Ang malanding lalakeng yun!!
Bulyaw ko sa sarili ko pag uwi ko ng bahay. Nasa kwarto na ko ngayon at nagwawala.
Pinagbabato ko yung mga unan ko sa pader! Nagpa tumbling tumbling ako sa kama. Ginulo ko ng ginulo ang buhok ko.
Pero bwisit!
Bakit hindi pa rin maalis sa isip ko yung halik na yun!Lecheee! Leche talaga!
Nakakabanas na!At ang malala! Bakit ba ngiti pa ko ng ngiti kanina pa!? Bwisit na yan!
Mapapatay ko talaga yung hinayupak na yun, makikita niya.He hypnotized me!
Yes he did!
Hindi naman ako magpapahalik kung hindi ako na hypnotized!
Tama!? Tama! Nahypnotized nga ako. Pagkukumbinse ko sa sarili ko.Ugh! Now how can I concentrate in my messy life again!?
"Anak may bisita ka!" Sigaw ni mama ko mula sa sala. Walang second floor tong bahay namin. 3rd floor agad. Charot.
So kidding aside, who's the crazy bastard who would want to visit me this late night!?
Irritatedly, I jump off my bed and went out with an angry face.
Mukhang hindi nagkamali ang mukha ko.
May asungot nga."Why do you look so wasted?" He innocently asked me. Katabi pa niya si mama, habang ang kapatid ko kumakain sa dining area na kalapit lang namin.
"Paki mo?" I sarcastically replied. Tumawa lang siya.
Lanya ba't ang saya niya?After he chuckled nagsalita ulit siya. "Pwede pong maupo?" Magalang na tanong niya kay mama. Ngiting ngiti naman si mama sakanya.
Lecheng lalakeng to. Anong ginawa niya sa mama ko?
"Ano nga palang pakay mo sakanya hijo?"diretsong tanong sakanya ulit. At walang paligoy ligoy siyang sumagot nang
"Hindi po ako sakanya may kailangan. Sainyo po"Mom just gave him a questionable look.
Then he said.
"Mamamanhikan ho ako"Halos mabuluan ako kahit wala naman akong kinakain ng mga oras na yun.
Anong sabi niya!?Sa mukha ni mama mababasa mo talaga ang mga salitang 'pakiulit?' Maging siya mukhang nagkamali ng dinig.
Nahihiya namang napakamot sa ulo ang baliw na lalakeng ito pero ngiting ngiti pa din.
"Pwede ba wag kang magjoke dahil gabi na at hindi kami natatawa!" Bwisit na sabi ko sakanya. Ang lalakeng to, he's really beyond impossible!
"Bakit ba?" He suddenly look so disheartened. Nagpout pa! Maloka ako! "Hindi ako nagpapatawa!" Balik niya sakin.
"Anong bakit ba?" I put both of my hands on my hips as I arched one eyebrow at him.
"Eh dapat lang akong mamanhikan" pangangatwiran niya na mas ipinagtaka namin. "Actually dapat nga ikaw mamanhikan samin e" he reasoned out like a kid.
"At bakit ko gagawin yun?" Mas lalong nagtaas ang kilay at boses ko.
"Kasi hinalikan moko!" He exclaimed like a child na parang kinuhan ng laruan at nagsumbong. "Panagutan moko!"
"What!?" I exasperatedly shouted na maging si mama nagulat. "Halik lang yun!" I exclaimed. "And besides ikaw yung--!"
Bigla nalang akong napatigil sa pagsigaw ng marinig ko ang sinabi ko.Oh God! I fanned myself to stay in my composure. Para akong hihimatayin sakanya!
He just gave me a silly grin, like saying that he won over our battle.
But hell! He just let my family just heard about that d*mn kiss!
Ayoko na ngang maalala e!"So tita?" He called out mom as he asked permission. "Can I?"
Mom just look at my brother and they share some invisible and unreadable words na sila lang ang nagkakainitindihan. Then they both said.
"Sure" with both silly look on their faces.
-oOo-
Buong gabi akong yamot na yamot. Paano ang saya saya nila! Ultimo kapatid ko nakuhanan na niya ng loob. Grabe lang!
Ni hindi man nga nanligaw o naging kami tapos namanhikan na nga!
Ni hindi ko man nasabi kung mahal ko ba siya o hindi!Ughhhh!! This guy is giving me headaches!
Matapos ng pag uusap nila nina mama at Kurt. Aba ang mama ko tinatanong na agad kami kung kailan ang kasal. Juskolord. Wala man ngang kami in the first place!
Lumabas na kami ng bahay dahil pinapalayas ko na siya.
Actually gustong gusto ko lang naman siyang ipasalvage dyan sa kanto namin dahil sa sobrang bwisit ko sakanya!Tawa lang siya ng tawa habang nasa tapat kami ng gate.
"What did you think, for you to make that scene?" I asked him with joined eyebrows.
He stood up properly as he put his hands on his pockets. "Bakit ba kasi napaka insensitive mo?" He suddenly questioned me.
"Ano nanamang ginawa ko?" Takang tanong ko sakanya.
When our thoughts can't get through each other. He just gave me a tiring smile, then he walked inches near me.
Napaangat tuloy ako ng ulo dahil ang tangkad niya.
"Seriously Calli?" He started talking at hinawakan niya yung labi ko. Napaatras tuloy ako.
He just smirked. "I don't know if your avoiding me or you're just playing innocent?"
Yung dila ko hindi ko na naramdaman. Umatras yata.
"Hindi mo pa rin ba ramdam?" He me questioningly, his voice was a little bit sad. "It's been 2 years. Hanggang ngayon ba kaibigan pa din.ang tingin mo sakin?" He asked me with a sad expression.
Kinuha ko lahat ng natitirang lakas ko atsaka ako sumagot.
"Hindi" I plainly said. Which made him smiled like an idiot."Kaaway na kita" sagot ko.
Nawala naman bigla yung ngiti sa labi niya. Gusto kong matawa pero pinigilan ko siyempre.
"Siguro nga it's my fault kung bakit ganyan parin ang tingin mo para sakin" he stepped back a little. "Hindi pa kasi ako officially na umaamin"
He suddenly bent down in front of me as he said those words that made me shiver all over.
"I love you"
