Roadtrip

58.1K 710 28
                                    

WALO silang magkakabarkada. Mati-trace ang pinagmulan ng kanilang pagkakaibigan noong nasa highschool pa sila. Magkaklase na sila mula first year hanggang fourth year dahil kabilang sila sa pilot class. Taun-taon ay sinisigurado nilang mataas ang grades nila para sigurado na silang magkaklase pa rin sila sa susunod na taon.

They were inseparable. Ewan kung bakit. Kung personality lang naman kasi ang pag-uusapan, iba-iba ang personalidad nila--- may tahimik, may madaldal, may maarte, may bad boy, may matino at kung anu-ano pa. Natural na siguro talaga iyon sa magkakabarkada. Paminsan-minsan ay nagkakaroon sila ng away, gaya na lang ng agawan ng make up, agawan ng crush o nililigawan, utang na hindi nababayaran, o kaya'y may isa sa kanila ang wala ng oras para sa barkada. Pero kaagad naman nila iyong naaayos. Mas mahalaga pa rin kasi sa kanila ang friendship.

Tatlong taon na ang lumipas mula no'ng grumaduate sila sa highschool. Akalain mo 'yon, tatlong taon na pala since that day na pati boys ay nag-iyakan at nagyakapan.

Bagaman hindi naputol ang communication nila sa isa't-isa, hindi nila maitatangging madalang na lang silang magkita-kita eversince they graduated. Busy na rin kasi sila sa studies nila. College na sila, mas kailangang magseryoso. Hindi na raw pwedeng magpapetik-petiks. Mahal ang tuition.

November 2013. Sembreak. Ang isa sa pinakahihintay ng mga estudyante. Panahon upang makatakas mula sa gabundok na school works at sa mga istriktang professors. Ito rin ang panahon upang mag-relax at mag-unwind. Kaya naman hindi na nila pinalampas ang pagkakataong iyon. Magna-night swimming sila sa isang resort.

Ano pa ba? Okay na ba 'to lahat? ani Euvelyn sa kanyang isipan habang chini-check ang laman ng kanyang bag. Punung-puno iyon ng damit, lotion at kung anu-ano pang mga pampaganda.

She was the queen bee during their highschool days. Muse ng section nila at pambato tuwing may pageant. Ngayon ay kilala na siya dahil sa daming beauty pageants na naipanalo niya. Sikat na rin siya bilang isang dancer dahil makailang beses na rin siyang nanalong festival queen. And she was thankful to her experiences in highschool. Doon naman talaga nag-umpisa ang lahat.

"Perfect! Kompleto ang mga armas ko!" aniya nang masigurong kompleto na ang mga gamit niya.

"O ano, ready ka na ba?" tanong ng mama niya na sumilip sa nakaawang na pinto ng kwarto

"Opo, 'ma. Hinihintay ko nalang 'yong text nila kasi susunduin daw nila ako. Ang kukupad talaga kumilos ng mga 'yon kahit kailan."

"Aba, bilisan n'yo na. Malayo pa ang San Simeon, 'no. Mga apat na oras 'ata. Anong oras na? Siguradong aabutan kayo ng gabi sa biyahe."

"Oo nga po, eh."

Kinuha niya ang kanyang cellphone at nag-send ng group message.

Asa'n na kayo, guys? 2pm na!

Pinoy nga talaga ang mga kaibigan niya. Lakas maka-Filipino time.

Samantalang si John Siran naman ang unang nakatanggap ng si-nend na group message ni Euvelyn. Kaagad siyang nag-reply ng On my way :-)

Sa kanilang magkakabarkada, siya ang always late at pinakamabagal kumilos. Minsan pa nga'y darating na siya one or two hours after ng call time. Lagi siyang nakakatanggap ng sermon sa mga ito pero ipinagkikibit na lang niya ng balikat. Love siya ng mga ito eh, kaya alam niyang hanggang inis lang ang pwedeng maramdaman ng mga ito sa kanya. But now is a different case. Ayaw niyang ma-late as much as possible. Malayo ang biyahe at gusto na niyang makarating sa destinasyon nila as soon as possible.

OvernightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon