Admitted

23 2 0
                                    

The next morning nag usap kami ni mama habang nag aalmusal dahil next Friday na ang balik ko sa US.
Tulad nga ng sabi ko nag leave lang ako para makahabol sa libing ni Syne.

"Anak sayang naman, ayaw mo bang mag out of town muna tayo bago ka umalis?" Tanong ni mama habang nakaupo kami dito sa may dining table. "Kasi diba para sulit naman ang pag uwi mo" dagdag pa niya.

Ngitian ko nalang siya. "Wag na po. Para namang hindi ako uuwi sa pasko." Dahilan ko.

Totoo namang uuwi ako. Nasa plano ko na yun e.

Bumuntong hininga lang si mama tapos ngumiti ulit. "Sige. Kung yan ang gusto mo"

Akala ko doon na matatapos ang usapan namin nung umaga, not until bigla pa ulit siyang nagsalita. "Matanong ko lang anak. Seryoso ka na bang magpapakasal ka doon kay Danny?" Her face was worried pero mukhang hindi naman siya against kay Danny.

"Ma. Hindi ko nga alam kung seryoso ba yung taong yun" sagot ko sakanila. "Baka pinagt-tripan lang ako" dagdag ko pa.

But my mom wasn't really look agreed about what I said.
"Talaga?"  tanong niya ulit
"Mukha ngang wala ng makakapag pabago dun sa desisyon nung tao e." she said like it was a fact.

Napataas tuloy ako ng kilay. Seryoso ba sila o ginu good time lang ako ng mama ko? O baka naman sinasabi lang niya to para mag asawa nako?
Kasi diba? Hindi naman niya ganoon kakilala si Danny pero pumayag agad siya na mamanhikan siya!

"Paano mo naman nasabi ma?" Pabalik na tanong ko sakanya. She seems serious about this. Syempre usapang kasal e.

But I never once imagine na kay Danny ako ikakasal. Paano puro siya kalokohan.

"Anak. Nanggaling din kami dyan ng papa mo. Of course I know kung totoo siya o hindi."

Natahimik nalang ako pagkasabi ni mama nun. Maging ako kasi iniisip ko pa.

Ugh! That guy is really so lucky that I am even spending my precious time thinking about him and his crazy doings!

Dahil Friday ngayon at may pasok ang kapatid ko. Wala akong kausap sa bahay. Si mama dealer ng cosmetics kaya wala siya ngayon dito sa bahay.

Now what will I do? Wala naman akong halos magawa dahil wala naman akong mga gamit na dala maliban sa mga damit ko kaya wala akong mapagtripan.

I was about to decide na matutulog nalang when my phone started ringing.

'Crazy Danny calling'

Oh now great! Ganda talaga ng timing oh! 'Insert sarcasm here.

Kahit pa super bored nako hinding hindi ko naman siya tatawagan no. Mamaya singilin na niya ako sa mga utang na loob ko sakanya.

Dahil wala na rin naman akong choice sinagot ko na yung tawag niya.

"Hello!" His voice was enthusiastically happy.

Nagtaka pa ko. Lagi naman siyang masaya.

"O?" Simple at walang gana kong tanong.

"Grabe naman ang dry" nagtatampong sabi niya. Parang bata lang.

"Bakit ba?"

"Kita tayo" he said. And I know kung nandito lang siya sa harapan ko, he's wearing his creepy smile by now.

"Ayoko" I answered dryly again.

"Sama nito. Sige naa" pagpupumilit niya na parang bata.

"San ka ba nagyayaya?" Pag iiba ko na ng usapan.

Poetrical HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon