Ang kagustuhan

7.8K 184 3
                                    

Mataas na ang sikat ng araw at nakaramdam na rin ako ng pagnanakit ng binti. Sa araw-araw ba naman ng paglalakad ko nang halos dalawang kilometro ang layo hanggang sa sakayan ng tricycle para makapunta sa unibersidad kung saan halos apat na taon na akong nag-aaral.

Mariing naipikit ko ang mga mata at humugot ng malalim na paghinga.


Titiisin ko ang pagod at hirap na to. Alang-alang para sa mga pangarap ko. Kailangan kong makapagtapos ng pag-aaral at ng matulungan ko naman ang pamilya ko. Nang sa gayon ay maiahon ko sila sa kahirapan.

Anim na buwan nalang ang hinihintay ko.




Mahigit dalawang linggo na rin ang nakalilipas mula ng tumira ako sa bahay ni Tita Ami. Mas malayo ang tirahan nito kaysa sa dating bahay namin.

Nagtataka man sina Inay at Itay, nagawa ko pa rin namang magpaliwanag sa kanila sa kagustuhan ko. Dahil halos buong araw na nagtatrabaho at nasa mansyon si Tita Ami, kailangan ko rin namang alagaan at bantayan ang sariling bahay nito. The least I can do para naman masuklian ko ang kabutihan at pagpapaaral niya sa'kin. Mas malapit rin ang bahay nito ng onte sa paaralan na pinapasukan ko, at lalong mas malayo sa mansyon ng nga Suigero.



Ilang araw na rin mula ng may mangyari sa'min ni Kristina sa may lagoon.



Nang makarating sa sakayan ay mabilis na sumakay ako ng tricycle. At ilang minuto lang din ay nakarating na ko sa eskwelahan.




"Psst!"


Mula sa pagbabasa ko ng aklat, napabaling ang atensyon ko kay Rina.



"Ano?" Sabay kunot-noo ko sa kanya.

Sumenyas naman ito sa kabilang direksyon kaya napapasunod ako sa tinuro nito.

Biglang may sumikdo sa kaliwang dibdib ko nang makita ito. Kakambal ng panlalaki ng mga matang nailibot ko ang tingin sa paligid. Nang mapansing balewala lamang kay Prof. Magbati ang ginawa nito. Tila nabunutan ng tinik ang dibdib ko at wala sa sariling napahawak ako dito. 





Muling napapatingin na naman ang mga mata ko sa direksyon ni Kristina. And only god knows kung saang lupalop ng mundo na siya nakarating ngayon.

Mukhang himbing na himbing pa talaga ito sa pagtulog. Naiiling ang ulong pinilit ko na lamang ignorahin ito.

Ilang araw naba ang nakalilipas? Halos isang linggo na mula ng... hindi ko mapigilang mahawakan ang labi ko nang maalala ang nangyari sa lagoon.




Simula rin ng araw na yon ay di ko na siya nakita pang muli. Ni hindi naman siya gaanong pumapasok sa paaralan.


Mukhang wala ring balak na pakialaman ng mga guro ito sa takot sigurong mapatalsik ang mga ito.



Muling napabuntong-hininga ako at napapailing saka ibinalik ang atensyon sa pagbabasa at pagtetake-note ng mga aralin.

Ngunit di tulad kanina, panaka-nakang napapasulyap ang mga mata ko sa direksyon nito at ni hindi na rin halos pumapasok sa utak ko ang mga binabasa ko.





May inis na itiniklop ko ang libro at mariing napapikit ang mga mata.







Bakit ko ba siya tinitingnan?

May problema ba sa mga mata ko at parating siya ang gustong makita nito?


Mahigpit ko ring napahawak ang mga kamay sa gilid ng inuupuan ko. Nang maalala ang nangyari sa may lagoon.

Runaway with me Gorgeous [Book 1] (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon