Walong ordinaryong magkakabarkada lang kami. Dumaan kami sa stage kung saan wala kaming pakialam sa mga tao sa paligid namin. Ang importante'y masaya kami. Wala kaming pakialam kung sino ang masagasaan namin o kung may masaktan man kami.
Hanggang sa pinagsisihan namin ang mga ginawa namin. Pinilit naming ibaon sa limot ang isang madilim na nakaraang dulot ng isang masamang bagay na ginawa namin.
Subalit hindi pala namin iyon pwedeng takasan.
Mahirap tanggapin na isa na kami ngayon sa mga ligaw na kaluluwang nagpaparamdam sa mundo ng mga buhay. Natapos ang buhay namin sa hindi kanais-nais na pangyayari.
At sisiguraduhin naming daranasin n'yo rin iyon.
Babalutin namin ng takot ang bawat gabi ninyo.
Sa bawat alulong ng aso, asahan n'yong nasa labas lang kami at nakatanaw sa madilim ninyong kabahayan. Subukan mong buksan ang bintana nang makita mo kami at marinig mo ang panaghoy naming mga kaluluwang hindi makarating sa paroroonan namin.
Sa bawat malamig na hanging dadampi sa balat ninyo'y rmaramdaman n'yo na sana ang presensiya naming nakayakap sa katawan ninyo.
Nakikita namin ang bawat kilos ninyo.
Naririnig ang lahat ng sinasabi ninyo.
At nararamdaman ang kabang bumabalot sa inyo.
Kaya humanda na kayo. Isang gabi, gigimbalin rin namin kayo.
Nasa paligid lang kami.
Maaaring nasa tabi ng aparador ninyo.
Pwedeng nasa likod ng pintuan.
O kaya'y nasa mismong likuran n'yo lang at kasabay n'yong binabasa ang mga katagang ito.
Subukan mong lumingon.
At sasalubungin ka ng duguan naming mukha.
Matakot ka na.
Isang araw, magkikita rin tayo.
Sumigaw ka ma'y wala pa ring mangyayari .
Dahil hindi mo na mapipigilan pa ang pagsundo namin sa'yo.
At wala kang magagawa kundi ang sumama...
sa ilalim ng hukay namin !
---THE END---
Written by:
PrudencianMund of Wattpad
BINABASA MO ANG
Overnight
HorrorEight people... One haunted resort. Samahan mo sila sa isang nakagigimbal na gabi. Samahan mo silang harapin ang mga nakakatakot na kaluluwang gusto silang hilahin sa impyerno. Pero sasamahan mo ba sila... hanggang hukay?