Unang halik

11K 216 1
                                    

-oOo-

Ally




"Get out!"



Nabiglang napatingin ang mga mata ko sa pagbukas ng pinto. Nandoon pa rin ang inis at galit sa mga matang hinablot niya at sapilitang pinalabas niya ako sa sasakyan nito.

Nasasaktan ako sa klase ng pagkakahawak niya sa braso ko. Pabalag niyang isinara ang pinto at malakas niyang itinulak ako. At naramdaman ko nalang ang pagkakalapat ng likod ko sa kotse nito.

Ramdam na ramdam ko ang mabibigat at mainit niyang hiningang tumatama sa mukha ko. Sa mga pagkakataon din ito, samu't-saring emosyon ang mababasa sa mga mata nito. Na mas lalong nagdudulot ng takot at habag dito.

"Damn you, Ally!" Kasabay ng malakas na pagsuntok niya sa may mukha ko. Sa sobrang takot ko ay mariing napapikit ako sa pag-aakalang sasaktan niya ako.

Tumama lang pala ang kamao nito sa gilid ng ulunan ko. Di makapaniwalang napalaki ang mga matang napatitig ako sa mga mata niya.

"Anong... " kahit labi ko ay nanginginig rin sa takot dahil sa pagiging biyolenti nito animo'y isa siyang halimaw sa pangingin ko.

Hindi ko inaasahang magagawa niya sa'kin ang ganito. She's a monster!

Pinilit kong tinulak ito at kumawala mula sa pagkakakulong dito. Ngunit, mahigpit niyang itinukod ang mga bisig at kinorner ako mula sa katawan niya at sa kotse nito.

"Ano ba-?!?"

Ngunit, ganoon na lamang ang pagkagulantang ng mundo ko nang maramdaman ang pagsakop niya sa labi ko. Mapagparusang siniil niya ako ng mga halik.

Anong... Anong nangyayari?

Halos di mag-sink in sa utak ko ang ginawa nito. Tulalang napapatingin lang ako sa kawalan.

Hanggang sa magising nalang ako na ipinapaubaya ang labi dito. Buong lakas na itinulak ko naman siya papalayo at ubod lakas kong sinampal ito na ikinabigla niya ng husto.

Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa mga mata nito at sa labi niya. Sobrang nayanig ang pagkatao ko at ni ayaw kong maniwalang nagkaisa ang mga labi naming dalawa.

And take note... it was my first kiss!

-oOo-

Three days later...

"Hoy!"

"Ay! Butiki!" Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang sundutin niya ako sa tagiliran. Inis ko tong hinambas at nagbalik sa pagkakayos ng upo.

"Oh, ano 'yan?" Si Rina

Isang buntong hininga ang pinakawalan ko.

"Naks! Lalim ah! May problema ka, noh?" Anito.

Umiling ako. "Wala."

"Aba... malihim tong babaeng to." Naiiling nitong sabi. "Pero... alam mo. Sayang talaga dahil hindi mo na-meet ang anak nila Senior at Seniora. Teka... saan ka nga ba at bigla ka nalang nawala, ha?"

Biglang akong nataranta at napaayos ng upong nag-iwas ng mga mata sa kaibigan ko.

"May... may pinuntahan lang ako." Labas sa ilong kong sinabi.


"Ah... may pinuntahan..." sabay tango nito. Knowing Rina... di basta-basta naniniwala ang bruhildang to.

"Aray-! Ano ba, Rina!" Masamang tiningnan ko naman ito.


Runaway with me Gorgeous [Book 1] (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon