Ang pag-amin

6.7K 168 3
                                    

Ally

Matapos maligo ay kaagad na akong pumanhik sa kwarto para matulog. Insaktong alas diyes na ng hating-gabi ng matapos ko rin ang pagre-review.

Kaagad na sumampa ako sa higaan, matapos mai-off ang switch ng ilaw ay kaagad bumalot ang kadiliman sa loob ng silid at tanging ang mapusyaw na liwanag ng buwan lamang ang nagbibigay liwanag sa kabuuan ng bahay.

Mabuti na lamang at hindi ako iyong tipong matatakutin sa dilim. Ilang linggo na rin simula ng lumipat ako sa bahay na to. Simula ng magulo ang nananahimik kong buhay, mula ng magkrus ang landas namin ni Kristina wala na siyang ibang ibinigay sa'kin kundi sakit ng ulo at gulo. Pero bakit parang hinahanap ko siya?

Bakit parang hinahanap ko ang pang-iinis niya.

Ang galit niya.

At ang panggugulo niya sa'kin.

Mariing naipikit ko ang mga mata. I should stop thinking about her.

Subalit makalipas ang ilang sandali ay hindi pa rin ako dinadalaw ng antok.

Tinatamad na bumangon ako at tumungo sa kusina para magtimpla ng gatas. Baka sakaling antukin ako.

Madilim ang paligid ngunit aninag ko naman ang loob ng bahay.

Mabilis akong nakapagtimpla at inubos ang laman ng gatas. Nang biglang makarinig ng mga katok. 

Takang sinuri ko kung tama nga ang pagkakarinig ko, nang muling may napaubo sa labas

Kinakabahan ako na baka isang magnanakaw ito at may balak pasukin ang bahay.

Narinig ko uli ang marahang pagkatok nito na nagpakunot ng noo ko.

Napahugot ako ng malalim na hininga.

"S-Sino 'yan?" Sa huli ay nagawa kong tanungin nalang ito. Parang hindi naman ito magnanakaw dahil kung may masamang binabalak ang kung sino mang ito at may planong magnakaw. Di naman ito kakatok, diba?

"Ally, it's me." Biglang tumalon ang puso ko nang makilala kung sino ito.

Nagtataka may nanginginig ang mga kamay ko at pinagbuksan ito.

"Anong ginagawa mo dyan sa labas?" Takang tanong ko sa kanya.

Wala akong nakuhang sagot magmula dito sa halip ay naramdaman ko ang paglapit nito at marahang hinawakan niya ang mukha ko.

"Ally..." naisantinig lamang nito.

Naaamoy ko ang alak sa kanya. Kaya medyo kinabahan ako lalo na't nasa harapan ko ito.  


"L-Lasing kana, Kristina. Kailangan mo ng umuwi at ng makapagpahinga ka." Pinilit kong maging normal na hinarap ito. May problema ba siya kaya nangangamoy alak siya?

"Hindi ako lasing. Tss." Napaingos naman nitong sabi. Napaikot naman ako ng mga mata dahil sa pagsisinungaling nito.

"E, bakit ka nga pala nandito?" Napahalukipkip kong tanong.

"Hindi mo ba muna ako papasukin?" May inis naman nitong balik tanong. Napapailing na nilakihan ko ang pagbukas ng pinto at binigyang daan ito para makapasok.

Pabagsak na naupo ito sa sofa. Sinara ko naman ang pinto at nilock ito.

"So... pwede mo na bang sagutin yong tanong ko?" Napahalukipkip kong hinarap siya.

Blankong tiningnan naman niya ako saka napahugot ng malalim na hininga.

"Let me stay here just for tonight." It wasn't a request but a statement.

Runaway with me Gorgeous [Book 1] (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon