VIII- HER SIDE

8.4K 167 13
                                    


 

SOBRANG mahal ni Sherry ang nobyong si Frank. Alam niyang ito na ang lalaking para sa kanya. He's been a perfect boyfriend to her. Wala siyang mairereklamo sa binata. Pinapasaya siya nito at sinusunod ang halos lahat ng gusto niya. He never failed to make her feel loved and special. Sa tinagal-tagal ng relasyon nila, kailanman ay hindi sila nagkaroon ng matagal na ayaw. Kaagad kasi nitong inaayos ang anumang gusot sa relasyon nila. Ito pa nga mismo ang humihingi ng tawad kahit siya ang may kasalanan minsan. He was the perfect boyfriend.

Masyado siyang confident sa relasyon nila. Ramdam na ramdam niyang si Frank na talaga ang lalaking ibinigay ng Diyos sa kanya. Palagi nitong sinasabi sa kanya na ang swerte raw nito na sinagot niya ito. Pero para sa kanya, siya ang maswerte. She's so lucky to have him in her life. Bihira na lang ang mga lalaking katulad nito.

Okay naman ang lahat sa relasyon nila. Hindi niya alam kung kailan nagsimulang maging malamig ang pakikitungo ng nobyo sa kanya. She had no idea kung anong mali ang nagawa niya para magkaroon sila ng problema. She's not a perfect girlfriend pero ginagawa naman niya ang lahat to keep their relationship going.

"Sherry, ano ba, tama na nga 'yan," pigil ni Kimberly sa kanya at inagaw ang bote ng alak na pangatlong alak na niya nang gabing iyon. Kasalukuyan silang nasa isang club. Niyaya niya ang mga kaibigan roon dahil gusto niyang lunurin ang sarili sa alak at baka sakaling gumaan ang pakiramdam niya. Too bad hindi siya masasamahan ng bestfriend niyang si Jerra dahil busy ito sa thesis nito. Naiintindihan naman niya ito.

"Ba't ang KJ n'yo? We're here to enjoy!"

"Oo nga. But you've had more than enough. Ang dami mo ng nainom. Lasing ka na," wika ni Erna.

"Hindi pa ako lasing, 'no. Feeling n'yo lang 'yan. Kaya Kim, ibalik mo na sa'kin 'yang alak ko."

"Ba't ba mas marunong ka pa sa'min? Lasing ka na at sure na sure ako. First time mong uminom ng alak sa buong buhay mo tapos tatlong bote agad ang uubusin mo? Nababaliw ka na ba?"

"I'm not yet drunk. Kung totoong lasing na ako, bakit nasasaktan pa rin ako? Hindi ba dapat ay namamanhid na ang pakiramdam ko ngayon? Dapat hindi ko na nararamdaman ang sakit ng ginagawa ni Frank sa akin ngayon, 'di ba?"

Bumuntung-hininga ang dalawa.

"Ilang beses ba naming sasabihin sa'yo na mahal ka ni Frank. Walang problema sa inyo. Ikaw lang ang nag-iisip ng kung anu-ano," paliwanag ni Erna sa pilit na pinapakalmang boses.

"Ang lamig-lamig ng trato niya sa akin. Hindi naman siya dating gano'n, ah."

"Busy lang 'yong tao. Graduating student 'yon, alam mo 'yan. Intindihin mo na lang."

Pinipilit naman niyang intindihin, eh. She wanted to be an understanding and a supportive girlfriend. Subalit paano niya gagawin iyon kung halos hindi na siya sigurado kung girlfriend pa nga ba siya nito? Halos hindi na niya alam kung ano ang role niya sa buhay nito. Ayaw niyang mag-isip ng masama pero sobrang lakas ng hinala niya na may iba itong babae.

Isang gabi ay naisipan niyang tawagan ang bestfriend niyang si Jerra. Alam niyang busy ito pero sobrang kailangan lang niya itong makausap. Alam niyang may maibibigay itong magandang advice sa kanya. Her bestfriend knew the right words to make her feel better.

She contacted her pero nakapagtatakang ilang ring na ang narinig niya ay hindi pa rin ito sumasagot. Kilala niya ito. Palaging nasa tabi nito ang cellphone kaya maliit ang tsansang hindi nito napansin ang tawag niya. Ipinagkibit-balikat na lang niya iyon. Naisip niya na sobrang busy lang siguro nito.

Makalipas ang maraming ring ay sinagot na rin nito ang tawag.

"Hello?" Bahagya siyang nagtaka nang tila mapansing humihingal ang bestfriend niya. Masyado ng gabi para mag-jogging pa ito. Pero hindi na niya iyon pinansin.

"Best..." Tuluyan ng kumawala ang tinitimpi niyang iyak. Sinubukan niyang maging malakas subalit hindi na niya kaya. Masyado ng masakit. Masyado ng mabigat ang kalooban niya at parang sasabog na siya.

"H-hey, what's wrong? Bakit ka umiiyak?"

"He's cheating on me. I know he's cheating on me." Finally, nagawa na rin niyang isatinig ang matagal na niyang hinala. Masakit para sa kanyang tanggapin ang posibilidad na iyon. Pero iyon na yata ang pinaka-eksaktong rason ng panlalamig ng nobyo sa kanya.

"Best, paano mo naman 'yan nasabi? Baka masyado ka na namang nag-iisip ng kung anu-ano, ah." Iyan ang palaging sinasabi ng kanyang mga kaibigan sa kanya. Iyan rin ang pilit niyang isinisiksik sa isip. Na baka masyado lang siyang nag-iisip at napa-paranoid na. Pero hindi, eh. Sobrang lakas ng kutob niya. Hindi naman sa wala siyang tiwala kay Frank. Pero sadyang nakakapagtaka na ito.

"No. I can feel it. He's cheating on me," mariin niyang kontra.

Narinig niya ang impit nitong pag-ungol na tila pinipilit nitong supilin. Gusto niyang itanong sa bestfriend niya kung ano ang nangyayari dito. Tila may narinig rin siyang ungol ng isang lalaki mula sa kabilang linya subalit hindi siya sigurado roon kaya hindi na lang siya nagtanong pa.

 "B-best... A-ano... a-ano... ahh... M-magtiwala ka lang sa kanya. H-hindi ka lolokohin n'on."  Tila hirap na hirap ito sa pagsasalita. 

"Pero---" Hindi siya nito pinatapos sa pagsasalita.

"H-hindi ka... hindi ka l-lolokohin ni Frank. Sige na, I need to end this call now. May bisita ako. Bye." Ito na mismo ang tumapos ng tawag. Which was very unusual. Kahit kailan ay hindi siya nito pinagbabaan ng phone lalo na sa mga panahong kailangan niya ito.

Nang oras na iyon, she knew something was wrong. Mas lalong nahirapan siya dahil nagkakaproblema na nga sila ni Frank, parang may itinatago pa ang matalik na kaibigan niya sa kanya. 

"Anak, may problema ba? Napapansin ko nitong mga nakaraang araw na parang matamlay ka," wika ng kanyang ina habang magkasabay silang naghahapunan nang gabing iyon. Hindi pa kasi nakakauwi ang ama niya mula sa trabaho.

"P-po? W-wala naman po, 'ma."

"Nag-away ba kayo ni Frank? Halos hindi ko na rin nakikita ang batang 'yon dito. Eh madalas naman 'yong bumibisita noon dito, ah. May problema ba kayong magnobyo?"

Gusto niyang sabihin na wala. Na maayos ang lahat. Na wala silang problema. Pero sino ba ang niloloko niya? Pagbali-baliktarin man niya ang mundo, hindi maayos ang lahat sa relasyon nila. Ayaw man niyang isipin pero sa tingin niya ay patungo sa hiwalayan ang lahat ng nangyayari.

"Wala po---" Hindi niya natapos ang sasabihin nang maduwal siya. Kaagad siyang tumakbo patungo sa lababo at doon sumuka. Halos inilabas na niya lahat ng kinain niya nang araw na iyon.

Kaagad naman siyang dinaluhan ng kanyang ina at hinimas ang likuran niya.

"Anak..." Bakas ang takot sa mukha nito. "Napapadalas na 'yang pagsusuka mo, ah."

"Wala po 'to 'ma. Baka may nakain lang ako na hindi nagustuhan ng tyan ko."

"Kailan ka huling nagkaro'n ng dalaw?"

"Ho?"

"Sherry, buntis ka ba?"


***


A/N: Isanlibong sorry sa isa na namang late update. At salamat na rin for the patience, guys. Susubukan kong maging mabilis sa pagsusulat ng update since malapit na rin namang matapos ang story na 'to. Yep, malapit na. One more chapter and then climax na. Hintay-hintay lang at tiis-tiis pa nang beri layt. Ha-ha-ha-happy new year!!!


OvernightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon