V- CONDONE

9K 175 7
                                    


HINDI mapakali si Kimberly. Nasa loob siya ng hospital room niya habang nasa magkabilang gilid niya ang mga magulang. Kanina pa siyang pinapahiga ng mga ito subalit ayaw niyang makinig kaya hinayaan na lang siya.

Sa totoo lang, wala namang rason para isugod siya ng mga ito sa ospital. She's completely okay... physically, at least. Pero alam niyang hindi okay ang sitwasyon niya nang mga oras na iyon at pati na rin ang mga kaibigan niya. Tinurukan siya ng pampakalma. Umipekto naman iyon sa katawan niya. Ilang saglit nga lang ay nakaramdam siya ng antok kaya't nakatulog siya agad. Nang magising siya'y naging kalmado na ang pakiramdam niya kahit paano. Subalit hindi nawala ang takot sa sistema niya.

Lalo pa nang mapansing mag-isa lang siya sa loob ng silid.

Isang malamig na hangin ang humaplos sa batok niya. Awtomatikong tumindig ang kanyang balahibo. Nang oras na iyon mismo, alam niyang hindi siya mag-isa. May kasama siya sa loob ng silid, hindi lang niya nakikita.

Hanggang sa biglang nagpatay-sindi ang ilaw kasabay ng paglakas ng hangin. Hindi niya alam kung saan nanggaling ang malakas na hangin dahil saradung-sarado ang buong silid. Nanigas siya nang marinig ang isang malakas na katok.

"S-sino 'yan? 'Ma? 'Pa? Kayo ba 'yan?"

Pero walang sumagot. Bagkus ay mas lalong lumakas ang katok. Pabilis rin iyon nang pabilis na para bang gustong gibain ang pintuan. Humigpit ang kapit niya sa unan at kumot dala ng takot.

Hanggang sa nakita niya ang isang duguang babae na nakatayo sa harap ng kama niya. Nakaputi ito at naaagnas ang mukha habang matalim ang titig sa kanya. Kilalang-kilala niya ito sa kabila ng pag-iiba ng hitsura. Hinding-hindi niya makakalimutan ang babaeng nasa harap niya dahil malaki ang parte nito sa kanyang buhay.


"I really think he's cheating on me," malungkot na kwento ni Sherry sa kanya habang kumakain sila ng lunch sa canteen. "Ang cold na ng treatment niya sa akin these past few days. Hindi naman siya gano'n sa'kin noon, eh. He's extra sweet pa nga, 'di ba? Alam n'yo 'yan."

"Gurl, baka naman pagod lang 'yong tao. Alam mo namang busyng-busy 'yon sa studies niya, eh. Stressed na stressed na siguro 'yon," aniya rito at uminom ng softdrink.

Halatang hindi ito kumbinsido sa sinabi niya.

"Hindi, eh. Alam mo 'yong girl's instinct ko na ang nagsasabi sa'kin na something's wrong sa relasyon namin."

"Ang hirap sa'yo, tamang hinala ka kaagad.  Trust him. He loves you," ani Erna. Pinipilit nilang pakalmahin ang kaibigan. Kung anu-ano kasi ang naiisip.

"Hindi na rin ako sigurado sa bagay na 'yan. Mahal pa ba niya ako?"

"You're being paranoid. Hindi porke't malamig ang pakikitungo niya sa'yo ay hindi ka na niya mahal at may iba na siyang babae. Give him the benefit of the doubt. We know Frank. Ang tagal na nating magkakabarkada. And, ako, I personally believe na hindi siya magchi-cheat sa'yo," dagdag niya just to assure her friend na maayos ang lahat.

Alam nila kung gaano kamahal ni Frank si Sherry. Highschool pa lang sila ay matindi na ang pagkaka-crush nito sa dalaga. Noong nasa college na sila ay saka lang ito naglakas-loob na manligaw. It turned out na matagal na rin pala itong gusto ni Sherry, naghihintay lang ito na ligawan ng binata kaya raw hindi ito kailanman nakipagrelasyon noon. Tuwang-tuwa ang buong barkada nang magkatuluyan ang mga ito. They were so sweet. Iyong tipong halos perpekto na ang relasyon ng mga ito. Mapagkumbaba si Frank kaya tuwing nagkakaroon sila ng issue, ito mismo ang nagsu-sorry kay Sherry. Hindi nito sinasabayan ang init ng ulo ng nobya. Iyon ang isa sa dahilan kung bakit naging maganda ang relasyon nila.

OvernightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon