Chapter 6

18 2 0
                                    

SOPHIE

Hinayaan ko lang yung sarili kong magenjoy. May two days pa kaming masestay dito sa Batangas. Two days. Two days yon.

Bumalik kami sa hotel at pinagpalit niya ako ng damit. Nagsuot lang ako ng white tshirt at board shorts. Paglabas ko nakasandal siya sa may pintuan.
"Ano bang gagawin natin ha, Bryan?" Tanong ko sa kanya. Nginitian niya lang ako tapos biglang hinawakan yung kamay ko.

Feeling ko milyon-milyong boltahe yung dumaloy sa katawan ko. Habang naglalakad kami palabas ng rooms, Nakatingin lang ako sa kamay namin.

Alam mo yun, feeling ko sobrang safe ko sa kanya.

Pagdating namin sa may swimming pool, may bench na puti don tapos may center table. Inalalayan niya akong umupo tapos siya umupo sa tabi ko.

"My Mom told me that, When you hold a girls hand. You should feel that you like to protect her for the rest of her life. Thats the feeling whenever I hold your hand." Seryoso niyang sabi sakin. I looked at him. He's just looking at the people who are happily playing.

"My Father told me that, When a boy holds your hand, you should feel safe." Sabi ko. Tapos this time tumingin na siya sakin. There's something wrong with his eyes. I can see his sadness.

"Hindi ko alam kung paano ka papasayahin e, Ano ba gusto mong gawin ko?" Tanong niya. Binigyan ko siya ng 'seryoso?' look tapos ngumiti at tumango.

Nagisip ako ng pwedeng ipagawa sa kanya. Pero walang pumapasok sa kokote ko. Bigla siyang tumayo at humarap sakin. Tapos bigla siyang sumayaw. Yung sayaw na kenkoy.

Nung una hindi siya nakakatawa, pero nung nilagyan niya na ng expression dun na ako natawa. "Tama na Bry! Ang sakit na ng panga ko." Sabi ko habang hawak-hawak ko yung panga ko.

Hinawakan niya ulit yung kamay ko tapos kinaladkad ako palabas ng resort. As in sa labas. Madaming taong nasa labas ngayon, Onti lang yung mga sasakyan. Kaya magandang maglakad.

"Ay wait lang." Sabi ko, Tumakbo ako palapit dun sa nagtitinda ng cotton candy. Bumili ako ng tatlo. "Kuya, padagdagan po ng Powder." Sabi ko tapos nagpuppy eyes pa kay Kuya.

Bigla akong hinila ni Bryan sa tabi niya, "Kuya nageenjoy ka na sa pagtitig sa Girlfriend ko ah." Literal na dumilat yung mata ko sa sinabi niya Mabilis akong umalis sa tabi niya tapos kinuha yunh cotton candy.

"Nako kuya, wag ka maniwala diyan. Salamat po dito." Masaya kong bati sa kanya. Habang naglalakad kami ni Bryan naisip kong kumuha ng mga pictures dito dahil maganda naman yung view. Pagkatapos ko, bigla kong hinila si Bryan tapos pinicturan  ko siya.

Tinignan ko yung kuha ko sa kanya, "Perfect." Bulong ko.

Biglang tumigil si Bryan sa paglalakad dahil may tumawag ata sakanya. "Oh, Bakit Ma?" Sabi niya sa kausap niya, Yung Mama niya pala. "Po? Opo sige po. Sige po bye po, Ma." Paalam niya.

"Hala! Bry! Tignan mo yun o!" Turo ko sa may di kalayuan. Tumingin siya dun sa tinuro ko. Tapos natawa nalang siya. Hinawakan ko yung kamay niya tapos hinila ko siya papasok ng MCDO. Nagugutom na kasi ako.

Umorder lang ako ng Chicken Filet, ganon din sakanya. Umorder din ako ng dalawang extra large fries. Syempre akin lang yon.

Pagtapos naming kumain naglakad na ulit kami papuntang plaza. Hindi ko pa kasi nararanasan na pumasok sa perya. Patalon-talon pa ako nung kinakain ko yung fries ko, habang si Bryan nagseself cam.

"Shit! Hala!" Sabi ko kasi biglang nalaglag yung fries ko. Sabi ko, walang malalaglag na fries e. Hindi pwede. Umupo ako sa harap ng fries na nahulog tapos nagluksan, syempre joke lang.

"Uy! Elise tara na." Sigaw ni Bryan sakin habang papalapit sakin. Tapos pagkakita niya sakin tumawa siya. "Bry! Yung fries ko nahulog!" Pagmamaktol ko, tumawa lang ulit siya. "Tara na, hayaan mo nayan. O sige pulutin mo nalang." Natatawa niyang sabi.

"Eh! Ayoko! Bili mo akong bago!" Pagmamaktol ko ulit. "Oo sige bago tayo umuwi. Tumayo ka na diyan." Sabi niya. Tumayo na ako at tinakpan na yung fries na hawak ko.

"Were here." masayang sabi ni Bryan. Medyo nagulat ako sa dami ng tao dito sa plaza. Andaming mga pamilya, tapos may mga couples, madami ding naglalarong bata.

Lahat sila simple lang kaya inayos ko yung sarili ko. Wala munang arte ngayon Elise. Wala muna.

"Lets play this game and have a deal." Aya ni Bryan. Its a dart game. "Okay, whats the deal?" Sabi ko sakanya. Nagisip siya kunyari tapos tumingin sakin. "Pag natamaan mo yung lobo nayon, tapos ayon, ayon at ayon." Turo niya dun sa apat na lobo. "Meron kalang 6 darts para paputukin yung lobo." Sabi niya.

Gusto ko ng murahin si Bryan dahil dito, kinakabahan ako kasi simula nung bata ako ito yung hindi ko man lang matutunan. Wala akong alam sa pagdadart. Laging hindi tumatama, pero naniniwala naman ako sa salitang 'chamba.'

"Okay, ano yung deal?" Tanong ko. Ngumiti siya sakin, ng nakakaasar. "Be my girlfriend for 1month." I rolled my eyes at him. Seriously? Ibibigay ko yung puso ko dahil sa dart? "And what if I succeed?" Tanong ko ulit.

"I'll be your slave." Sabi niya. Tumaas yung kilay ko pagkasabi niya non. Slave? May utusan ako ngayon.
"Okay deal." Sabi ko, Lumapad naman yung ngiti niya. Akala niya siguro hindi ko yun matatamaan ha. Tignan niya lang.

Nung una nanginginig ako syempre kinakabahan ako na baka hindi ko magawa tong dare niya. Haynako. Pagkabato ko nung Una, Naputok ko yung lobo. Kaya tuwang-tuwa ako. Nung pangalawang bato ko ulit, tumama ulit. Nung pangatlo, hindi tumama kaya inasar ako ni Bryan. Nung pang-apat, hindi ulit tumama. Meron nalang akong dalawang dart. Lumipat ako ng pwesto para maging okay.

Pagkabato ko tumama siya. Isa nalang, isa nalang. Nagsign of the cross muna ako. Pero nung bago ko ibato narinig kong sumigaw si Bryan ng, "Mahal kita Elise!" At dahil sa gulat ko hindi ko naibato ng maayos kaya natalo ako. He won.

Pagtingin ko sa kanya nagtatatalon siya. Mukha siyang bata. Nagpoker face lang ako tapos lumapit na siya sakin.

"So pano ba yan? Mukhang may aalagaan, poprotektahan, mamahalin na ako araw-araw ah." Napangiti ako sa sinabi niya. Tapos umirap ako para hindi halata.

"Ewan ko sayo." Sabi ko, Tapos tumalikod sa kanya.

Pagtalikod ko, napangiti ako. Kahit Deal man 'to. Hindi ko makakalimutan na kailangan kong baguhin si Bryan. I need to fix him. I'll make sure he will be a better man.

LIVING A LIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon