BRYAN
Kanina ko pa tinitigan dito si Elise. She's looking at the stars. Ano kayang iniisip nitong mokong na'to. Yung tita ko nakatira lang sa tapat nila Elise. Pare-parehas lang model ng bahay dito so saktong nasa Veranda ko nung nakita kong lumabas si Elise galing sa kwarto niya ata.
Alam ko kung bakit umiiwas sakin si Elise, Maybe because alam niya na yung ako. Si Dexter, The Boy who wants Girl being broken. Yung Dexter na gustong nakikitang nasasaktan ang babae. But, thats just Dexter.
Kaya ako nagpakilala kay Elise na Bryan, Kasi yun na yung totoong ako. Hindi ko alam pero nung nakita ko siya last year dito sa bahay nila tita, Nagustuhan ko na agad siya. Yung feeling kasi iba e, after that lagi ko na siyang nakikitang umaga na umuuwi. Minsan nga lasing pa e.
Gusto ko na nga siyang alagaan nung mga panahon na yon e, gusto kong nasa tabi niya. Nalaman kong sa Kyros siya nag-aaral pero ni isang beses ata hindi siya pumasok. Pumapasok siguro siya pero hindi ko hindi ko naabutan.
Pero isang himala ata, Na bigla ko siyang nakita sa lobby ng Kyros non. Kaya siguro siya pinagtinginan ng mga tao nung pumasok siya, kilala kasi siya sa Kyros e. Nung nagpa-audition sumali agad ako kasi alam kong sasali siya, Minsan nakikita kong sumasayaw yon sa Veranda nila e, Mukha siyang ewan.
Nung araw nayon, Dun ako nabuhayan ng loob kasi, finally nakakausap ko na siya. Napansin na niya ako. She knows that Im existing. Pero siguro dahil mabilis kumalat ang tsismis, Pinagbawalan na siya ng mga kaibigan niyang lumapit sakin.
Alam ni Brylle, Yung bestfriend ko. Alam niya kung gaano ko kagusto si Elise. Alam niya yon.
Nakipagpalit ako ng Partner kay Joshua, sabi ko. Ako nalang ang partner ni Elise, buti naman napapayag ko siya agad.
Maaga akong naggising at nag-ayos ng gamit. I love baking kaya pinagbake ko nadin ng Cupcakes si Elise. Sana lang di niya ireject.
Mula sa Veranda, nakita kong bumukas na yung ikaw ng kwarto ni Elise kaya bumaba na agad ako at pumunya sa bahay nila.
"O, hijo. Ang aga mo naman." Sabi ni Manang. Tumawa lang ako tapos pinapasok na niya ako.
"Anong ginagawa mo dito?" Ayan na, narinig ko na ang mataray na nilalang sa likod ko. Humarap ako sa kanya at ngumiti ng mas masaya pa kay Mcdo o kay Jollibee. Pero tinaasan niya lang ako ng kilay.
"Ako yung kasama mo ngayon kaya bilisan mo diyan, Wag kang pabagal-bagal." Utos ko sa kanya. Inirapan niya lang ako at umakyat na ulit siya.
Maya-maya bumaba na siya, May isang maleta siyang hawak kaya kinuha ko na. Pero ayaw niyang ibigay sakin.
"Hindi ako baldado, Ako ang magbubuhat nito. Wag kang pagentleman diyan." Mataray na naman niyang sabi. May regla ba 'tong babaeng 'to? Grabe na pagtataboy sakin ah.
"Grabe ka naman sakin Elise. Bakit ka ba ganyan? Ano bang ginawa ko? Sabihin mo! Sabihin mo!" Umacting pa ako na parang umiiyak pero hindi niya man lang ako pinansin o tinignan.
Sumunod na ako sa kanya palabas ng bahay nila, Nandun na pala yung Mini Cab na sasakyan namin.
Umupo siya sa pinaka-dulo tapos naglagay ng earphones. Alam niyo ba ang meaning ng ganon?
-Wag niyo akong kakausapin- Yun yon. Umupo ako sa kabiling dulo. Katapat ko lang si Elise. Tinitignan ko lang siya hanggang sa makatulog nadin ako.
-*-
SOPHIE
Naglagay ako ng earphones sa phone ko kasi ayokong maistorbo ng lalaking kasama ko ngayon.
Badtrip ako sa kanya kanina, kasi ang aga-aga niyang dumating e hindi pa nga ako nakakatulog ng maayos. Hindi ko na inisip yung consequences nito. Basta kailangang magtanda nitong si Bryan.
Batangas ang first destination namin. Sana lang maging maayos 'to. 3days kaming magsestay sa batangas. Yun lang yung time namin.. Kaya dapat todo bigay.
Pagdating namin sa Batangas, Binigyan kami ng challenge. Dito lang kami sa isang bahay sa batangas. Hindi kami hinotel. Grabe diba.
"Ate Elise, Sorry po kung maliit lang bahay namin ha? Ito po yung unan at kumot niyo ni Kuya Pogi." Sabi ni Anne, Yung anak ng may-ari ng bahay na tinutuluyan namin. "Ano ka ba, Anne. Okay lang. Salamat." Sabi ko. Pinaghandaan nila kami ng pagkain.
Kumain lang kami ni Bryan ng tahimik. Himala atang di ako kinakausap nitong Mokong na'to.
"Hoy Bryan! Kausapin mo nga ako!" Sigaw ko sa kanya. Tumingin siya sakin tapos ngumiti ng nakakaloko. Kaya inirapan ko lang siya.
"Sabihin mo na kasing namimiss mo na ako." Pabirong sabi niya. Tumawa lang ako ng peke tapos nauna na akong maglakad sa kanya.
Naglakad-lakad lang kami dito tapos napadaan kami sa isang court may mga nagpapractice ng sayaw kaya pumasok kami ni Bryan sa loob.
Umupo kami sa may upuan sa gilid tapos pinanuod lang sila. Marunong sila sa blockings, malinis. Tapos full energy, naglilifting din sila. Tumingin ako kay Bryan, tapos kinalabit siya. Hindi niya pinapanuod yung sayaw naglalaro lang siya sa cellphone niya.
"Hindi ka ba titigil diyan!? Ikaw kumausap sa mga yon." Mataray kong utos sa kanya. Padabog siyang tumayo. Aba tong lalaking to.
Nakita kong may kinausap siya, yun ata yung choreographer nung grupong sumasayaw. Matagal din silang nagusap tapos maya-maya bumalik na siya sa tabi ko.
"15 silang lahat. Okay na, nakuha ko na. 20 lang kailangan natin diba? O tara na. Para mabilis." Sabi niya tapos tumayo na ulit siya.
"Hoy Bryan, Paano mo napapayag yon?" Tanong ko. Nagsign siya ng puso. Puso? Ano meron sa puso?
"Bakla yung choreographer." Simpleng sabi niya tapos tumawa na ako.
Nagbahay-bahay kami pagkatapos nun. At bago pa mag-gabi nakuha na namin yung 20 people na kailangan. Sobrang galing mang sales talk neto ni Bryan. Bilib na ako.
Napadaan kami sa isang park sa batangas. Madaming batang naglalaro. May mga couples. Yung iba gusto lang siguro mapagisa. Inabutan ako ni Bryan ng isang Dirty Ice Cream. Tapos umuko ako sa swing, tapos nasa tabi ko naman si Bryan.
"Ang ganda nilang tignan 'no? Lahat sila masaya. Wala kang makikitang malungkot." Out of nowhere na sabi niya. Napatingin ako sa kanya at tumango.
"This kind of place are only for those people who have no worries. No heartaches. No sadness." Sabi niya ulit. Nakatingin lang ako sa kanya, Tumayo si Bryan at nagpunta sa harap ko.
Inabot niya sakin yung kamay niya.
"C'mon. Lets enjoy this night." and then he gave me a sweet smile. Hinawakan ko rin yung kamay niya at hinayaan nalang yung sarili kong ienjoy tong gabi na to kasama si Bryan.
