Chapter 2

20 0 1
                                    

SOPHIE

Nakatulog pala ako nung nasa byahe kami nitong hindi ko kilalang lalaki. Pinunta nya ako sa isang fast food chain. Sa MCDO.

"Ano 'to? Iti-treat mo na agad ako? Take it easy man. Sa bar mo nalang ako itreat wag dito." Patawa kong sabi, tumingin lang siya sakin ng walang emosyon. So tinaasan ko siya ng kilay.

May kinuha siyang table na malapit sa aircon, actually tapat pa nga ata e. Ang lamig.

"Hindi ko alam na assuming ka pala 'no?" Mayabang niya sabi tapos bigla siya tumawa. Halos wala na nga siyang mata sa kakatawa e. "Anong ibig mong sabihin?" Mataray kong tanong.

"Magpapalibre ako sayo. Nagugutom na kasi ako e." Tapos bigla syang nag-puppy eyes. What the hell is wrong with this guy, hindi ko nga siya kilala e.

"Bat wala ka bang pera?" Pagkatanong ko, mabilis siyang umiling. "May kotse ka, nagaaral ka sa Kyros, tapos wala kang pera?" He rolled his eyes. "So, kailangan paulit-ulit tayo?" Sarcastic niyang tanong.

Kinuha niya bigla yung bag ko at mahigpit niya yong hinawakan, para siguro hindi ko makuha. Hindi ko alam kung bakit ko ba kasama ang isang lalaking hindi ko naman kilala. At tyaka, hindi naman ako friendly buti nga may kaibigan ako e.

"Kung iniisip mo kung bakit mo ako kasama, tigilan mo na. Simula ngayon, lagi mo na kong kasama." Sabi niya. Nakakabasa ba to ng pagiisip? Psycho ba to? "Kung iniisip mong nababaliw na ako, hindi ang isasagot ko."

Nagsimula na kong tumayo tapos bigla siyang tumawa ng malakas kaya halos lahat ng tao sa MCDO nakatingin samin. Pinandilatan ko siya ng mata kaya tumigil siya.

"Iniisip mong nakakabasa ako ng utak 'no? Hindi naman. Sanay lang talaga akong nagpapalibre sa kung sino-sino. Friendly kasi ako e, tyaka may pera ako joke lang yon." Paliwanag niya, tumango lang ako.

"Im Bryan, Ikaw?" Inabot niya sakin yung kamay niya. "Elise." tapos nagshake hands kami.

Ewan ko kung bakit yung second name ko yung sinabi ko sa kanya, which is ayokong tinatawag na ganon. Pagdating nung inorder namin, kumain lang kami at nagkwentuhan. Nalaman kong may restaurant pala siya. Gusto daw niya kasi yun simula nung bata siya, well since mayaman pala siya na-achieve niya. He studied on new york o diba kabog.

Pagkatapos nung kumain nagpaalam siya sakin na uuwi na daw siya, gabi narin kasi e. Bumalik na ako sa kotse ko at nagdrive na pauwi. Pagdating ko sa bahay, wala yung mga kotse nila Daddy pati yung kay Kuya Nikko. Tapos nakapatay lahat ng ilaw, kailan pa ba kami napatay ng ilaw? Pagpasok ko sobrang dilim. Pagbukas ko ng ilaw biglang may pumutok na party popper sakin.

"Happy birthday to you! Happy birthday!" Sigaw ni Kuya Nikko habang may hawak na cake lumapit siya sakin at nginitian ako. Hindi ko man lang alam na birthday ko pala ngayon, usually kasi hindi kami naggaganito. Hindi ako naghahanda, its either nasa bahay ako nila Bret. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko.

"I know na hindi ka sanay dito, I just want to make my sister happy. Gwapo-gwapo ng kapatid mo e." Natawa lang ako sa sinabi niya, "Ano konek ng make your sister happy sa kagwapuhan mo?" Sarcastic kong sabi sa kanya. Tapos tumawa lang ako.

Kami lang pala ni Kuya yung nandito sa bahay, nakaday-off yung mga yaya. Sila mommy nasa out of town, hinihintay ko yung text o tawag nila mommy pero ni isa wala akong nareceive. Hanggang sa makatulog na ako.

Paggising ko, Madaling araw pa lang. Naisip kong lumabas ng bahay at maglakad-lakad sa village namin. Kinuha ko yung jacket ko at short tapos nagpalit ako, kinuha ko yung phone at earphones ko at umalis na ng bahay.

May ibang nga tao na nagjojogging na dito sa village ng ganitong oras, may mga gising nadin na kapitbahay.
Now Playing. 4walls - f(x)

Habang ineenjoy ko yung kanta habang medyo sumasayaw biglang may nagalis ng earphones ko at pagangat ko ng tingin nakita ko si Bryan. Anong ginagawa nito dito.

"Hi, goodmorning!" Masaya niyang bati, I give him one small smile. Tapos naglakad na ulit ako, naramdaman kong sumunod siya sakin at ngayon nasa tabi ko na siya.

"Alam mo mas mean ka pa sa inaakala ko," Tumingin ako sa kanya tapos inirapan ko siya, "Bakit ano ba gusto mong gawin ko? Batiin ka din ng kasing lively ng bati mo? Bakit Bata ba ako? Tyaka were not even friends. And were not clo--," Naputol yung sasabihin ko sa ginawa niya. He just hugged me.

"O ayan, close na tayo. Pwede na?" Pabiro niyang tanong sakin, Tinulak ko siya palayo sakin tapos tinaasan ko siya ng kilay. "Can you please go away?" Iritado kong tanong. Bigla siyang tumango tapos tumakbo palayo sakin, ano yon?

Magsisix na nung nakabalik ako sa bahay, naligo lang ako tapos bumaba na ulit ako para magbreakfast. Pero hindi pa man ako nakakababa sa hagdan nakita kong sobrang kalat ng sala namin, bukas yung mga cabinet.

"Shit! Yung cellphone ko!" Mabilis akong bumaba para hanapin dito sa table, dito ko lang yon iniwan e. Hays, maya-maya may narinig akong naghuhum sa kusina. Kinuha ko yung payong sa likod ng pinto namin tapos unti-unti akong nagpunta don.

Pagpasok ko sa kusina, may lalaking nakatayo at nagluluto. Base sa paningin ko, si Bryan 'to.

"Goodmorning, lets eat." Casual niyang sabi, Tapos umupo na siya at nagsimulang kumain. Nilapit ko siya tapos pinaghahampas ko siya ng payong.

"Aray! Aray! Elise tama na, masakit!" Daing niya. "Wala akong pake, anong ginagawa mo dito!? Trespassing ka!" Tumigil na ako sa kaka-palo kasi parang di na siya nasasaktan.

"Kumain ka nalang, mamaya mo na ako interviewhin. May pasok pa tayo." Sabi niya tapos kumain nalang ulit siya.

Pagkatapos niyang kumain naligo siya dito sa bahay, as in dito sa bahay. Hindi ko alam kung may bahay ba 'to or sadyang namumulubi na siya. E may resto naman siya. Pagpasok naman sa Kyros, madaming nakapalibot sa bulletin ng Lobby, ipopost nga pala yung nakapasa sa audition. Bago pa man kami makalapit ni Bryan, Kinuyog ma siya ng fangirls niya sa school. Kaya lumayo ako, Nakita kong papalit sakin si Gwynn.

"Oh my god bestie, You are so galing. Nakapasa ka sa audition!" Sigaw niya tapos niyakap ako. Gwynn is my bestfriend din. Pero bading 'to. MEDYO.

"Asan si Bret at Rhian?" Tanong ko, nagkibit-balikat lang siya. Pumunta na kami ni Gwynn sa classroom, kaklase ko pala si Bryan sa subject na 'to.

Pagkakita ko sa kanya, lumapit ako sa kanya para i-congrats siya. "Congrats Bry!" Masaya kong bati. But, there is something wrong. He just looked at me. With no emotions. Parang di man lang niya ako kilala.

"Bro, hinahanap ka ni Vero--," Nacut yung sinabi nung kaibigan ni Bryan dahil napansin niyanh nandun ako. Tumango lang si Bryan tapos umalis na yung kaibigan niya.

"Wag kang lumapit sakin pag nandito tayo." Walang emosyon nyang sabi tapos dinaanan niya lang ako. Literal akong napanga-nga sa sinabi niya.

Mabilis akong lumabas ng classroom at pumunta sa may Garden, wala masyadong tao dito.

"What the hell was that, Bryan!? Are you kidding! Ughhhh!" I said in annoyance. Umupo ako sa isang bench at tumungin sa punong nasa harap ko.

Simula ngayon Bryan, wag mo nakong kausapin. Letse ka.

LIVING A LIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon