NAIHANDA nila ang kasal sa loob lang ng dalawang linggo. Pinagtulungan iyon ng buong barkada. Napagdesisyunan nilang gawin na lang muna iyong simple since kaunti lang ang panahon nila para mag-prepare. Ang sabi ni Frank ay magpapakakasal raw silang muli 'pag maayos na ang lahat. Tutuparin pa rin daw nila ang kanilang dream wedding. Wala naman iyong problema kay Jerra dahil ang gusto lang niya ay ang maikasal sila. She loved him that much. Pero hindi niya maitatangging may pagdadalawang-isip pa rin siya sa ideyang ito ni Kim.
She's been acting weird lately. Parang may nag-iba sa kaibigan nila na ngayon ay sobrang seryoso at tahimik na. Maaaring dahil sa hindi pa rin ito nakaka-recover sa natamong trauma.
"Alright, we're here!" anunsyo ni Frank na siyang nagmamaneho ng van na sinakyan ng buong barkada.
Pinagmasdan niya ang resort na nasa harapan nila. Pinangilabutan siya sa nakita.
"Kim, sigurado ka bang ito 'yong resort na tinutukoy mo?" tanong ni Jerra sa kaibigan.
"Oo. Sigurado ako."
"Gurl, nagbibiro ka ba? A-attend tayo ng wedding, hindi maggu-ghost hunting," ani Erna na kagaya ng iba ay pinangilabutan rin sa resort.
"Wala ba kayong tiwala sa akin?"
"Hindi naman sa gano'n," sansala ni Ronnie. "Ang kaso lang, tingnan mo naman 'tong resort na 'to, o."
"Magtiwala na lang kayo. Walang masamang mangyayari sa atin dito. Ito ang pinaka-safe na lugar para sa ating lahat. Hindi tayo magagalaw ni Sherry dito."
"Bakit, ano ba'ng 'meron sa resort na 'to? May pangontra ba 'to sa mga kaluluwang ligaw?" ani Jeff. "Eh mukha ngang pugad ito ng mga masasamang espiritu, eh."
Wala na silang nagawa. Ipinarada na lang nila ang van at bumaba na. Silang magbabarkada lang ang nasa resort. Sabi ni Kim, gawin na lang muna nilang pribado ang kanilang kasal. Wala nga roon ang mga pamilya nila ni Frank. Hindi naman raw ordinaryong kasal ang gagawin nila. Magpapakasal lang sila para galitin si Sherry. Isasampal raw nila rito ang katotohanan na patay na ito at kahit anong klaseng paghihiganti pa ang gawin nito ay wala na itong magagawa. Sila na ni Frank.
"Ito ang magiging kwarto ninyo," ani Manang Lucing nang ihatid sila nito sa pinakadulong silid sa ikalawang palapag. "Magpahinga na muna kayo."
"Sige ho. Salamat," aniya sa matandang babae bago sila tuluyang pumasok sa kwarto nila.
"This place is creepy," komento ni Frank. She agreed.
Malaki ang lugar subalit iilan lang ang mga ilaw. Luma na rin ang hitsura ng resort at sa unang tingin ay mapagkakamalang abandunado na iyon. Hindi pa rin nila maintindihan ang dahilan ni Kim kung bakit nito nasabing safe sila sa resort na ito gayung hindi naman ito mukhang safe tingnan.
Tiningnan niya ang wall clock na nagsasabing alas kwatro na ng hapon. Pakiramdam niya'y ang bagal ng takbo ng oras. Gusto na niyang dumating ang bukas para maikasal na sila. Kahit hindi iyon magiging ordinaryong kasal, hindi pa rin niya maitago ang kanyang excitement. The mere fact na ikakasal siya sa lalaking mahal niya ay sapat na para sumaya siya. Hindi ito ang pinangarap niyang kasal. But she's marrying her dream man, who cares about her dream wedding?
"Hindi kayo dapat magkasama."
Pareho silang napaigtad nang biglang magsalita mula sa likuran nila si Kim. As usual, blangko na naman ang ekspresyon nito. Hindi nila alam kung paano itong nakapasok sa kwarto nang hindi nila namamalayan. Oo nga't hindi nila isinara ang pinto, pero imposible namang hindi nila narinig ang pagbukas niyon at mga yabag ni Kim. Pero mas pinili nilang ipagkibit-balikat na lang iyon. Ayaw nilang mag-isip ng kung anu-ano.
"Kim, ikaw pala," aniya.
"Bisperas ng kasal ninyo ngayon. Wala ba kayong alam sa mga pamahiin? Hindi dapat kayo magkasama at baka hindi matuloy ang kasal."
"No worries. Matutuloy ang kasal," confident na wika ni Frank at hinalikan ang ulo niya.
May nakita siyang galit sa mga mata ni Kim subalit kaagad nitong naitago iyon kaya halos hindi na siya sigurado kung tama ang nakita niya. Balik na naman sa blangko ang ekspresyon nito.
"Sumunod na lang tayo sa pamahiin. We've gone this far kaya hindi pwedeng may mangyaring aberya."
Naiintindihan naman nila ito. Gusto lang nitong makasiguro. Kaya naman tumango na lang sila.
"If you say so," wika ng nobyo niya.
"Frank, may bakanteng kwarto katabi ng kwarto namin ni Erna. Nasabihan ko na si Manang Lucing na iyon ang gagamitin mo."
"O sige."
"Asa'n na ang bag mo?"
"Susunod na lang ako. Mag-uusap muna kami sandali ni Jerra."
"Marami kayong panahon para mag-usap pagkatapos ng kasal ninyo. Sa ngayon, lumabas ka na at pumunta sa kwarto mo."
"Hindi ba pwedeng magpaalam muna kami saglit?"
"Ang lapit lang ng kwarto n'yo, magpapaalam pa kayo? Bilis na," anito na parang istriktang nanay. Natawa na lang sila.
"Fine, fine," natatawa pa ring pagpapatianod ni Frank at binuhat na ang bag nito at nauna pang lumabas.
"Jerra," tawag ni Kim sa kanya. Hindi niya maipaliwanag kung bakit bigla siyang kinilabutan sa simpleng pagkakabigkas nito sa pangalan niya.
"B-bakit?"
"Are you excited?"
Bakit iba ang pakiramdam niya? Parang may iba sa tono nito.
"Y-yes," sagot niya.
She smirked. Mas lalo lang tuloy siyang nagkaroon ng hinala.
"Malamang," anito at matalim siyang tiningnan. "Ang tagal mo 'tong pinangarap, 'di ba? Congrats. Finally, mapapasa'yo na rin si Frank."
Bumilis ang kabog ng dibdib niya nang may humampas na malakas na hangin. Naging dahilan iyon upang mahulog ang isang flower vase na lumikha ng malakas na ingay ang pagkabasag. Mabilis niyang dinampot ang mga piraso niyon. Subalit nasugatan siya ng bubog sa kanyang hintuturo.
"Aray," daing niya at sinubukang pigilan ang pagdaloy ng dugo.
"Rest well," kalmadong wika nito na parang hindi nito nakitang nasugatan siya. Sa halip na tulungan siya ay lumabas ito. Ngunit nakita niya ang pagngisi nito bago tuluyang isinara ang pintuan.
No, something's wrong. Hindi ko pwedeng balewalain ito.
Tinatagan niya ang loob at mabilis na tumayo para habulin ito. Kukomprontahin niya si Kim. Alam niyang may iba itong motibo. Paaaminin niya ito. Kailangang kalimutan na muna niya ang takot. Kailangan niyang lumaban.
Bubuksan na sana niya ang pintuan nang mapansing naka-lock iyon. Muli niyang sinubukang pihitin ang doorknob but to no avail. Ayaw niyong bumukas. Kinalampag niya ang pinto subalit ayaw pa rin niyong bumukas. Nang oras na iyon mismo, nakumpirma niya ang hinala.
May masamang balak si Kim!
BINABASA MO ANG
Overnight
TerrorEight people... One haunted resort. Samahan mo sila sa isang nakagigimbal na gabi. Samahan mo silang harapin ang mga nakakatakot na kaluluwang gusto silang hilahin sa impyerno. Pero sasamahan mo ba sila... hanggang hukay?