Chapter 11

6 1 0
                                    

SOPHIE

Wala akong ideya kung saan man yung hometown nito ni Bryan, basta nagdala lang akk ng gamit. 3 days lang naman daw kasi e. Nagtext din ako kay Kuya na umalis ako. Pero hindi siya nagreply.

Si Bryan yung nagmamaneho ngayon medyo matagal nadin kaming bumabyahe pero lagi niyang sinasabi na malapit ma daw kami.

May nakita akong sign board na Tarlac, hmm? Tapos maya-maya lumiko siya sa isang bus stop. Mga FiveStar Bus yung nandito. Nagpark siya tapos pinagbuksan ako.

"Anong gusto mong kainin?" Tanong niya sakin habang naglalakad kami papuntang counter.

"Ayon!" Turo ko dun sa bbq. Tumango lang siya tapos umupo na ako sa isang table don. Maya-maya sumunod nadin siya sakin.

"Bry, nasan tayo?" Tanong ko sa kanya. Inaayos niya yung pagkain namin pero kinuha ko na yung akin para ako ma magasikaso. Nababasa ko kasi sa Bus yung mga Tarlac, Cabanatuan, San Jose. Mga ganon.

"Nasa tarlac palang tayo, Bus stop lang 'to. Nueva ecija tayo." Sabi niya sakin. Nueva ecija? Seriously?

Kumain lang kami tapos umalis nadin kami. Gabi na, pero hindi padin kami nakakdating ni Bryan sa bahay nila. Ang bagal kasi magdrive e.

Napadaan kami sa isang court, tapos may plaza don. Tapos may mga stall, at madaming tao. It reminds me of something.

Maya-maya tumigil kami sa isang blue na gate. Tapos bumaba na siya at pinagbuksan ako. Kulay peach yung bahay, malaki siya. At maganda siya.

May nakita akong parang board don. Yung mga nakukuha ng ibang mga registered na.

"Lucita Valdefuente, Registered Housewife." Basa ko dun sa board. Sa likod kami dumaan, nakikita ko dito yung buwan. Full moon pala ngayon. Pagpasok namin sa loob, walang tao.

"Bryan, nasa yung mga tao dito?"

"Nandun sila sa bahay ng isa kong Tita," Tumango lang ako tapos binuksan niya na yung isang kwarto, isa lang yung kama. Pero may sofa sa may baba ng aircon. Meron ding CR, tapos may dalawang bintana. Yung isa makikita mo yung kalsada. Tapos may parang flatform dito, na madaming frames at figurines.

"Kwarto mo ba 'to?" Tumango lang siya tapos nilagay na yung mga gamit namin sa cabinet.

"Maliligo lang ako, tapos punta tayong plaza." Sabi niya tapos pumasok na sa CR. Probinsyang-probinsya yung bahay nila. Lumabas ako sa may terrace at nakikita ko yung mga batang papunta sa plaza. Yung iba naka-tricycle.

Sobrang simple lang nila, tyaka hindi tulad sa Manila na pag ganitong oras puro sasakyan maririnig mo. Dito wala. Sobrang tahimik, Perfect place para magisip.

"Elise?" Tawag sakin ni Bryan. "Nandito ako sa Terrace." Lumabas siya tapos binuksan yung gate.

"Alam mo kanina pa ko natatawa sayo." Tinaasan ko siya ng kilay tapos nilagay ko yung kamay ko sa bewang ko.

"Siguro ngayon ka lang nakapunta sa ganitong lugar, Wala ka bang probinsya?"

"Wala. Pag umaalis kami or mga occasions nasa bahay lang kami, out of town, or out of the country." Sabi ko at tumango lang siya.

Habang naglalakad kami hindi kami naguusap may mga kasabay kaming naglalakad kaya hindi nakakatakot kahit gabi na. Naririnig ko yung iba na pinaguusapan si Bryan, gwapo daw.

Nakita ko na yung mga stall kanina madaming tinda tapos pumasok na kami sa loob. Madaming mga batang naglalaro tapos may mga dalaga at binata din. Syempre hindi mawawalan ng mga couples.

Nagpabarya si Bryan ng 100 pesos tapos tumapat kami sa isang stall.

"Ang tawag dito, Beto-beto." Merong hawak yung babaeng parang maliit na plastic na platito. Tapos may board sya na parang domino na 1 hanggang 6, meron ng mga nakalagay na taya. After ng ilang alog niya unti-unti niyang binuksan tapos may tatlong dice don. Tapos may mga nanalo, kung ano yung nandun sa dice. Madali lang pala 'to e.

Tumaya ako sa number 4, 3, at 6. Tumingin sila sakin tapos si bryan tumawa, kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"Madaya ka, dapat isang number lang tatayaan mo." Sabi ni bryan at tumango-tango lang ako. Ineenjoy ko na yung laro kaya taya na ako ng taya. Nananalo naman na ako. Pero nung nakuha ko na yung 50 tumigil na ako.

Hinanap ko si bryan at nakita ko siya dun sa may binggo-han na may kausap na babae. Aba, lalandi lang pala 'tong lalaking 'to. Naghanap ako ng ibang pwede pang tayaan. May nakita akong kulay-kulay. Parang ganun din siya sa isa pero ito kulay syempre.

Dahil hindi ako makapagconcentrate, hindi akk makataya ng maayos kaya natalo ko yung 50. Nagutom ako kaya pumunta ko dun sa nakita kong ihawan.

May mga nakatingin na babae sakin from head to toe, kaya umiwas ako ng tingin sa kanila. Nagpa-ihaw ako ng tatlong isaw, tatlong betamax, tapos apat na tenga ng baboy. Naubos ko na yung isaw tyaka ko nakitang papalapit si Bryan kasama yung babaeng kasama niya kanina. Nagtatawanan pa sila. Tss.

"Hindi ka man lang nag-aaya." Sabi ni Bryan pero inirapan ko lang siya. Kumuha din siya tapos pinaihaw niya tapos kinausap niya naman yung babae.

Hello! Nandito kaya ako! Gusto ko ng sapakin si bryan dahil sa inaasal niya, nako talaga.

"Nga pala, Elise. Si Angel." Pakilala niya sakin dun sa babae, ngumiti siya sakin. Kaya ngumiti din ako, ng matipid.

"Angel, si Elise." Sabi niya tapos umakbay ako kay Bryan kahit na mas matangkad siya sakin.

"Girlfriend." Sabi ko tapos ngumiti ako ng todo. Maasar ka sana. Pero tumawa lang yung babae, hindi ba siya naiinis?

Inalis ko yung pagkaka-akbay ko kay Bryan tapos niyakap ko siya sa likod. Tapos ngumiti ulit ako, tumingin ako kay Bryan at gulat siya sa ginawa ko. Hindi ko inaalis yung pagkayakap ko sakanya.

"O, Bryan luto na 'to." Sabi ni Manang na nagtitinda. Kinuha ko agad yung isang isaw tapos sinawsaw ko sa suka tapos humarap ako kay bryan.

"Say ah." Sabi ko sa kanya na parang bata, ngumisi siya sakin tapos umiling tapos maya-maya ngumiti ng nakakaloko tapos kinain din yung isaw.

Nilagay ko ulit yung kamay ko sa likod ni Bryan tapos umakbay siya sakin tapos ngumiti ulit ako kay Angel.

"Ang cute niyo ng girlfriend mo. So sweet." Sabi ni Angel tapos ngumiti samin. Kaya ngumisi ako. Ayan tama yan, dapat alam mo kung saan ka lulugar.

"Oo nga, INSAN e." Napatingin ako kay Bryan tapos kinindatan niya ako. Diniinan niya yung pagkakasabi ng 'insan' do you mean?

"Masyado palang selosa yang girlfriend mo. Akala niya siguro aagawin kita sa kanya. Hayaan mo, Elise. Magpinsan lang kami." Tapos tumawa sila ni Bryan, naramdaman kong uminit yung mukha ko dahil don. Jusko.

Inalis ko agad yung kamay ko sa likod ni Bryan, kaya napatawa siya. Inirapan ko lang siya. Sinabay na kami ni Ate Angel sa tricycle nila. Tapos binaba nalang kami don sa bahay, so dalawa lang pala talaga kami dito.

Pagpasok namin sa kwarto, humagalpak sa tawa si Bryan kaya binato ko sa kanya yung tsinelas ko.

"Bwisit ka bryan! Pakamatay ka na!" Sigaw ko sa kanya. Pero tawa padin siya ng tawa.

"Napaka-selosa mo naman palang girlfriend." Asar niya sakin, ibabato ko sana sa kanya yung hawak kong remote ng aircon pero tumigil na siya kaya di ko na tinuloy.

"Wag ka mag-alala. Di kita pagpapalit, Goodnight girlfriend ko. Sweetdreams." Sabi niya tapos natulog na siya. Ako naman nagshower naman.

Bwisit! Bryan, nako talaga! Humanda ka sakin!

LIVING A LIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon