Ang pag-uusap

6.8K 185 4
                                    

"Tita Ami, nakahanda na po 'yong pagkain sa mesa." Tawag ko kay Tita Ami. Katatapos ko lang magluto.



Dahil wala namang katuwang sa buhay ito at ni anak at wala rin. Dalawa lamang kaming nakaupo sa hapag-kainan.


"Salamat, Ally. Sa pagbabantay mo sa bahay na ito. Nahirapan kaba sa paglilinis dito?" Tanong nito nang matapos kaming magdasal at humingi ng pasasalamat sa diyos.




"Hindi naman po, Tita." Sagot ko.

"Mukhang masarap 'tong niluto mo." Anito at di ko mapigilang mapangiti sa narinig.




"Sige po, Tita. Kain na po tayo."  kumuha na rin ako ng kanin at sabaw ng sinigang.



"Ally..."



"P-Po?"



"Nagkausap kami ni Seniora Ceilo at nabanggit ka niya sa'kin." Muntik naman akong masamid sa sinabi nito.




"T-Tungkol saan po, Tita?" Nagtatakang napatingin ako dito at hinihintay ang magiging katugon nito.






"Itinanong niya sa'kin kung kumusta ka raw dito at kung bakit hindi ka na raw bumibisita sa mansyon. Si Seniorita Shiena ay parati ka rin niyang kinukulit sa'kin kung kailan ka raw bibisita. Alam mo naman ang batang 'yon." Anito.




Natahimik naman ako.

"May... problema kaba, hija?" May pag-aalalang tanong nito.






Napailing ako. Pilit ang mga ngiti sa labi.




"Medyo busy lang ho. Tita. Kapag may oras po ako ay bibisita po ako sa mansyon." Napahigpit naman ang hawak ko sa kutsara't tinidor.



Tumango naman ito.

May guilt sa puso ko. Hindi ko kasi maiwasang magsinungaling sa mga ito.



"Ang laki na ng ipinagbabago sa mansyon." May lungkot nitong sabi.


Napailing ito at nag-angat ng tingin si Tita Ami sa'kin.


Wala akong nakuhang sagot sa kanya ngunit may pagkabahalang napaisip ako sa sinabi nito.



"T-Tungkol po ba to sa... a-anak nina Senior?" Nagbabakasakaling tanong ko. Isang malalim na hininga ang ginawa nito. "B-Bakit po, Tita Ami?"

"Walang araw na hindi nag-aaway ang magkapatid. Minsan nauuwi ang dalawa sa sakitan... nakakalungkot isipin-"




"P-Po?" 

Agad nahulog ang kutsara sa kamay ko buhat sa narinig. Sinasaktan ni Kristina ang kapatid nito?


Papaanong naatim niyang saktan ang sariling kapatid nito?


Mahigpit kong naikuyom ang mga kamao. Sumusobra na talaga ang babaeng yon! Pati sariling kapatid nito nakayanan niyang saktan!





"Iniimbitahan ka pala ni Seniora Ceilo para sa kaarawan ni Don Emmanuel. Sa susunod na linggo na iyon at inaasahan nila ang pagdalo mo." Napukaw naman ang diwa ko nang marinig ang pagsasalita nito. Marahang kong pinulot ang kutsara at nilagay sa sink.


Bigla rin akong nahulog sa malalim na pag-iisip kung dadalo paba ako sa kaarawan ng Don.


-oOo-

"Whoah. Seryoso kaba dyan?" Di makapaniwalang naging reaksyon ni Rina  matapos kong maikwento sa kanya ang sinabi ni Tita Ami sa'kin kagabi.


Runaway with me Gorgeous [Book 1] (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon