobrang haba ng tulog mo." Inirapan ko lang siya.
"What happened?"
Tumayo siya at lumapit sakin. Umupo siya sa may upuan sa gilid ng hospital bed.
"Madaling araw non, Nagjojogging ako malapit sa Kyros. Then I saw your Car. Tapos maya-maya tumawag ka na sakin. I heard your sobs. Tapos narinig kitang sumisigaw. Lumapit ako sa kotse mo, Nakita kitang halos namimilipit na sa sakit akala ko nga nung una natatae ka lang e, Pero bigla kang tumigil tapos para kang namatay non. So tumakbo agad ako sayo, and then dinala kita sa ospital. Dito."
At bigla kong naalala lahat. Pinilit kong wag nalang isipin yon. At bumaling ulit yung atensyon ko kay Brylle.
"Binilhan nga pala kita ng Mansanas, Orange, Suha, at kung ano-anong prutas," Sabi niya tapos kinuha niya yon at binalatan.
"Anong sabi ng doctor?"
"Stress ka lang daw. Masyado kang stress. Yon, pahinga lang daw kailangan mo. Kaya napagdesisyunan kong ilayo ka dito sa nakasanayan mong lugar. Kaso naalala ko din na may pasok ka at kailangan mong makagraduate." Tumawa naman siya.
"Ayokong pumasok."
"Para mo narin sinabing, ayaw mong grumaduate." Napangisi ako. Hindi ko alam pero bakit ang gwapi netong Brylle na 'to kahit mukha siyang adik.
"No, I mean. Chill." Pabulong ko ng sabi, Umiling lang siya.
May dumating na nurse at chineck ulit ako. Ang sabi niya pwede na daw akong umuwi. Pero sabi ko kay Brylle ayoko sa bahay. Hindi na siya nagtanong kaya dinala niya ako sa condo niya.
His condo is big. Black and White lang halos makikita mo dito. Ang peaceful tignan. Umupo ako sa sofa at binuksan yung TV, nanuod lang ako ng cartoons. Wala namang magandang palabas e.
Maya-maya may naamoy ako galing sa kusina kaya pumunta ako don, Brylle is cooking.
"Ano yan?"
Tumingin siya sakin tapos ngumiti, I like his smile.
"Beef steak." Nagningning naman yung mata ko sa narinig ko. Gustong-gusto ko kasi ng Beef Steak, seryoso. Umupo ako dun sa upuan na malapit sa niluluto niya. Tapos nung nakita kong pinatay na niya yung kalan tumayo ako at kumuha ng plato.
"Kain na." Masigla kong bati kaya napatawa siya ng mahina.
Pagkasubo at nguya ko, Lumaki yung mata ko.
"Mmmmmm!! Ang sarap!!" Excited kong sabi tapos kumain na ng kumain.
"Kalma, Elise." I looked at him. Elise din tawag niya sakin.
I remember, Bryan. May alam kaya siya? Umiling nalang ako tapos nagpatuloy kumain. Pagkatapos namin kumain, hinugasan ko na yung mga plato tapos naligo ako. Aalis daw kami ni Brylle e.
Nagpunta kami sa MOA, Una nasa starbucks kami tapos nanunuod kami dun sa mga Teenagers nadin na sumasayaw sa labas.
"Hindi sila marunong magblockings. Nawawala agad sila sa pwesto." Komento ni Brylle,
