Syne's blessing

5 2 0
                                    


Taas kilay niya kaming tinitigan ni Neo nang magkaharap kaming tatlo sa harapan ng bahay namin.

"What?" I asked him and he straightened.

"Sobrang nag enjoy ata kayo?" tanong niya ng may halong pagka uyam. Halata sa boses e.

Me and Neo just exchanged knowing looks. "Bro wag OA okay? Wala naman kaming ginagawang masama ni Calli. Besides you know the real situation here" sabi sakanya ni Neo habang nakapamulsa ang dalawang kamay sa jacket nito. Pagkasabi ni Neo ng mga salitang yun, doon lang mas nagging kampante ang itsura ni Danny.

Matagal bago ulit may nagsalita. Sobrang tahimik. Hindi ko alam kung bakit pero parang may iba akong nararamdaman.

"Bro" nagsalita ulit si Neo at sabay kaming napalingon sakanya ni Danny. "Aalis na ako pabalik ng US bukas ng umaga. Ikaw nang bahala dito ah" Neo looked meaningfully at me. "Wag mo nang hahauaang makalayo itong si Calli. Baka sa susunod hindi na kita matulungan"

Nakangiti lang si Neo habang habang kinakausap ang kakambal niya. Sa kanilang dalawa mas matangkad lang ng kaunti si Neo at medyo mas mahaba ang buhok kesa kay Danny. I can be able to recognized their differences by now. Ang sarap sa pakiramdam na makita ang dalawang lalakeng ito sa harapan ko. Nakaka overwhelmed.

"G*go" pabirong sabi ni Danny habang natatawa na rin. " Pumunta ka lang dito para pagselosin ako e" saad niya.

Ngumiti lang si Neo ng malapad at nailing na sinabing "That's my plan bro. Kung di ko ba ginawa yun sa palagay mo baa gad mong mar-realize ang kawalan mo sakanya?" sabay turo sakin. " Remember kung hindi ako umaligid kay Calli nung mga nagdaang araw, malamang naghanap na ng ibang lalake yan makapag move on lang sayo. Kaya pasalamat ka"

Napasimangot nalang ako sa kanilang dalawa. Pag usapan daw ba naman ako na parang wala ako dito sa harapan nila?

"Oo na. Salamat" sagot ni Danny at tinanggal ni Neo ang kamay sa bulsa ng jacket niya. Nagkamayan silang dalawang magkapatid sa harapan ko. It feels so nice to see these two brothers like this in front of me. Nakangiti lang akong nakatingin sa kanilang dalawa nang mapansin kong nagpalitan sila ng makahulugang tingin na hindi ko maintindihan. Sa mukha ni Dani mukha siyang nagulat.

Bakit kaya?

"Bro don't lose your second chance" sabi ni Neo habang nakatingin kay Danni ng seryoso. Tumango si Danny at seryoso ding sumagot nang "Even if you don't say it. Hinding hindi ko na siya pakakawalan pa kahit na kalian" at with that Danny suddenly hugged me by my shoulders and pulled me closer to him. "Hinding hindi na" and then he looked me smiling happily than I ever saw him before.

Kinabukasan. Sabay naming hinatid si Neo sa airport. Lamig na lamig pa man din ako buong byahe. Paano ang aga ng flight ni Neo e. Madaling araw pa. Kaya naman nginig na nginig ako sa backseat sa loob ng isang oras.

Pagdating namin sa airport. Nung una sabi ko hindi ako iiyak e. Paano sa loob ng isang linggo feeling ko na attached na ako kay Neo kahit papano. Ramdam kong mamimiss ko yung kakulitan niya sa oras na bumalik na siya ng US.

"Shh. Ano ka ba Calli. Ayaw mo ba talaga akong umalis?" nakangisi at natatawa niyang tanong sakin habang yakap yakap niya ko na akala mo wala si Danny sa tabi namin.

"Sira ka! Nasanay na kasi ako sa kakulitan mo. Tapos ngayon pag alis mo ikakasal ka na nga!" sigaw ko sakanya ng hindi kalakasan. Pinagtawanan daw ba ako.

Bigla siyang bumulong kaso di ko masyadong narinig e. "Sus. Baka nga mauna ka pa sakin"

Nung kumalas na siya sa pagkakayakap sakin. Muli lang silang nagpalitan ni Danny ng makahulugang titig na kahit anong gawin ko e hindi ko matalaga maintindihan.

Poetrical HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon