Chapter 12

8 1 0
                                    

SOPHIE

Nagising ako sa ring ng cellphone ko. Madaling araw palang 'non. Tumatawag si Kuya Nikko.

"Baby sis nasan ka? Ngayon ko lang nabasa yung text mo." Sabi ni Kuya.

"Out of town lang. Yung para sa dance project namin." Narinig kong may tumawag kay Kuya sa kabilang Linya. Kaya nagpa-alam nadin siya.

Hindi na ako nakatulog non kaya lumabas ako at pumuntang kusina. Tinignan ko yung loob ng ref, madaming laman. Kinuha ko yung itlog at yung spam. Tapos sinangag ko yung kanin dito.

Habang inaayos ko yung lamesa may gwapitong este mukhang unggoy na lumabas sa kwarto. Nevermind.

"Grabe naman yung girlfriend ko. Nagluto talaga para sakin, salamat." Sabi niya in a inaantok way. Ang lalim ng boses niya jusko, Hindi na ako nakapalag sa next na ginawa niya.

Niyakap niya ako galing sa likod tapos yung ulo niya nakapatong sa balikat ko, Kakawala na sana ako pero hinigpitan niya yung pagkakayakap sakin. "Lets just stay like this. Please, Just for a minute." Inaantok niyang sabi. Kaya hinayaan ko nalang siya.

Maya-maya umalis nadin siya at umupo na, Pero nakapikit padin siya. Kaya hinawakan ko yung mata niya tapos pinipilit kong buksan pero hinahawi niya lang yung kamay ko.

"Gumising ka na diyan." Tumango siya sakin tapos dumilat na siya. Tahimik lang kaming kumain kasi inaantok pa siya.

"Nga pala, maligo ka ha. Aalis tayo." Sabi niya tapos uminom siya.

"Naligo na ako." Tumango lang siya tapos tumayo siya at tumabi sakin.

Pinapanood niya ako habang kumakain kaya naiilang ako, pero wala akong pake. Nagugutom ako. Kaya kain lang ako ng kain, maya-maya naririnig ko na yung tawa niya kaya tumingin ako ng masama sa kanya.

"Ano! Bakit!" Sigaw ko sa kanya tapos nagposisyon ako na kunwari sasapakin ko siya pero tinawanan niya lang ako kaya inirapan ko siya.

Pagkatapos ko hinarap niya sakanya yung upuan ko, kaya magkaharap kami ngayon. Tapos nagtitinginan lang kami. Tapos bigla siyang tatawa. Nababaliw na ata 'to.

"Anong ginagawa mo?" Tanong ko sa kanya kasi kinuha niya yung pakwan tapos hinati sa 1/4.

"Watch and Learn."

Tapos bigla niyang nilagay yung pakwan sa ulo niya. "O, diba instant cap na. Matibay pa 'to o." Sabi niya kaya napailing nalang ako sa kanya.

Kinuha niya yung phone ko tapos nagselfie ata siya. Yung isa nilagay niya sa Mukha niya talaga as in. Tapos yung isa naman inalis niya yung red tapos nilagay niya yung ulo siya gitna tapos nagselfie ulit siya.

"Bakit mo hinilamos sa mukha mo yang pakwan?"

"Sikreto yon ng isang Bryan Valdefuente." Mayabang niyang sabi sakin tapos kumindat siya.

"Try mo," Bago pa ako makapagsalita pinunas na niya sa mukha ko yung pakwan tapos tumayo siya at tawa siya ng tawa. Kaya kumuha din ako ng pakwan at hinabol siya sa may terrace kaya ngayon magpupunasan at nagbabatuhan kami ng Pakwan.

"Mga mukha tayong ewan." Sabi niya habang natatawa, "Bakit sino bang nagsimula?" Sarcastic kong tanong sa kanya.

Pumasok na kami sa loob para ayusin yung mga kinalat namin, May nakita siyang icing kaya pinahid niya yon sakin.

"Bry! Para yan sa cake na ibebake ko mamaya! Kadiri na yan!" Sigaw ko sa kanya.

"Gawa ka nalang bago." Inirapan ko siya at syempre gaganti ako sa kanya.

Kumuha ako sa palad ko ng icing tapos hinabol siya, nadapa siya kay lumuhod ako para lagyan siya ng icing tawa lang kami ng tawa. Sobrang kalat na ng bahay.

Nung nakatayo siya, tumakbo ulit siya pero tumigil din siya kaya tumigil din ako at lumapit sa kanya.

May dumating na babaeng naka-wheel chair at sobrang ganda niya. Kamukha siya ni Bryan.

"Mom," Tawag ni Bryan doon sa babae tapos kinuha niya yung towel na nakapatong sa cabinet tapos pinunasan niya yung mukha niya at lumapit siya sa Mama niya at hinalikan ito sa noo.
Kinuha ko yung isang towel na nandun din sa cabinet at nagpunas din ako.

"Goodmorning po," Bati ko sakanya. Nginitian niya ako kaya ngumiti din ako.

"Nagkakatuwaan ata kayo nito ni Bryan." Sabi niya habang nakangiti. I cant say kung natutuwa ba siya or naiinis.

Dinala ni Bryan yung mama niya sa sala at ako naman nag-ayos na ng mga kalat namin. Habang nililinis ko yung mga kalat namin, nakatingin lang sakin yung mama niya. Kaya medyo nailang ako. Napansin niya din siguro.

"Hija, pwede ba kitang makausap?" Tanong ni Tita Mina, nalaman ko na yung pangalan niya dahil pinakilala siya sakin. Nilagay ko sa tabi yung mop na hawak ko tapos lumapit ako sa kanya.

"Thi is the second time na nagdala si Bry ng babae dito. Its been a year. Ikaw siguro yung babaeng sinasabi sakin nila Manang na dahilan kaya nababawasan na ang pagiging matigas na ulo nitong anak ko." Sabi niya tapos tumawa siya ng onti. Ang ganda ng Mama ni Bryan bakit ganon?

"Second time po?" Napapikit ako sa naging tanong ko. Bakit yun pa yung natanong ko. Hay sophie, di ka talaga nagiisip.

"Yes, second time. Una niyang dinala dito si Mae, I really liked that girl, kaso naghiwalay na sila ng anak ko. And after that, tumigas na ulo niyan ni Bry, buti nalang at dumating ka ulit sa buhay ng anak ko." Sabi niya then she smiled at me.

Hindi na ako nakasagot kasi lumabas na si Bryan sa kwarto at bagong ligo.

"Ma, baka kung ano-ano na naman sinasabi mo kay Elise ha." Sabi niya. Hinampas ko naman siya.

"Parehas talaga kayo ni Daddy mo when it comes to love. I like her. Take care of her ha, bryan? O sige na. Aalis na ako. Mukhang may pupuntahan pa kayong dalawa e." Nagpaalam nadin kami kay Tita Mina, sobrang bait niya. Tapos sobrang ganda pa.

Pagkatapos kong maligo, nilock na ni Bryan yung bahay. Tapos nilabas niya yung dalawang bike. Nagkaroon ata ng hearts yung mata ko.

"Lets go." Masigla akong nagpedal dito sa bike na 'to. May nadaanan kaming mga bukid. At sabi ni Bryan sa kanila daw yon. o diba, hindi naman siya nagmamayabang sa lagay na yon.

Tuwing may makakasalubong kami halos kilala siya, ganon daw talaga kasi sa probinsya. Halos magkakakilala na kayo. May pinasukan kaming yellow na gate tapos sobrang laki niya.

"Dito binibilad yung mga palay na nakukuha sa bukid." Tumango lang ako sa trivia niya. 

Isa tong malaking lote, at sa likod noon. Halos puro bukid na. Dito daw kumukuha yung mga tao ng ikakabuhay nila. Syempre kung may lote ka lang sa bukid. May bahay sa likod nito at madaming batang naka-abang.

Mga pinsan at pamangkin niya daw yon. Yung iba nahihiya sa kanya. Meron kasing swimming pool dito yung pangbaby na swimming pool. Tapos naglalaro lang sila.

Pinapunta niya ako dun sa may harap ng bahay ng tita niya, naka-landscape 'to. Perfect place para magkape. Kaya umupo ako dun. Pagtingin ko sa may labas, may hindi ako inaasahang makita. Kilalang-kilala ko siya.

Anong ginagawa niya dito?

"Andyan na pala si Kuya paul." Sabi ni Bry, kaya umiwas ako ng tingin at tumingin ako sa phone ko.

"O, Elise. Coffee." Alok sakin ni Bryan kinuha ko yon at narinig ko na sila. Yung Kuya Paul daw ni Bryan.

Nag-angat ako ng ulo at nakita niya ako, He seems shocked. Pero hindi niya pinahalata kila Bryan. Nagiba agad yung expression niya.

"Elise, ito nga pala si Kuya paul, Pinsan ko." Pakilala niya sakin dun sa Pinsan niya. Nginitian niya ako kaya ngumiti din ako sakanya.

"Ito naman si Kuya," Hindi ko na pinatapos si Bryan.

"Kuya Nikko, you're Kuya Nikko. Tama ako diba?" Mataray kong sabi. Nagulat si Bryan.

"Sophie." Sagot ni Kuya.

I think, I need explanation about this.

LIVING A LIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon