SOPHIE
Pagdating ko sa room, wala pa masyadong tao. Yung iba nagkekwentuhan lang tungkol sa kung saan-saan. Pero madalas tungol kay Bryan. Nung isang araw ko pa siya hindi nakikita, hindi rin siya pumapasok.
Pupunta sana ako ng canteen kaso nakita ko yung teacher namin kaya bumalik nalang ako sa loob. Kung ano-anong sinasabi niya pero hindi ako nakikinig. Drawing lang ako ng drawing.
Naisip ko ulit yung mga sinabi nila Dexlee at Ally, ibang klase. Mas lalo tuloy akong nacurious dahil don. Ako kasi yung tipo ng tao na hangga't hindi mo sinasabi sakin, hindi ako titigil na tanungin ka. Pero ayoko na silang tanungin. Pare-parehas lang naman nakukuha kong sagot e.
After 3 subjects naglunch nadin kami.
Hindi daw pumasok si Rhian, Ally at Gwynn, Tapos si bret naman may tatapusin pang project. Wala na naman akong kasama.
Habang naglalakad ako halos lahat ng tao tumitingin sakin, yung iba tumatawa yung iba parang naiinis na ewan. Ano problema ng mga taong 'to?
May napansin akong lalaking sumunod sakin pero hindi ko na siya pinansin. Pero nung pagliko ko sa CR sumunod padin siya, aba. Kaya tumigil ako saglit. Tapos tumigil din siya. Kaya naglakad na ulit ako papasok pero tumakbo siya papalapit sakin tapos nakayuko siya habang hawak yung braso ko.
"Bakit? Ano kailangan mo?" Masungit kong tanong. Tumingin siya sakin tapos ngumiti. Shocks, ang gwapo niya.
May inabot siya saking napkin, ano gagawin ko diyan?
"Ano yan? Ilalagay ko sa brief mo?" Sarcastic kong sabi. Tumawa siya ng onti tapos umiling.
"Try mo ilagay sa panty mo para hindi ka natatagusan." Pagkasabi niya non literal na lumaki yung mata ko, tapos nilagay niya yon sa bulsa ko.
Kaya mabilis akong pumasok sa loob ng CR, pagtingin ko sa salamin sobrang pula ko.
"Ah! Grabe! Nakakahiya! Ang bobo mo sophie! Hindi mo man lang alam na meron ka ngayon? Ibang klase ka!" Sigaw ko habang kinakausap ko yung sarili ko sa salamin.
Tinakpan ko yung mukha ko gamit yung kamay ko.
"Try mo kayang magpalit na 'no?" Narinig kong sigaw nung lalaki sa pinto."Umalis ka diyan!" Sigaw ko sakanya tapos tumawa lang siya. Inaasar ata ako nitong lalaking to.
"Paano mo mapapalitan yang uniform mo? May pamalit ka bang dala?" Tanong niya.
Hala oo nga, wala pala akong dalang damit. Pupunta nalang ako sa locker ko.
Paglabas ko, nakasandal siya sa may pader sa harap ko. Bakit ang gwapo nito? Iniwas ko yung tingin ko sa kanya, tapos naglakad na ako.
Pero nagulat ako sa ginawa niya, "Ano sa tingin mo yang ginagawa mo? Bakit mo ko bina-backhug? Kung ayaw mong mamatay ngayong araw bitawan mo ako!" Madiin kong sabi sa kanya pero ngumiti lang siya.
"Ano gusto mo? Makita nila yang dugo sa uniform mo? Atleast pag nakaganito ako sayo hindi nila kita." Kinilabutan ako nung naramdaman ko yung hininga niya sa tenga ko.
"Kung nagaalala ka sa magiging tingin nila sayo, atleast alam mo naman yung totoo. Judgemental lang sila, kaya wag ka na umarte dyan." Pahabol niya pa kaya tumango nalang ako.
Ang weird na habang naglalakad kami nakayakap siya sakin, pero jusko naman e. Naaamoy ko siya, bakit ang bango nito? Naligo kaya to ng pabango? Nagkakasala ako.
Halos lahat ng babaeng makakakita samin yung iba kinikilig yung iba naman iniirapan ako. Problema neto? Jusko sana pala hinayaan ko nalang na makita nilang may tagos ako kesa mapatay nila ako sa tingin nila.
Pagdating namin ng locker, nakasalubong namin sila,
"Elise." Ngayon ko nalang ulit siya nakita, Umalis na si Unknown sa pagkakayakap sakin pero nasa likod ko padin siya.
"Bry." Sagot ko sa kanya, ngumisi siya sakin tapos umiling, at dinaanan niya lang ako. Kasama niya si Dexlee. Pinikit ko yung mata ko para pakalmahin yung sarili ko.
Tapos binuksan ko na yung locker ko, narinig kong umupo si, "Anong pangalan mo?"
"Brylle." Sabi niya tapos ngumiti siya sakin kaya tumango lang ako.
"Uhm, salamat nga pala ha. Siguro kung hindi mo nakita baka hanggang ngayon pinagtatawanan na ako ng mga tao diyan." Sabi ko sakanya pagkatapos kong magpalit.
"Bakit naka-civillian ka?" Nakasuot kasi siya ng green na polo shirt na may aztec style tapos naka-pants siya.
"Transferee." Simple niyang sabi.
"Tara, Kain tayo. Treat ko." Tinaasan niya ako ng kilay kaya tinignan ko siya. Tapos kumunot yung noo ko.
"Cute." Tapos kinurot niya yung pisngi ko at bigla niya akong hinila sa canteen.
As usual, pagpasok namin mga nakakamatay na tingin binigay nila sakin. Nakita ko si Bryan na nakatingin sakin pero parang wala siyang pake kung nandito ako ngayon.
Syempre sa ginawa ko sa kanya lalayo na yan. Pero alam ko para kila Dexlee at kila Bret maganda yon. Well, para sakin ewan ko.
Umorder si Brylle ng fries. Parehas pala kaming mahilig sa fries.
Pagbalik niya sa table namin bumili siya ng worth 200 na fries tapos dalawang float. Meron ding nakabalot na fries.
"Para kanino yan?" Turo ko dun sa fries. "Ah, para kay Louise, yung younger sister ko. Mahilig kasi siya sa fries." Ngumiti ako tapos tumango.
"So, do you consider me as your friend?" Tanong niya sakin tapos tumawa ako. "Gusto mo ba? okay sige." Sabi ko tapos kinindatan siya.
"Ang cute mo e 'no?" Pansin ko kanina pa niya ako sinasabihan ng cute.
"Baka lumaki ulo ko sa kakasabi mo ng cute. Tama na. Kanina pa yan." Asar ko sa kanya. Nagkwentuhan lang kami ng kung ano-ano. Hindi ko rin napansin na hapon na pala. At hindi ako nakapasok sa susunod kong dalawang subject kaya tinawanan niya lang ako.
"So mahilig ka palang kumain, sumayaw, kumanta, malakas din boses mo, masungit ka minsan, mataray ka, mahal mo ang pagkain." Sabi niya habang papalabas kami ng kyros.
"Bakit nga pala sa Kyros mo naisipan na magtransfer?"
"Gusto kasi ni Mommy dito e. Kaya sige na, tyaka atleast may kaibigan na agad ako diba?" Sabi niya sakin tapos inakbayan ako.
Alam mo yung ang komportable na agad gumalaw na kasama si Brylle, para lang siyang sila Bret at Gwynn. Siguro kasi hindi niya rin ako binibiguan ng awkward feeling.
"Ihahatid na kita sainyo." sabi niya, sumama nadin ako kasi pagod ako ngayong araw. Oo, pagod ako kaka-daldal. Hindi ko rin kasi dinala yung kotse ko kasi hinatid ako ni Kuya kanina.
"Dito pala yung bahay niyo, ang ganda. Rich kid. By the way, uuwi na ako. See you tomorrow!" Sabi niya sakin tapos ngumiti hinintay ko lang siyang maka-alis kaya pumasok na ako.
Pero pagpihit ko ng doorknob nakabukas, nandito na si kuya? Sabi niya gabi na siya makakauwi ah?
"Kuya?" Tawag ko pero walang sumasagot.
Pagpasok ko ng kwarto ko, may nakaupo sa kama ko. Nakatingin siya sa may labas.
"Bry," tawag ko sakanya kaya napatingin siya sakin. He smiled at me, pero may kasamang lungkot yon.
"Elise, pwede bang samahan mo ako kahit 3 days lang? please."
"Saan tayo pupunta?"
"My hometown." Lumapit ako sakanya tapos ngumiti ako. I nodded.
Ito na, sophie. This is the start.
-
Mag-aadd na ako ng cast ngayon.
DEXLEE TEJERAS (MONSTAX Minhyuk)
ALLY MAE IBARRA (RED VELVET Irene)
Pinalitan ko nadin yung kay Yvone at Veronica.
YVONE (HIRAI MOMO)
VERONICA ( MYOUI MINA)Thank you! Mwa.
