IX- SUICIDE

9.6K 177 27
                                    


"CONGRATULATIONS! You are eight weeks pregnant."

Iyon ang eksaktong linya na narinig ni Sherry mula sa doktor. Ayaw matanggal niyon sa kanyang isipan. Patuloy iyong umaalingawngaw sa kanyang pandinig.  Maaaring isang magandang balita para sa iba ang pagbubuntis. Ngunit para sa kanya ay isa iyong masamang balita. Masyado pa siyang bata para maging ina. Ni hindi pa niya natatapos ang pag-aaral. Paano na ang mga pangarap niya? Ano ang magiging reaksyon ng pamilya niya? At higit sa lahat, paano niya haharapin ang pagbubuntis ngayong parang nanlalamig sa kanya ang kanyang nobyo?

The day after their finals ay napagkasunduan ng barkada nila na mag-overnight sa isang resort. Paraan daw nila iyon upang makabawi sa kanilang mga sarili after the stress they went through. Kaya naman hindi na siya tumanggi at kaagad na sumama. Naisip niyang magandang pagkakataon na rin iyon upang sabihin kay Frank ang balita.

"Oo, naaalala ko 'yon!  Sobrang galit na galit si Mrs. Santos no'ng nahuli niya tayong nagka-cutting classes. Pinatawag pa nga ang parents natin no'n, 'di ba?" tumatawang wika ni Kim habang nakaupo sila sa gitna ng bonfire. Kasalukuyan nilang pinag-uusapan ang mga highschool memories nila.

Magkatabi sila ni Frank nang oras na iyon pero parang ang layo nila sa isa't-isa. Ramdam na ramdam niya ang panlalamig nito. Ipinagtaka rin niya ang tila weird na mga kilos ni Jerra. Parang hindi ito kumportable sa presence niya.

"Eh naaalala n'yo pa ba 'yong nangodigo tayo sa third periodical exam? Ginamit natin 'yong cellphone natin para pagpasa-pasahan ang answers," tumatawang wika ni Ronnie.

"Ay, oo! Tapos pinagbawalan na tayong gumamit ng cellphone buong school year. Ang hindi nila alam, nagagawa pa rin nating mag-text nang palihim."

"Syempre, talented tayo, eh."

As expected, hindi nawala ang inuman sa barkada nila. Ayaw sana niyang tanggapin ang bawat baso ng alak na inaabot ng mga ito sa kanya pero ayaw naman niyang magtaka ang mga ito. Maselan ang kondisyon niya dahil sa kanyang pagbubuntis at hindi makakabuti para sa kanya kung iinom siya ng alak. Subalit ayaw rin naman niyang ibalita ang pagbubuntis sa harapan ng lahat. Gusto niyang dahan-dahan ang pagbabalita niya. Mas mabuti kung sila munang dalawa ni Frank ang mag-uusap.

Madaling araw na nang mapagpasyahan nilang matulog. Magkaiba ang kwarto ng boys at ng girls. Gusto sanang kausapin ni Sherry ang nobyo pero ipinagpaliban na lang muna niya. Baka bukas na lang. Matutulog muna siya at pag-iisipang mabuti kung paano sasabihin dito ang balita.

"Nasa'n si Jerra?" tanong niya. Sila kasi ang magkatabi sa isang kama habang sina Erna at Kim naman ang magkatabi sa katapat nilang kama.

"Ah, nasa labas. Kausap sa phone 'yong kaibigan niya," sagot ni Erna na kasalukuyang nagpupunas ng wet tissue sa mukha.

"Sinong kaibigan raw?" Halos kakilala niya lahat ng kaibigan nito. Ganya'n sila ka-close bilang mag-bestfriend.

"Ewan ko."

Parang may itinatago ang mga kaibigan sa kanya. Tila kasi hindi siya kumbinsido sa naging sagot nito. Subalit ipinagkibit-balikat na lang niya iyon. Baka naman kasi masyado lang siyang nag-iisip. Bakit naman siya paglilihiman ng mga ito? They've been friends for years. Subok na ang pagkakaibigan nila. Alam niyang hindi siya sasaktan ng mga ito.

"Matulog na lang tayo! Aabutin pa nang siyam-siyam ang pakikipag-telebabad ng bruhang 'yon."

"Oo nga!" pagsang-ayon ni Kim at pinatay ang lampshade sa bedside table ng mga ito.

"Gurl, ano ba?! Imbyerna ka! Kita mong nasa harap ako ng salamin, eh," reklamo ni Erna.

"Matutulog ka na, magpapaganda ka pa? 'Wag mong sabihing magmi-make up ka? May dadaluhan kang party sa panaginip mo?"

OvernightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon