Chapter 4

17 2 0
                                    

SOPHIE

Pagkatapos ng sinabi ni Bret, Umalis na silang apat without giving me final words. Ganon lang. Umuwi nalang ako pagkatapos nun at hindi na ako pumasok sa dalawa ko pang subject.

He will just leave you broken.

Paulit-ulit yong nagpeplay sa isip ko. Pero paano? Paano niya ako sasaktan? Papa-fall-in niya ako tapos iiwan? Sobrang luma na kaya ng scenario nayon. Wala akong ibang mapagtanungan tungkol kay Bryan. Curiosity kills me. Gusto kong malaman.

Ewan, hindi lang ako matahimik. After kong malaman yung mga ganon kahit naman wala akong pake. Biglang may kumatok sa kwarto ko kaya binuksan ko.

"Sophie may naghahanap sayo." Sabi ni Manang, sinabi ko nalang na susunod na ako. Nagsuot lang ako ng Jacket kasi naka-sleeveless lang ako.

Nung nasa hagdan palang ako, nakita ko na agad siyang nakapatong yung paa sa table sa sala. Tapos may hawak na chips, Bigla akong kinabahan at naisip yung mga sinabi nila Bret.

"What are you doing here?" Mataray kong tanong. Napatingin siya sakin at tinigil yung pagkain niya. Ngumiti siya sakin, Bryan you should stop smiling.

"I just missed you, baby girl." He said and winked at me. I just rolled my eyes at him. Lumapit ako sa kanya at hinawakan sa braso, Tapos kinaladkad ko siya palabas ng bahay.

"Go away. Umuwi kana." Sabi ko. Tapos tinignan siya, pero nakatingin lang din siya sakin. Tinaasan ko siya ng kilay, Tinaasan niya din ako ng kilay. Aba 'tong lalaking 'to 

"Hindi ko alam Elise pero bakit ang cute mo?" Feeling ko uminit yung mukha ko kaya tumingin ako sa baba. Tapos tumawa lang siya.

"Bakit mo ako pinapaalis? Alam mo na 'no?" Napatingin agad ako sa kanya tapos umiwas ako ng tingin. "Okay lang naman Elise e, I know. Sige, I should stop bothering you. Bye." Tapos bigla siyang umalis sa harap ko. Pipiigilan ko pa sana siya kaso nakita ko si Dexlee na nakasandal sa motor niya at nakatingin samin. Tapos nakita kong umiling siya.
Pagkatingin ko sa direksyon ni Bryan, nawala nadin siya kaya pumasok nalang ulit ako sa loob.

"Sino yon?" Tanong ni Kuya. Nakasalubong ko siya mukha pang bagong gising. Hindi ko na sana siya sasagutin pero bigla niya kong hinawakan sa braso at hinarap sa kanya. "Who's that guy?" Seryosong tanong ni Kuya.

"Bryan." I said tapos umalis na agad ako, ayokong interviewhin pa ako non. Kung ano-ano na naman itatanong sakin non e.

Inopen ko yung laptop ko at Nagbrowse or nagsearch sa Kyros Page tungkol sa isang Bryan Dexter. Madaming lumabas na issues about him, teka bakit hindi ko siya kilala? E lagi naman akong nagtitingin sa Kyros Page. Gabi nung napagdesisyunan kong tawagan si Rhian para lumabas kami. Makikipagkita ako sa kanya sa SB, Hindi ko na kinakaya tong curiosity ko e.

7pm nung dumating ako sa SB, nandun na si Rhian at umiinom ng Mocha Frappe. Favorite namin parehas. Bumili muna ako bago pumunta sakanya.

"O friend, anong kailangan mo sakin?" Tanong ni Rhian. "About what you said earlier." Sabi ko. Nagbago agad expression ni Rhian pagkasabi ko non.

"Nako Sophie hindi ko na nagugustuhan yang mga pinagsasasabi mo ha. Naloloka na ako sayo." Sabi niya, Humarap ako sa kanya at nagpuppy-eyes. Gumana ka please.

"Oo na sige na. Kung hindi ka lang cute e." Sabi niya, Uminom mo muna siya tapos humarap sakin.

"Okay, eto lang naman yung alam ko e. Syempre nung mga panahong hindi ka pumapasok lagi kong kasama si Ally, Nung sila pa ni Dexlee. Actually, 2montha ago lang ata yon. Minsan nakakasama ko din si Dexter, I mean si Bryan dun ka ata mas sanay e." Tumango ako, tapos tinuloy niya ulit.

"Nakwento sakin ni Dexlee na simula daw nung Highschool palang sila ni Bryan, wala na siyang ginawang tama. Lalo na sa mga babae, Mahilig daw si Bryan na mangheart broken ng babae, gusto niya laging nakikitang umiiyak yung mga babae sa harap niya habang nagmamaka-awa. Syempre, madami na don yung fangirls niya. Gusto niyo nagsusuffer sila. Nakita ko na once mang-ganon si Bryan, Nako Nakaka-awa yung babae." Nagstop si Rhian tapos kumain saglit.

Hindi mag sink-in sa utak ko lahat ng sinasabi niya, Bakit parang wala akong nababalitaan na ganon sa Kyros? Ganon siguro ako nawalan ng interes sa school. Hindi ko rin maisip na kayang gawin yun ni Bryan, o kung kaya niya nga ba talaga.

"Monthsary ata nila yon. Sinurprise nung girl si Bryan, kasi kung titignan mo si Bryan para talaga siyang seryoso sa kanya, then it happened pinahiya ni Bryan yung girl dito sa Campus. Lahat ng babaeng sa tingin niya mas mababa sa standards niya tinatapakan niya lang. Diba pumupunya na siya ngayon sa bahay niyo?" Tanong niya. I nodded.

"You should avoid him, Sophie. Ikaw ata target niyan ngayon dahil sa mga nalalaman niyang ganyan ka. You should take care of yourself." Banta ni Rhian sakin.

Iniba ko na yung usapan pagkatapoa non, dahil hindi na keri ng utak ko. Mga 9pm umuwi na kami ni Rhian. Pagdating ko sa bahay, tulog na si kuya at Wala padin sila mommy. Inayos ko muna yung gagamitin ko para bukas. Pagkatapos ko, pumunta ako sa veranda at tumingin sa langit.

"Haynako Bryan, Ginugulo mo utak ko. Patulugin mo na ako please." Bulong ko sa sarili ko.

Mabait si Bryan, Hindi rin siya bastos, and I never expected na ganong klaseng lalaki siya. Pero paano? Ako yung next na target? What do he mean? Ako yung gusto niyang saktan? Wala akong alam sa love nayan. Ayoko namang basta lang hayaan si bryan na laruin ako habang di ko alam. Well, ngayon alam ko na.

Ayoko namang mamiihasa si Bryan sa ginagawa niyang ganon. And did he just doing that intentionally? I know that he has a deep reason. At kung ano man yon, I really want to know.

It will just leave me broken? I dont care. Im going to stop Bryan. Kailangan kong iparamdam sa kanyang mali yung ginagawa niya.

Let me take care of you, Bryan.

LIVING A LIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon