Pangungulila

6.5K 184 7
                                    

Ally

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ally

Ilang araw na ang dumaan, at mahigit dalawang linggo na rin mula nang may mangyari sa bahay ni Tita Ami. Iyon ang huling beses na nakita at kausap ko si Kristina. Simula ng pag-uusap naming dalawa ay di na ulit kami nagpakita pa. Ni sa paaralan ay di na rin siya pumapasok.

Gayupama'y presensya niya lang ang nawala. Sa mga nakalipas na araw, pakiramdam ko talagang magkakatotoo yong sinabi ni Rina. Na baka sa isang araw, itatakwil na niya ako bilang isang kaibigan dahil sa may sakit na ko sa pag-iisip.

Nakakainis lang kasi.

Di ko na nga siya nakikita't nakakausap. Di na rin niya ako tinatakot o pinapakaba sa tuwing nagkakatagpo ang landas naming dalawa.

Pero heto't parang linta pa rin siya sa utak ko't parang mababaliw na ko sa kakaisip sa babaeng yon!

Kainis ka talaga, Kristina! Sabing wag mo na 'ko ulit guluhin pa. Ba't gulong-gulo mo na naman ang utak ko kakaisip sayo! Nasan kaba babaeng ka! Himutok ko sa isipan. Kasalukuyan akong nakatayo sa may lagoon. Nagbabakasakaling makikita ko siya sa lugar na to. Pero, wala pa rin. Nitong huling araw napuntahan ko na rin ang park kung saan nasundan ko siyang umiiyak noon. Wala ni anino rin nito ang nakita ko.

Isang malalim na pagbuntong-hininga ang ginawa ko bago naupo sa berdeng damuhan. Nakamasid sa payapang tubig at sa unahan ng lagoon ay ang mataas na talon. 

"Nasaan kana, Kristina?" Wala sa sariling tinatanong ko siya sa isipan ko.

Gusto kong malaman kung ano ba talaga ang totoo. Mula kasi ng sabihin sa'kin ni Rina yong isa sa mga nagpapagulo sa utak ko nitong mga nagdaang araw. Di na siya nawala sa isipan ko.

Posible kayang tama ito?

How come?

Paanong may malalim na pagtingin siya sa'kin? Paanong minahal niya ako? Kung tutuusin ilang araw pa lang mula ng magkita kaming dalawa.

May kinalaman din ba ito sa mga kasalanang nagawa ko sa kanya? Kaya ba siya nagagalit sa'kin ay dahil...

"Ally. I love you."

Mariing naipikit ko ang mga mata ng maalala ko ang mga salitang binitawan nito.

-oOo-


Natapos ang buong araw, wala akong ibang ginawa kundi ang magmukmok o di kaya ay pumupunta ng library para humiram ng mga kakailanganing aklat para sa aralin.

Ngunit, wala pa ring ipinagbago. Panaka-naka'y napapabuntong-hininga ako na tila may malaking problemang kinakaharap. Di ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit parang may kulang. Parang di talaga buo ang araw ko at mas gugustuhin ko nalang matulog buong araw kesa ibaling ang atensyon ko sa ibang bagay dahil wala pa rin namang nangyayari. I felt something weird on my chest. Something missing. Ngunit, di ko naman malaman kung ano?


Runaway with me Gorgeous [Book 1] (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon