He's Back

16 2 0
                                    

After hours of flight. I'm finally back. Dalawang buwan palang naman ang nakalipas since nung last time nakauwi ako kaya hindi na ako gaanong nanibago.

Sumakay ulit ako ng taxi pagkauwi ko. Tuwang tuwa namang sumalubong sina mama sakin. Binigay ko na sakanila yung mga pasalubong na ipinabibigay nina tita. I hadn't really got a chance to buy them souvenirs or packages. Masyado kasi akong lutang.

Isang linggo nalang bago magpasko. Kapansin pansin talaga dito sa bayan namin na handa na sila para sa pasko. Ang daming naglalakihang Christmas lights kahit saan ako mapatingin.

Mukhang alam na ni mama kung bakit hindi ko kasama si Danny ngayon. I don't want to conclude but I guess tita must've told her nung nag skype sila.

The next day naging normal naman ang lahat. Tumulong ako sa pagbabalot ng regalo para sa mga inaanak. Pati na rin sa pagbili ng groceries para sa noche buena.

Pero ang hindi ko inaasahan ay yung nangyari ng sumunod na araw.
I never thought that he will be here.

"Neo?!" I asked unexpectedly. Nagulat ako pagkakita ko sakanya. "Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.

Nandito siya sa may tapat ng gate namin habang may dala dalang isang maliit na trolley.

"Hindi ka talaga marunong bumati noh?" Natatawang sabi niya. "Papasukin mo naman daw ako o" he said jokingly pero ramdam ko na ang pagod niya sa biyahe kaya naman pinatuloy ko na siya agad.

Maging sina mama at Kurt ay nagulat din pagkakita sakanya. Inexplain ko nalang na kapatid siya ni Danny at mukhang may kailangan sakin.

Pinatuloy namin siya sa may guest room para makapag pahinga.
Over dinner sakto naman ang paggising niya. Tuwang tuwa siya sa mga pagkain na inihanda ni mama.
Namiss daw niya ang mga filipino foods. Katulad ni Danny five years rin ang nakalipas bago siya huling nakauwi ng pinas. Kaya naman sobrang nagc-crave siya ng mga pagkaing pinoy.

Matapos kumain. Habang naghuhugas ng plato. Siniko ako ng bahagya ni mama at tinanong pa tungkol kay Neo. Sabi ko magkaibigan lang talaga kami at nung isang buwan ko lang siya unang nakilala, kaya wala dapat silang isiping iba.

Kakilos daw kasi niya halos si Danny. Yun nga lang medyo may pagkamalihim ang aura nitong si Neo kumpara sa isa.

Ugh! Ayan. Paano ako makaka move on kung lagi kong naaalala si Danny dahil kay Neo?!

Mga bandang alas nueve ng gabi. Inaya ko si Neo sa labas ng bahay para mag pahangin at para na rin makapag usap kami.

"Hayy sarap talaga ng pagkain dito sainyo. Nabusog ako!" He happily commented habang hinihimas himas ang tiyan niya.

I just rolled my eyes at him. "Magkwento ka na" untag ko sakanya. "Bakit ka sumunod dito?" Tanong ko.

Umayos muna siya ng upo bago sumagot. "Naku naku. Kaya naman tumatanda agad ang itsura mo e" he chuckled. "Wag kang masyadong pa stress"

Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Anong sinabi niya? "Excuse me?" Saad ko.

Natawa lang siya. "Ito naman biro lang"

Naiinis na talaga ako sa isang to puro din biro. Magkapatid nga sila.

Nung napansin niya sigurong hindi na talaga ako nakikipag biruan. Doon na siya nagsimulang magseryoso.

"I came here to help you" he said seriously. He looks at me straight in the eyes.

Hindi ko mahugot yung mga.salitang gusto kong sabihin kaya naman nakipagtitigan nalang ako sakanya. Nung marealize ko naman.
I immediately asked him. "What help?"

Poetrical HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon