Chapter 7

15 2 4
                                        

SOPHIE

Pag gising ko, Wala na si Bryan sa higaan niya. Tyaka naka-ayos nadin kaya bumangon na agad ako. Sinuklay ko lang yung buhok ko tapos lumabas na ako ng kwarto.

Wala din si Bryan, asan kaya yun?

"Hulaan ko. Hinahanap mo ako 'no?" Napatingin naman ako sa kanya.

"Bakit ka nakapang-alis?" Tanong ko. Kasi naka-maong shorts sya, white short-sleeves tapos maong na jacket.

"Syempre, aalis tayo. Kaya bilisan mo diyan kumain kana." Sabi niya sakin tapos naglakad siya papuntang kusina kaya sumunod na ako.

"Wow. Bat ang daming pagkain?" Grabe yung umagahan na to. Sobrang dami. Ang sarap nila tignan.

"Wala lang, gusto ko lang magluto para sa babaeng mahal ko." Nasamid ako dahil sa sinabi niya kaya binigyan niya agad ako ng tubig tapos nung okay na ako. Tumingin ako sakanya.

"Seriously, Bryan?"

"Oh bakit? May deal tayo kaya wag kang ano diyan." Sabi niya tapos kumain na.

Oo, deal lang 'to.

Pagkatapos namin kumain, naligo na ako tapos umalis nadin kami. Hindi ko na pinansin kung saan kami pupunta kasi gusto ko lang talagang matulog.

"Elise, Pwede bang maging tayo nalang talaga? Yung totoo na talaga?" Pagkasabi niya non, hindi ko na napigilan na yakapin siya.

Mahal na mahal ko si Bryan, Kaya oo. Alam kong nagbago na siya, alam kong hindi niya ako sasaktan.

"Hoy! Elise! Gumising ka nga diyan nandito na tayo!" Naputol yung panaginip ko dahil sa lalaking to.

Pero saglit? Siya ba yung napaginipan ko? Haha syempre hindi.

Paglabas ko ng minicab nakita kong nasa isang beach kami. Oo as in beach. Anong ginagawa namin dito? Dito kami maghahanap ng dancer? Baliw na ata to si Bryan e.

"Hoy Bryan anong ginagawa natin dito?" Sabi ko habang hinahabol siya papasok ng isang hotel. Tapos kinausap niya yung nasa counter.

"Tara na," Tapos inakbayan niya ako. Seryoso? Ang bigat ng kamay niya tapos ang tangkad niya pa nagmumukha akong unano dito e.

May binuksan siyang isang pinto, may dalawang kama tapos may tv may isang cr.

"Magsestay tayo sa iisang kwarto?" Sigaw ko sa kanya. Pero tinawanan niya lang ako.

"Alam mo, elise. Kalma lang. Hindi naman siguro masama na magsama ang couple sa iisang kwarto diba?" Sinasabi niya yan habang lumalapit sakin. In a seducing way. Hanggang sa wala na akong maatrasan and then he pinned me at the wall.

Hindi ko alam kung paano ko pa siya titignan o kung paano ako aalis dito, nararamdaman ko na yung init ng mukha ko dahil sa inis, inis sa lalaking kaharap ko.

Naramdaman kong lumapit yung mukha niya sakin kaya pumikit ako.

Pagkatapos ng sobrang tahimik na sandali, bigla akong nakarinig ng malakas na tawa. Kaya minulat ko yung mata ko.

"Umayos ka bryan ha!" Sigaw ko sa kanya. Tumingin siya sakin tapos bigla siyang tumakbo kaya sumunod ako.

Gusto ko siyang sapakin ng walang tigil.

Tumakbo na siya hanggang sa labas ng resort, at paunti na ng paunti yung mga tao. Tapos biglang nawala na si Bryan sa paningin ko.

Naglakad nalang ako para hanapin siya, may nakita akong likuan, kaya pumasok ako dun.

Nakita ko si Bryan na nasa gitna ng parang isle. Sobrang ganda niya.

Sinundan ko si Bryan pero mukhang seryoso siya kaya hindi ko siya inistorbo. Nakatingin siya sa beach, walang tao dun sa part nayon. Parang forest na siya at napapalibutan na ng mga halaman. Pero magugulat ka na may ganito dito, Sobrang ganda ng white sand at kitang-kita mo yung blue na dagat. Sobrang ganda.

"My mom really want this kind of places. Sayang lang na hindi ko siya madadala dito." Malungkot na sabi niya. "Why?" Tanong ko. Tumingin siya sakin saglit tapos binalik niya yung tingin sa dagat.

"Mom has a cancer, Stage4. She's near death. Nararamdaman niya na daw e. Hindi na siya pinapayagan ng doctor na lumabas ng bahay. Baka daw kasi mas makasama pa yun sa kanya." Naglakad siya papuntang dalampasigan kaya sumunod ako. Tapos umupo siya. Kaya sumunod ako sa kanya at umupo rin ako sa tabi niya.

"Atleast you have your true parents kesa naman sa nabubuhay ka sa kasinungalingan. Atleast naranasan mong maalagaan ng mga tunay mong magulang, not like me." Malungkot ko din ng sabi and I fake a laugh. He stared at me for awhile at nabasa ko yunh expression niya.

"A year ago, narinig ko sila mommy at daddy na naguusap about me. Mom said, Im just adopted. Hindi ko sila kinausap tungkol don, Gusto ko kusa nilang sasabihin sakin. Pero Many days past, Wala padin. At simula non, Lumayo yung loob ko sa kanila." And again, I fake a laugh.

Nagulat ako kasi bigla akong niyakap ni Bryan. At feeling ko gumaan yung loob ko kaya hinayaan ko lang siya. Pagkatapos non, Tumayo siya tapos hinila ako dun sa gitna ng isle.

"You know what, Elise. Matagal ko ng gustong alagaan ka. Matagal ko ng gusto na maging dahilan ng mga ngiti mo. Matagal ko ng gustong maging laging laman ng isip mo. And sana Sam, Hayaan mo kong mangyari lahat yon. Hayaan mong pasayahin kita." Sabi niya. Naiiyak ako sa ganitong feeling, hindi ko maexplain kasi ayoko ng ganito. Ayoko ng ganitong feeling.

"Im sorry, Bry. Pero ayoko." Pagkatapos kong sabihin non, tumakbo ako palayo sa kanya at kinuha ko yung phone ko.

"O, Baby sis, napatawag ka?" Tinawagan ko si Kuya kasi gusto ko siyang makausap.

"Kuya nasan ka?"

"Im here sa batangas, why?" Sakto.

"Sunduin mo ako dito sa Acuatico. Baby sis needs her Big brother." Sabi ko and I end the call.

Bumalik ako sa kwarto namin tapos kinuha ko yung gamit ko. Tapos hinintay ko na si Kuya sa may lobby. Maya-maya dumating din siya kaya umalis na kami.

"What happened?" Seryosong tanong ni Kuya. Naiiyak na ako. Pero pinipigilan ko lang.

"I just want to go home, please." Sabi ko. Tumango lang si Kuya tapos mabilis niyang pinatakbo yung kotse.

Nung malayo na yung nararating namin, Tinabi ni kuya yung kotse sa isang gilid. May tumatawag kasi sa kanya.

"Bakit Jb?" Tanong ni Kuya. Dun sa phone tapos maya-maya biglang nanlaki yung mata niya.

Binaba niya yung phone niya tapos pinatakbo niya yung kotse niya ng mabilis. As in mabilis, Medyo traffic nun pero madaming alam si kuya na way kaya sa isang oras nakadating na kami sa bahay.

"Im going to the hospital, Emergency. Just stay here. I'll be back later. Okay?" Natatarantang sabi ni Kuya kaya tumango lang ako. Tapos he kissed me in my forehead.

Pagpasok ko ng bahay, Wala padin akong nadatnan na tao. Wala padin sila Mommy?

Nagshower lang ako tapos nagonline ako. May nagnotify sakin sa Kyros kaya I clicked it.

At hindi ko alam kung anong iisipin ko sa nabasa ko. Tama lang siguro yung ginawa ko kanina. Tama lang sigurong hindi ko na ientertain si Bryan.

KYROS NEWS: HEADLINE!

"Kyros Hearthrob na si Dexter Bryan Valdefuente, Nakitang may kahalikan na babae sa isang bar!"

LIVING A LIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon