Sunod-sunoran

6.1K 165 2
                                    

"Ally!!!"

Unti-unting napapalaki ang mga mata ko nang makilala kung kaninong boses nanggaling ang pagtawag na 'yon. Agad kong hinahanap ito.

"S-Seniorita Sheina?" Kasabay ng pag-awang ng bibig ko nang makita ito. Patakbong nilapitan ako ng bata. Mahigpit niya akong sinalubong ng yakap.

"Oh, God! Ally- namiss po kita ng sobra-sobra!" Anito.

"T-Talaga?" Natutuwang niyakap ko rin ito. "Ako rin e. Sobrang-sobra!" Saka pinugpog ko ng halik ito sa mukha.

Napahagikhik naman ito.

I cupped her face. "Kakamiss ang cute na to!" Saka pinaglalaro namin ang aming mga ilong. Binigyan naman niya ako ng mabilis na halik sa labi na ikinagulat ko.

Wala sa sariling napatingin ako sa iisang direksyon. Kitang-kita ko naman ang pangungunot ng noo nito sabay ingos.

Naiiling na inignora ko nalang ito. "C'mon! Let's play?" Yakag ng bata sa'kin sabay hila sa kamay ko.

Natatawang sinundan ko na lamang ito at sumenyas kay Kristina na sumama na rin. Automatikong napapailing naman ito ngunit maagap kong nahawakan ang kamay niya sabay hila na rin na ikinagbila nito. Sukat at naramdaman kong muli ang nakakapanindig balahibo na init na nagmumula sa kamay nito.

Napalunok ako at pilit binalewala yon. Perpektong pinagsiklop niya ang mga kamay namin. Napahigit ko naman ang hininga at wala sa sariling napahigpit ang pagkakahawak ko sa kanya dulot ng pagsalakay ng libu-libong sensasyon sa buong pagkatao ko.

"We're here!" Bulalas ni Sheina nang marating namin ang playground.

Kasalukuyan kaming nakatayo sa loob ng eskwelahan nito, at kung bakit naisipan ni Kristina na dalhin ako dito ay di ko rin lubos na maintindihan. Isang malaking palaisipan pa rin sa'kin kung bakit.

Hinila na 'ko ni Sheina sa isa sa mga swing. Sa ginawa nito, nabitiwan ko ang kamay ni Kristina. Nakaramdam naman ako ng panghihinayang na ikinapagtaka ko.

"Sis! Come join us!?"   

Umiling ito.

Napasimangot naman ang kapatid nito at muling ipinagpatuloy ang paglalaro. Pasimpleng sumenyas ako dito na pagbigyan ang hiling ng kapatid ngunit naging matigas pa rin ito.

Napapailing na inirapan ko nalang siya.

Ilang minuto kaming naglalaro sa playground, habang nasa bench lang nakaupo at nakamasid si Kristina sa'min.

Minsan nahuhuli ko siyang nakatitig lang sa'kin o di kaya kinukuhanan niya kami ng litrato nito.

"What?" Nakataas kilay nitong tanong nang tumabi ako sa kanya. Nasa restroom si Sheina, kasama na ang mga kaibigan nito.

"Patingin ako." Sabay lahad ko ng kamay sa kanya. Gusto kong makita yong mga litrato baka puro kalokohan lang ang pinaggagawa ng babaeng to.


"Why?"

"May gusto lang akong makita. Kaya patingin na." Umiling naman ito.

"Sorry. But I can't." Sabay layo niya sa'kin yong phone niya. Pinanlakihan naman ang mga mata ko nang makita ang nasa wallpaper nito.

Sa inaasahan, mabilis niyang itinago sa bulsa niya ito. Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Ano yong nasa wallpaper mo?" Sorry nalang siya. Pero mas naging interesado akong makita kung ano ang nasa cellphone nito.

Marahas na umiling ito sabay tayo. "Nothing. It's just a pic."

"Patingin nga ako-" sabay hablot ko sana sa kanya ngunit mabilis siyang nakaiwas sa'kin.

Runaway with me Gorgeous [Book 1] (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon