Epilogue

10.6K 237 45
                                    

Ally

SUMASAGITSIT ang gulong sa lupa ang nagpakuha ng buong atensyon ko. Kasabay ng panlalaki ko ng mga mata sa pag-aakalang mabubunggo ako nito. 



"Kristinaaaaa!!!"


Mahigpit akong napahawak sa phone nito.


Mariing naipikit ko rin ang mga mata at binabayo ng takot ang puso ko.

"Miss? Okay ka lang?" Anang isang boses lalaki. Napadilat ang mga mata ko saka ko napansin ang pagbaba nito mula sa sinasakyang pick-up. Atubiling dinaluhan naman niya ako. "M-Miss? N-Nabunggo ba kita? S-Sorry, Miss. Di kita napansin agad. Sorry!" Naiiyak nitong paghingi ng patawad sa'kin.

Dahan-dahan naman akong kumilos para tumayo ngunit dulot ng kirot ay napapabalik ako sa pag-upo. Naipit yata ang ugat ko kaya sumasakit ito. 

  
"H-Hindi, Manong. O-Okay lang po ako." Nahihirapang tumayo ako. "Wala po kayong kasalanan!" Sabay taas ko ng kanang kamay at nginitian ito.

Nawewerduhan namang napatingin sa'kin ito nang biglang may marinig kaming ugong ng sasakyan. Nagdulot ng makapal na alikabok ang mga gulong nito.

"Ally-?!?"

Napalaki ang mga mata kong napatuon sa direksyon ng bagong dating. Feeling ko huminto ang pag-inog ng mundo ko nang masilayan kong muli ito. Animo'y naging slow motion sa paningin ko ang lahat lalo na ito.


"What the hell did you do to her?!?" Biglang sigaw nito na nagpabalik ng ulirat ko.

Napaangat ang tingin ko at bumungad sa paningin ko ang magandang mukha nito. Kristina!


Sa gulat ko nang makita ko siya, marahas kong naigalaw ang paa ko sabay impit ko.

"Ally-? Are you hurt? Sa'n ang masakit?" may pag-aalalang dinaluhan naman niya ako.

"Ma'am- pasensya na po. D-Di ko po sinasadya-"

Napailing ako.

Pilit ko namang nilalabanan ang sakit. Nang mapansin niya ang naging reaksyon ko. Animo'y nagliliyab na apoy ang mga matang napagawi ang tingin nito kay Manong.  Kulang nalang ay sunugin niya ito. "What  the hell did you do-"

"Kristina-" maagap ko namang napigilan ang kamay nito na aktong sasampalin sana si Manong. Mahigpit kong hinawakan ito. "W-Wala siyang k-kasalanan."

"No- look what happened to you-" ngunit di pa rin papaawat itong aktong susugurin si Manong. Maagap ko namang siyang nahila at pinigilan ito.

"Kristina! Makinig ka sa'kin, kay? Walang kasalanan si Manong. N-Natapilok ako kanina." Pagpapaliwanag ko sa kanya. "At ikaw, Manong. Umalis na po kayo." Baling ko naman sa driver.

Humingi pa rin ito ng paumanhin bago kami iniwan nito. Nakaramdam ako ng ginhawa.

Nang maramdaman ko ang mga titig sa katabi ko. Dahan-dahang sinalubong ko naman ang mga mata nito kasabay ng paglunok ko.

"K-Kristina..." agad nag-init ang mga mata ko. Marahang hinawakan ko ang mukha nito't hinaplos. "Pakiusap... w-wag kang umalis. P-Pakiusap..." nanginginig ang labing pagmamakaawa ko sa kanya.

Marahang napapailing ito. Katulad ko, nagsisimula na ring magsilabasan ang mga likido sa mga mata nito.

"Ally..."

"Nasinungaling ako!" I grabbed her hand. Mahigpit kong hinawakan ito. Napakunot-noo naman ito, ngunit nananatiling nakatitig sa'kin. "N-Nagsinungaling ako sayo. I'm... I'm sorry, Kristina. Dahil... dahil..." bakit ganoon? Nahihiya akong sabihin sa kanya ang totoo? Bakit sobra-sobra akong kinabahan?

Runaway with me Gorgeous [Book 1] (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon