Inis at Galit

12.6K 237 1
                                    


Ally

Lakad-takbo ang ginawa ko ng marinig ang maiingay na tugtog sa labas ng mansyon.

Nagmamadaling bumaba sa hagdan. Napahimbing yata ang pagtulog ko. Daig ko pa ang isang Suigero. Nakakahiya.

Sana makaabot pa ako.

"Ally? Ba't nandito kapa? Nasa labas na ang mga bisita at di magtatagal ay paparating na rin si Seniorita Kristina." Si Maribeth nang makasalubong ko ito sa may hallway.

"Ah, E... S-Sige, papunta na'ko dun." Alanganing ngumiti ako sa kanya. Haist. Nakakapagtaka at di man lang nila ako nagawang gisingin kanina.

Patakbong tumungo ako sa may bulwagan, sumalubong sa'kin ang napakalakas na tugtog at iba't-ibang kulay ng ilaw. Napakusot pa ko ng onte medyo masakit siya sa mata at nakakahilong tingnan.


Palinga-linga kong tiningnan ang paligid, hinahanap si Tita Ami. Natanggal rin ang hair clip ko kaya tuluyang bumagsak ang buhok ko na lagpas balikat. Hinayaan ko nalang kaysa naman ibabalik ko sa dating ayos, wala ng oras.



Bahagya pa akong napaigtad sa sobrang gulat nang biglang dumilim at nagputukan sa itaas.


Sobrang ganda!




Nakakatanggal stress ang gandang hatid ng mga kulay na nilikha ng mga ito.

Nananatiling nakatingala lamang ako sa itaas nang pumailanlang ang nakakahalinang kanta sa kapaligiran.



A song title: "Photograph" by Ed Sheeran





"Ally!"



Shiena? Agad ko namang nakilala kung kaninong boses iyon.

Aktong aalis na sana ako sa kinatatayuan ng walang lingon-likod, ng aksidenting may mabunggo ako.


"Great! Just great!" Narinig kong sabi nito. Gulat na napatingin ako sa kanya kasabay ng panlalaki ng mga mata ko.




"Come with me." Batid ang inis sa boses nitong hinila niya ako pabalik sa loob.

Mahigpit at sobrang lambot ng kamay nito.  Shocked pa rin akong napapasunod habang napapatingin sa kamay kong hawak-hawak nito.

Pumasok kami sa loob ng rest room. Hingal kaming dalawa na pilit pinapakalma ang sarili at bumalik sa normal ang paghinga ko.

Muli akong napapatingin sa babaeng nagdala sa'kin. Oh, my god!

'Wow. Dazzling creature!' Agad ko namang napatutop ang mga kamay ko sa bibig.

Tahimik ko lamang itong pinagmasdan na ngayo'y nagpupunas sa nabasang damit nito. At tila di mapakali sa loob.

"Grabeh, ang ganda naman niya!" Wala sa sariling lumabas ang mga salitang yon sa bibig ko.

"What did you say?"
Marahas niya akong sinulyapan.

Hala! Naloko na.

Pinanlamigan ako ng katawan at marahang napailing dito.

Muling nagpalakad-lakad ito at panaka-naka'y tinitingnan niya ako sa mga mata.

Sino kaya siya? Posibleng isa siya sa mga bisita ngayong gabi.

Nakakatakot naman. Parang ang suplada at ang taray-taray niya.



"It's all your fault. Bakit nakaharang ka sa pinto?" May inis sa boses nitong sinabi.


Wala sa oras na napaubo ako at ramdam ang panginginig ng mga tuhod ko dahil sa hatid ng mga salitang nanggagaling sa bibig nito. Lalo na ang boses nitong kasinglamig pa ng yelo.


Runaway with me Gorgeous [Book 1] (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon