VI- FIGHT

8.1K 167 9
                                    


HINDI mapigilan ni Jerra ang mapaluha habang pinagmamasdan ang kaibigan si Kimberly na tulala at wala sa sarili. Ganoon na ito mula nang dumating sila sa ospital. Nakatingin lang ito sa kawalan at tila hangin lang sila sa paningin nito. Naaawa siya rito.

"Hindi namin alam kung ano ang nangyari sa kanya. Basta kanina, bigla na lang siyang sumigaw. Para siyang may nakikitang taong hindi namin nakikita. Paulit-ulit siyang humingi ng tawad. Tapos bigla siyang hinimatay. Nang magising siya'y ganya'n na siya. Maging ang mga doktor ay hindi rin maipaliwanang kung ano'ng nangyayari sa anak namin," umiiyak na wika ng ina nito.

Ayaw niyang mag-isip ng masama subalit parang may ideya nang namumuo sa kanyang isip kung ano ang posibleng nangyari sa kaibigan. She dismissed the thought dahil ayaw niyang takutin ang sarili.

"Ano kaya'ng nangyari kay Kim? Okay naman siya no'ng mga nakaraang araw, ah. Ba't biglang nagkaganito siya?" nagtatakang tanong ni Frank habang binubuhay ang makina ng kotse nito.

"H-hindi ko rin alam."

"Depressed ba siya?"

Wala naman silang nakikitang rason para ma-depress ito. Maayos naman ang trabaho nito. Wala rin naman daw malaking problemang kinakaharap ang pamilya nito. At mas lalong wala itong problema sa lovelife dahil hindi romantic na babae si Kim. Nakikipag-fling lang ito sa kung sinong lalaking matitipuhan nito without commitment. Kaya naman isang malaking palaisipan sa kanila kung ano ang rason kung bakit nagkakaganito ang kaibigan nila.

Habang bumibiyahe sila ay ayaw patahimikin si Jerra ng mga isipin. Hindi na siya mapakali. Kaya naman nakapagdesisyon siyang sabihin na iyon sa nobyo.

"Babe..." Inabot niya ang kamay nito.

Saglit siya nitong binalingan at nginitian saka muling itinutok ang atensyon sa daan.

"Yes?"

"May kailangan akong sabihin sa'yo." Napalunok siya. Hindi niya alam kung paano sasabihin rito ang problema niya. Mahirap kasi iyong ipaliwanag. At alam niyang mahirap paniwalaan. "Pakinggan mo akong mabuti, okay?"

"Hey, what's wrong? You're scaring me."

"Something strange is happening. And I think may kinalaman ito sa nangyayari kay Kim."

"Ano 'yon?" Kumunot ang noo nito.

"Si Sherry."

Sa sinabi niyang iyon ay bigla itong napapreno. Mabuti na lang at naka-seatbelt sila at kasalukuyang tinatahak ang isang tahimik na daan. Wala na gaanong mga sasakyang dumaraan roon.

"What about her?" tanong nito pagkatapos ng ilang minutong katahimikan. Hindi nito inaasahang bubuksan niya ang ganoong topic. Pilit na nilang ibinaon sa limot ang nakaraan kaya mahirap para dito ang pag-usapang muli ang dalaga.

"Sa tingin ko may kinalaman siya sa lahat ng mga nangyayari."

"Babe, that's not possible. Patay na siya. Ano'ng gusto mong sabihin, nagmumulto siya?"

"Oo," diretsang sagot niya. "Alam kong mahirap itong paniwalaan pero matagal na siyang nagpaparamdam sa akin. Dinadalaw rin niya ako sa panaginip. She's been giving me warnings. Sobra-sobra ang galit niya at gusto niyang maghiganti. Hindi lang sa atin kundi sa buong barkada. At sa tingin ko'y si Kim ang inuna niya."

Napaling-lingo ito. Tila nagugulumihanan. Hindi pa nagpuproseso sa utak nito ang mga sinabi niya. He was almost hysterical.

"Imposible 'yan. She can't do anything to harm us kasi wala na siya."

"Kung gano'n, pa'no niya 'yon nagawa kay Kim?"

"Wala siyang kinalaman sa nangyari kay Kim. Maybe you're just over thinking dahil sa takot mo. Pero I assure you, she can never hurt us. Ibaon na lang natin siya sa limot, babe. Wala na siya, matagal na."

OvernightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon