Chapter 8

15 1 0
                                    

SOPHIE

Nagpunta ako kila Ally nung hapon dahil gusto ko lang siya makausap. Hindi tungkol kay Bryan ha.

Pagdating ko sa kanila, wala siya don. Hindi pa pala siya nakakauwi galing sa destination nila. Wala akong makasama kasi wala din si Rhian, si Bret naman nasa bahay ng lolo niya. Si Gwynn naman lumalandi. Haynako talaga.

Nagpasya akong pumunta ng bar dahil hindi nadin ako nakakainom ngayon. Kailangan ko nito ngayon. Hindi naman ako maglalasing e, Gusto ko lang uminom. Stress Drink lang kumbaga.

Pagdating ko dun, binati agad nila ako.

"Ang aga mo naman ata Sophie, Ano meron?" Sabi ni Gio. Yung may-ari ng bar na'to. Na kainuman din namin.

"Wala akong makasama tyaka makausap kaya dito nalang ako." Simple kong sabi. Hindi ko na sinabi sa kanya yung gusto ko.

Inabutan na agad niya ako ng Carlo Rossi. Alam naman kasi nila na tuwing stress ako, ito lang yung gusto ko. Tinabihan lang ako ni Gio.

Wala la masyadong tao non, yung iba naglalandian lang naman e. Iniisip ko ngayon kung bakit nagpunta si Kuya ng Ospital, ano namang gagawin niya don? May sakit ba siya? Sinong dinadalaw niya? Ang dami kong tanong sa utak ko.

Isama mo pa yung walang hiyang Bryan na yon, Sobrang tapang. Buti nalang umalis na ako dun para makalandi na siya ng wagas. Ang dami niya pang sinasabi wala din namang kwenta.

Oo, alam kong may deal kami. E ano naman, gusto kong lumayo sa kanya e. Haynako.

Nung bandang 7pm umalis nadin ako, Tinry kong pumunta ng Starbucks, gusto ko naman ng Mocha Frappe ngayon. Napagdesisyunan kong sa malapit sa Kyros na SB nalang pumunta, ito kasi yung pinakamalapit sa Bar e.

Umorder na ako ng Mocha Frappe tapos umupo ako sa bandang dulo. Tapos nagkalikot ako ng phone ko.

"Uy Girl, alam niyo ba yon? Yung tungkol kay Dexter at kay Veronica?" Narinig kong sabi nung tsismosang girl na nakaupo sa likod ko. Dexter? so it means, Its Bryan. And who? Veronica? Yvone's bestfriend? Seriously?

"Alam ko nayun girl, Matagal naman na yung dalawang yun e. E diba nga wala na sila kasi may mahal ng iba si Dexter?" Sabi naman nung kaharap niya. Magtsitsismisan na nga lang 'tong mga to. Sobrang lakas pa.

"Ay oo, yung bagong pagibig ni Dexter, Grabe 'no? Ngayon talaga iba na yung pagiging seryoso niya. Tyaka sobrang proud pa siya dun sa Girl nayon. Magkasama nga sila ngayon sa Batangas diba? Nagbobonding siguro." Sabi naman nung isa. Tatlo silang babae, at sa tingin ko mga 1st year college palang to. Pero makapagtsismisan nako.

Bagong pagibig ni Bryan? E bakit parang hindi naman niya sakin sinabi yon? Tyaka diba may deal kami? Tapos ako yung kasama niya. Ay oo nga pala, umalis ako. Tapos kahapon, may nakakitang may kasama siyang babae? Unbelievable.

Naglagay na ako ng Earphone pagkatapos nila magusap, ayoko ng pakinggan yung iba pa nilang sinasabi. Nakakainis lang. Hindi ako naiinis dahil sa nagseselos ha, uunahan ko na kayo. Maingay kasi sila e.

Narealize kong sobrang gabi na kaya umuwi nadin ako, Wala padin si Kuya dito sa bahay. Ang tagal naman niya sa Ospital sabi niya sandali lang siya ah.

I texted mom, kung kailan sila uuwi. But the only is reply, is they still don't know.

Im staring at our family pictures. We all look so happy here, compared to now. Hindi ko alam kung bakit hindi sakin sinasabi nila Mommy yung totoo. At kung alam din ba yon ni Kuya nikko.

Bumalik ako sa kwarto ko, tapos nagonline lang ako. Bret chatted me.

(Hey sophie, andito kami kila Gwynn, punta ka?) yan yung chat niya.

Wala naman pa naman si Kuya kaya naligo lang ako tapos pumunta na ako kila Gwynn. Matagal k nadim silang hindi nakakasama.

"Buti naman nagpunta ka." Sabi ni Bret, sinalubong niya ako sa gate.

I hugged him, "Syempre namimiss ko na kayo e." Tapos tumawa lang kami parehas. Sa baba lang rinig ko na sila Gwynn, sobrang ingay talaga nila.
Pagpasok ko dun naabutan ko si Gwynn at Rhian na sayaw ng sayaw. May mga beer dito, siguro lasing na 'tong dalawang 'to.

"O, sophie. Nandito ka na pala!" sabi ni gwynn. Sobrang hyper niya, well always naman e.

"Nasan si Ally?"

"Wala pa, papunta palang dito galing zambales." Sabi ni Bret, ah sa zambales pala destination non.

Tawa lang ako ng tawa kila Gwynn at Rhian masyado silang nageenjoy. Medyo hindi rin ako nagenjoy kasi madaming pumapasok sa isip kong kung ano-ano.

Maya-maya biglang pumasok si Ally, pero iba yung aura niya ngayon. She seems mad. Kaya tumigil kaming lahat.

"Bwisit!" Sabi niya tapos nagdabog paupo dun sa sofa. Lahat kami nakatingin lang sa kanya. Ano kayang problema ne'to?

"Naiinis ako kay Dexlee! He's a jerk!" Sigaw nya halos maiyak na. Lumapit ako sa kanya tapos niyakap ko siya. At maya-maya naririnig ko na siyang umiiyak. She hugs me so tight. Parang sobrang nasasaktan siya.

Maya-maya umalis nadin siya sa pagkayakap sakin. Sobrang pulang-pula siya tapos namamaga yung mata. I wonder how she feels right now.

"So tell us, what did Dexlee do?" Sabi ni Bret. Tumingin sa kanya si Ally, Tapos umiling siya. Wala ata siyang balak sabihin samin.

"Kung ayaw mong sabihin ako yung pupunta mismo sa kanya para basagin yung mukha niya." Seryosong sabi ni Bret, kaya umiyak ulit si Ally.

"Bret, wag muna natin siyang tanungin ngayon. Hayaan muna natin siyang magpahinga." Sabi ko, tapos tumango lang si Bret. Si Bret at Rhian dito na natulog kila Gwynn. Tapos ako hinatid ko si Ally.

"Sophie, ayokong umuwi sa bahay. Pwede bang sainyo nalang muna ako?" Sabi ni Ally, kaya tumango nalang ako.

Nag U-turn ako, madaling araw na pala. At andami ng nangyari sa araw na'to. Parehas naming kailangan ni Ally ng pahinga.

Pagdating namin sa bahay wala parin si Kuya Nikko, Dito ko na sa kwarto ko pinatulog si Ally malaki naman kasi yung kama ko kaya kasya kami. Pinahiram ko siya ng damit at humiga na kami. Kaso biglang umupo si Ally kaya ginaya ko din siya.

"Parehas ata tayong hindi makatulog. Is it because of Bryan kaya hindi ka makatulog?" Nagulat ako sa tanong ni Ally. Tinignan ko lang siya tapos ngumiti siya sakin.

"I told you Sophie, please. Wag mo ng lapitan si Bryan. Para rin sa ikabubuti mo." Sabi niya sakin, siguro ito na yung pagkakataon para makapagtanong ako.

"Hindi ko maintindihan Ally e, Pero bakit?" Ngumiti siya ng mapait tapos umiling at tumingin sakin. 

"Ask dexlee, mas madami siyang alam tungkol kay Bryan. Magsasabi naman yun sayo e." Yun na yung last niyang sinabi tapos humiga na ulit siya.

Kaya humiga narin ako, kahit nakapikit yung mata ko.Madami padin akong iniisip. Shocks.

"And Sophie, Please dont love him."

LIVING A LIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon