They're Back

23.6K 397 30
  • Dedicated kay Reya Ortiz
                                    


"OY 'PRE, may bagong lipat raw na chicks sa kabilang section," kwento ni Brial habang kumakain silang magkakabarkada ng lunch sa canteen.

"Ah, oo. Narinig ko nga. 'Yong Jon... Jonabel ba 'yon?" ani John Siran.

"Jonalyn, tanga!" biro naman ni Delfin na ikinatawa nila.

"Ano, pormahan natin?"

Napalingu-lingo na lang si Darylle habang pinapakinggan ang mga kaibigang lalaki na idini-describe kung gaano kaganda si Jonalyn. Nakita na niya ito kahapon nang utusan siya ng adviser nila na pumunta sa second floor. May ipinahatid itong mga papel sa isang guro doon na nagkataong adviser pala ni Jonalyn. Aminado siyang maganda ang babae. Hindi siya iyong tipong mestisa lang o kaya balingkinitan ang katawan kaya natawag na maganda. There's something special in her. Napaka-angelic ng mukha nito. Hindi ito palasalita pero palangiti kahit sa mga hindi nito kakilala.

"No! No! This is so not happening!" sigaw ni Euvelyn habang nasa loob sila ng locker room nina Sheena at Realin. Mabilis na isinarado si Darylle ang pintuan upang walang makakita kay Euvelyn sa ganoong sitwasyon. Tinutulungan nilang pangalagaan ang reputasyon nito bilang campus beauty queen.

"Ano ba'ng nangyayari sa'yo?" tanong ni Realin.

"Ang Jonalyn na 'yon! She's a bitch!"

"Bitch? Eh, hindi nga 'yon makabasag-pinggan," wika ni Sheena.

"Akala n'yo lang 'yan. Magaling lang siyang umarte. Nalaman kong may gusto sa kanya si Steve." Ang tinutukoy ni Euvelyn na Steve ay ang matagal na nitong crush simula pa lang noong first year highschool sila. Subalit ni minsan ay hindi siya pinansin nito kahit gaano na siya kasikat sa school. Tila ayaw umobra ng ganda nito kay Steve.

"Porke't crush siya ni Steve, bitch na agad siya? Euvs, get over him. Ang daming lalaking nagkakandarapa sa'yo. Huwag mo na ngang pag-aksayahan ng panahon si Steve. Ga-graduate na lang tayo, siya pa rin ang kinababaliwan mo?" sermon ni Darylle dito.

"Iyan mismo ang point ko. Ako, ilang taon akong nagpapansin kay Steve. Mula first year pa. Tapos ang Jonalyn na 'yon, magi-isang linggo pa lang siya dito sa school, nagustuhan na siya ni Steve? Imposible! Alam kong ginayuma niya ang crush ko!"

Nagtawanan sila.

"Para kang tanga. Gayuma-gayuma ka diyan. Twenty-eleven na, nagpapaniwala ka pa rin d'yan?" ani Realin.

"Oo naman. Kumbinsido akong ginayuma niya si Steve. At pati na rin si Kellan."

"Si Kellan?!" Nagpanting ang tenga ni Sheena nang marinig ang pangalan ng current boyfriend nito.

"Oo, girl. At hindi na ako magtataka kung a few hours from now, kakausapin ka na ni Kellan para makipag-break sa'yo. Bitch ang babaeng 'yon. Kunwari anghel, pero demonyita naman."

"No freakin' way! Hindi 'to pwede. Kailangan natin siyang pigilan."

Six months. Kalahating taon na ang lumipas mula no'ng nagtungo sila sa haunted resort na 'yon. Hindi naging madali ang mga pinagdaanan nila. Nang makauwi sina Delfin at Darylle ay ini-report nila sa pulisya ang tungkol sa nangyari. Rumesponde kaagad ang mga ito kaya naiuwi ang bangkay ng mga kaibigan nila sa kanya-kanyang pamilya ng mga ito. Pero hindi sila pinaniwalaan na mga kaluluwang ligaw ang pumatay sa mga kaibigan nila. Ipina-drug test pa nga sila sa pag-aakalang nasa impluwensya sila ng druga kaya't kung anu-ano ang pinagsasabi nila.

Hindi na nag-insist pa si Delfin. Sapat na sa kanyang nakauwi silang buhay. Bahala na ang mga ito kung ayaw nitong maniwala sa kanila. Basta't sigurado siyang nagsasabi sila ng totoo. Pinilit niyang ibalik sa normal ang buhay. Pinilit niyang kalimutan ang madilim na parteng iyon ng buhay nila. Madalas iyong sumasagi sa isip niya, lalo na tuwing gabi bago siya matulog. Pero kaagad naman niya iyong inaalis sa isip.

OvernightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon