Ken

22 2 0
                                    


Hindi ko alam kung maiinis ako o matutuwa.

Pinalayas ko siya nung gabing yun sa bahay namin.
At ang haliparot na lalake? Ayun tawa pa ng tawa! Daig pa ang nanalo ng kung ano.

Actually, I just can't really bring myself up to the thought na may gusto talaga si Danny sakin.

Paano ko nasabi?

E paano nung unang salta ko palang sa America, siya agad yung nakaaway ko.
Naging magkasama kami sa trabaho. Tapos idagdag pa na magkatabi lang kami ng apartment kaya mas nakilala namin ang isa't isa, humiwalay na kasi ako sa puder ng tita ko after a year.

Ayun, nung una natutuwa ako sakanya kase-- wala uto uto siya. Actually masaya naman siyang kasama. Minsan. At hindi madalas ang minsan ha!
Sa sobrang saya niyang kasama gugustuhin mo na siyang hampasin ng bakal nang magtigil siya sa pang aasar sayo at yung tawa niyang walamg humpay.

Pero kahit na mas madalas kaming magbangayan kesa mag usap ng matino.
Danny is the best friend whom you could hardly find in the midst of all the strangers roaming around America.
Siyempre given na yung bago lang ako doon at wala akong masyadong alam at kilala,  si Danny ang naging daan para hindi ako maging tanga dun.
Tinuruan niya ako ng mga bagay na dapat kong malaman at mga bagay na di ko dapat gawin doon, dahil iba yung customs and traditions ng mga tao.

He's been living in the US for the past 5 years, doon na kasi sila nag migrate ng family niya simula nung nag college siya.

Pero kahit talaga napaka bait ni Danny hindi ko magawang hindi mabwisit sakanya. Paano kasi puro biro!

Pati nung may nagtapat sakin na kano, aba pinagtripan niya din. Sabi niya kami daw. Kaya ayun sumuko at naghanap ng iba yung tao.

Hanep din sa kabaliwan yun e. Di ko nalang talaga alam bakit natitiis ko pa siyang kasama minsan.

So the reason why I went back here in the Philippines is because of Mnemosyne of course.

Kulang nalang nga lumuhod ako noon sa boss ko payagan lang niya akong mag leave ng dalawang linggo para mahabol sa burol ni Syne, kaso ayaw talaga akong payagan. Then the other day nalaman ko nalang na ipinangpaalam ako ni Danny atsaka palang pumayag yung boss ko.
Kahit hindi niya alam kung bakit ko gustong umalis, ginawa niya pa rin yun.

But the sad part is, sa libing nalang ni Syne ako nakahabol. Muntikan pang hindi.

Kaya nga dapat ang laki ng pasasalamat ko kay Danny e. But either way, hindi ko alam kung paano ako magpapasalamat sakanya.

Its either hindi ko kayang maging mabait sakanya, o ayaw kong tanggapin na meron na akong utang loob.

Then days after, ayun nga nalaman ko sumunod din siya dito sa pinas for reasons I don't know what. Coz' I don't care.

-oOo-

"Ate hindi ka ba talaga kakain?" Tanong ng kapatid kong si Kurt habang kinakain yung tatlong boxes ng krispy kreme na pinadala ni Danny kaninang umaga.

Bwisit na yun. Naghahanap talaga ng kakampi sa pamilya ko e.
Pumunta lang siya sandali sa probinsya nila dahil matagal tagal na rin daw siyang hindi bumibisita doon. At bago siya umalis ayan dinalhan nanaman niya ng suhol ang pamilya ko. Nakuu.

"Hoy Kurt hindi ka ba natatakot manaba niyan? Maawa ka naman sa girlfriend mo" pangungunsensya ko sa kapatid ko para tumigil na siya sa paglamon sa mga donuts na yun.

At ang loko di pa din nagpatinag sa sinabi ko. Da-dalawa pa ang donuts sa magkabilang kamay!
Parang hindi college student!

"Yaan mo ate mahal naman ako nun" proud na proud niyang sabi habang patuloy na ngumunguya ng donut niya. Dungis pa niyang kumain jusko.

Dahil sa kanina pa ako yamot na yamot. Lumabas nalang ako ng bahay para mahanginan. Malay ko pag labas ko makakuha ako ng milagro.

But as soon as I went out at
Hindi pa man ako nakakalabas sa gate ng bahay namin. Nakita ko siya bigla.

"Ken!" I happily called him out at napatingin naman siya. Mukhang wala nanaman siya sa sarili niya.
Naglakad siya papalapit sa gate namin.

"Kumusta ka na?" I asked him in a sadly tone. Di ko mapigilan e. Naaalala ko si Syne sakanya.

"Eto nangangapa pa din" saad niya. Malungkot pa rin siya. Hindi kasi siya makatingin sakin.

Hinawakan ko nalang siya sa balikat. I tapped his shoulder for comfort. Nakita ko namang napangiti na siya ng konti sa ginawa ko.
" Pinapamigay nga pala niya" sabay abot niya sakin ng isang white envelope na may pulang seal.

"Sino?" I asked questioningly.

Nung nakita kong hindi siya nakasagot. Nakuha ko na agad yung gusto niyang sabihin.
So then I just said. "Thanks"
-oOo-

Dahil bihira lang naman kaming magkita ni Ken. Niyaya ko nalang siyang mamasyal, for the both of us to ease the pain we're feeling of longing about Syne.

"Grabe talaga yung babaeng yun no" I commented. Nakatungo lang ako sa lupa habang naglalakad kami. "Ang hilig talagang manikreto"

He just let out a silent chuckle. "Mahal niya kasi tayo" he replied.
And we both meaningfully smiled at each other.
"I know right"

Me and Ken spend 3 hours of reminscing Syne. Hindi kami nagsawa sa pag alala sakanya. We both miss her too much. Nag iyakan pa kami ng sabay!

Natutuwa lang ako na bago man lang nawala sa mundo ang best friend ko. Nakakilala siya ng lalaking mahal na mahal siya. Hanggang kabilang buhay.

Nanghihinayang nga lang talaga ako sa love story nila. If Syne was just still alive, maybe their love story was one of the best real life stories that can happen and lasts.

Mag a-alas singko na ng hapon ng maisipan naming bumalik ni Ken. Wala napasarap lang ang kwentuhan, atsaka paano ba naman kami babalik sa bahay nang mugto nanaman ang mata?

Ken offered me na ihahatid niya ako pauwi. Of course I said yes, alam ko namang kailangan niya ng kausap ngayon tungkol kay Syne. Yun nga lang nasasaktan ako pag nakikita ko si Ken. He's making me remember Syne all over again.

Di tuloy ako makapag move on, hayy.
Nasa may kanto palang kami papunta sa bagay ng bigla kaming napatigil sa paglakad.

We saw a guy standing not so far away from us with his hand knotted in his stomach. Naka taas pa ang kilay niyang nakaharap samin.

Ken just gave me a 'do you know him' look.
I sighed and I replied him with a shrugged.
Alam kong alam na rin ni Ken kung anong gusto kong sabihin kaya nagpaalam na siya na umalis.

Ngayon diretso na ulit akong naglakad papalapit sa kinaroroonan ni Danny. Which is actually sa tapat ng bahay namin.

As soon as magkatapat na kami. He then asked.

"Who's that?"

Poetrical HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon