Chapter 9

17 2 2
                                    

DEXLEE

"Hoy bro, tama na yan. Inom ka ng inom kanina pa yan." Paalala ko kay Dexter. Nababaliw na ata 'tong kaibigan ko e. Hindi naman 'to ganyan dati. Ay isang beses lang pala.

"Alam mo bro, kung wala kang magandang sasabihin. Manahimik ka nalang dyan." Mayabang niyang sabi. Binatukan ko nalang siya tapos tumawa lang siya.

Nandito kami ngayon sa Bar ni Gio, Pinsan ko. Nandito kami sa pinakasulok na parte ng bar yung hindi kami nakikita. Which is our favorite place. Galing kaming batangas nito ni Dexter, nabasted ata. Tapos ayon uminom ng napakadami tapos nalasing tapos may hinatak na kung sino-sinong babae at hinalikan.

Kaya ayan, usapan na naman siya sa Kyros. Pasikat talaga 'tong kaibigan ko e. Joke.

"Hoy dex, alam mo bang napaka-gwapo ko?" Sabi ni Dexter kaya natawa lang ako sa kanya. "Alam mo yung tipong pati mga lalaki maiinlove ma sa kagwapuhan ko?" Sabi niya ulit tapos tumawa na talaga ko.

Nilapag niya sa table yung beer na hawak niya tapos humarap siya sakin. Hinawi-hawi niya yung buhok niya tapos kumindat-kindat. Kaya napapailing nalang ako.

"Ano ba dex!" Hinampas niya ako. Tapos nagpapogi na naman siya. "Hindi ma ba naiinlove sakin?" Sabi niya in a seducing way. Iba na tama netong kaibigan ko.

Tumigil din siya maya-maya pero kain naman siya ng kain ngayon. Napatingi ako sa may front door at nakita ko yung babaeng dahilan kung bakit ganito yung kaibigan ko ngayon.

"Tara na alis na tayo. Punta tayo kila Ally dali." Sabi ni Dexter pero pinigilan ko siya. Tapos pinaupo ko ulit. Tuwing naririnig ko yung pangalan ni Ally natataranta ako bigla.

Mahal ko si Ally, Oo. Pero hindi ko siya mabalikan kasi may kailangan pa akong ayusin. Masyado pang magulo. Hindi pa pwede.

"Alam mo Dex, kung hanggang ngayon duwag ka pading lapitan si Ally nako di uunlad buhay mo." Sabi ni Dexter sakin. Ngumisi lang ako sa kanya.

Nung makaalis na yung dapat hindi makita ni Dexter umalis nadin kami. Pupuntahan ko si Ally, Hinatid ko lang si Dexter sa bahay nila tapos dumiretso na ako kila Ally.

Naabutan ko dun si Sophie, Pumasok siya kaya hinintay ko muna siyang makalabas ulit baka may pupuntahan sila ni Ally, pero maya-maya lumabas nadin siya. Wala siguro si Ally.

Bumalik na ako sa bahay at nagulat akong nandun yung sasakyan ni Ally. Kaya bumaba agad ako sa kotse ko.

"Ally!" Tawag ko sa kanya. Tumingin siya sakin pero para siyang galit. Something's wrong with her.

"Pagsabihan mo nga yang si Dexter na wag na lumapit sa kaibigan ko." Cold niyang sabi. Tapos nilampasan niya ako pero hinigit ko siya sa braso.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya. I stared at her coldly. Hindi ko pinahalatang may pake ako sa kanya.

"I just want to talk to you. About Dexter." Sabi niya tapos inalis niya yung braso niya sa kamay ko. "What about him?" Tinignan niya ako tapos umirap siya. "Sabihin mong lumayo na siya kay Sophie." Sabi niya tapos naglakad na ulit siya palabas.

Pero sinundan ko siya, " Para ba talaga kay Dexter yon? Bakit hindi ikaw mismo ang magsabi sa kanya at nagpunta ka pa dito?" Iritado kong tanong sa kanya. Nagulat siya tanong ko at nakita kong huminga muna siya ng malalim.

"Kasi alam kong makikinig siya sayo."

"Kilala kita Ally, Wag mo akong lokohin. Sabihin mo na sakin straight to the point kung bakit ka nagpunta dito!" Nasigawan ko na siya. Nababasa ko yung utak ni Ally, gusto niyang lumayo ako sa kanya.

Nakita kong namumula na siya, at alam kong iiyak na siya. I dont want to see her crying, Its my weakness. Tumalikod ako sa kanya.

"Umalis ka na dito." Cold kong sabi tapis naglakad na ako papasok ng bahay namin.

Pumasok na ako sa kwarto ko at may napansin agad akong iba. Nagulo yung kama ko, Humiga siguro si Ally dito. Malinis nadin siya. Maybe she cleaned this. Alam ko yung way ng paglilinis niya. Alam na alam ko.

"Shit!" Napamura ako nung napansin kong wala na sa side table ko yung picture namin nung nagpunta kami sa New York. Yun yung pinakafavorite kong picture namin na nakapiggy-backride siya sakin.

Tinry kong hanapin sa buong kwarto ko pero hindi ko siya nakita. Kinuha niya siguro.

Biglang tumunog yung phone ko, Yvone is calling me.

"What now, Yvone?"

"Where's dex? I can't contact him." Iritado niyang sabi. Tss.

"I dont know." Then I end the call.

Nagpunta lang akong swimming pool at dun ko nilabas lahat ng nararamdaman ko. Pampawala ko ng stress ang pagsiswimming. Masarap sa feeling yung ganito. Madaling araw nadin noong natapos ako pero biglang may nag-door bell.

Sinong pupunta sa bahay ng ganitong oras?

Naglagay lang ako ng white shirt at binuksan yung gate.

"Sophie."

"Dexlee, pwede ba tayong magusap?" Tumango ako at pinapasok siya. Dumiretso kami sa kusina. Tapos nagtimpla ako ng kape para sa amin. I know she's here because of my friend.

"Go, you can ask now." Sabi ko tapos uminom ako ng kape.

"Bakit kailangan kong layuan si Bryan?"

"Para hindi ka masaktan." Tinaasan niya ako ng Kilay. Hindi siguro siya kuntento sa sagot ko.

"Masaktan? In what way?" Sabi niya.

"In different ways." Pumikit na siya at feeling ko nagsisimula na siyang mainis kaya napangiti ako. She's so readable. Alam ko na agad iniisip niya.

"Kung dahil lang sa nacucurious ka tungkol kay  Bryan kaya mo siya hindi iniiwasan pwede bang buksan mo yang isip mo? Magisip ka." Sabi ko at dun na nagiba yung expression niya.

"Dexlee, Anong ibig mong sabihin?" Mariin niyang sabi sakin. Naiinis na siya sakin.

"Hindi mo ba maintindihan Sophie? Hindi kayo pwede ni Dexter. At siguro sinabihan ka naman na nila Bret diba? Tapos hindi ka pa din nakikinig?" Sabi ko sa kanya. Tumayo siya tapos hinampas yung table ng sobrang lakas.

"Kung ayaw niyong sabihin sakin, Hahayaan ko nalang yung sarili ko kay Bryan! I can change him! Kahit gaano pa siya ka-gago. Kahit saktan pa niya ako!" Tinaasan ko siya ng kilay. Tumayo ako at sumandal sa table, tapos nakacross-arms ako.

Tumingin ulit ako kay Sophie, "Bahala ka sa buhay mo. Sinabihan ka na namin." Tapos umalis na ako sa harap niya.

I know Dexter, Hindi niya kakayanin pag tuluyan na niyang mahalin si Sophie. Parehas nilang hindi kakayanin. We have to do something.

-

LIVING A LIETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon