Litrato

7.2K 174 7
                                    

Ally

Kanina pa ko di mapakali sa inuupuan ko. Ewan ko ba, simula kaninang umaga bigla nalang akong nakaramdam ng kaba at takot. Ang lakas-lakas ng kabog ng puso ko.

Pumasok si Prof. Magbati, as usual inasar na naman niya kami at mistulang bata ang tingin pa rin niya sa'min.

Inayos ko ang pag-upo at napahugot ng malalim na hininga. Mid-term na namin ngayon kaya kailangan kong mag-concentrate.

'Focus, Ally.' Mando ko sa sarili. Mas importante 'to kesa anu o sino pa man. Kunting tiis nalang at ilang buwan nalang.

"Okay, children. Since everybody is present. Let's proceed to our examination. Nakapag-review naman ang lahat?" Pagsasalita ni Prof. Maririnig ang pagtutol at pagbubulong-bulungan sa paligid ko.

Napahigit naman ang hininga ko saka napapatingin sa iisang direksyon.

Nasa'n kaya siya? Wala sa sariling naitanong ko. Magsisimula na ang exams pero wala pa rin si Kristina.

"Sir? Wala pa po si Kristina. Kaya di ho lahat present!" Sigaw ng isa sa mga ka-klase ko. Kilala ko rin ito, sa sandaling panahon na nakakasama namin si Kristina. Isa ito sa mga nagkaka-crush sa babaeng yon.

Tumikhim na muna si Prof. Magbati bago nito hinarap ang buong klase. Wala sa sariling napahigpit ko naman ang mga kamao ko.

Wari ko, mas dumoble yata ang kabang nararamdaman ko. Ewan ko lang, pero feeling ko talaga may mali.

"Ms. Suigero can no longer take her classes here. I heard, ngayong araw ang pag-alis niya." Ika nito. Kanya-kanya namang bulong-bulungan sa paligid ko. Batid ang panghihinayang sa mga ito.

Ngunit, parang nawalan ako ng lakas buhat sa narinig. Agad nahulog ang ballpen ko.

Ang isiping, aalis na si Kristina ay tila nagdudulot ng paninikip sa dibdib ko. Sinalakay ng takot at pangamba na baka... baka di ko na siya makikita pa.

Nanginginig ang mga tuhod at mga kamay na marahang pinupulot ko ang ballpen. Kasabay ng pagbuhos na animo'y ulan sa alaala ko ang mga napag-usapan namin ng araw na yon. Kung paano nagmakaawa ito na pigilan ko ang pag-alis niya, ang pagtatapat niya sa'kin at sa halip ay iniwan at hinayaan ko pa rin ito.

God!

Anong... gagawin ko?

"Psst! Ally? Okay ka lang ba?" Narinig kong pagtanong ni Rina sa'kin.

Marahang napatingin ako sa kanya. Kitang-kita ko naman ang pag-aalala sa mga mata nito.

Umiling ako. Nagsisimula na ring uminit ang gilid ng mga mata ko. "Ally-?!" Huling narinig kong sigaw nito nang bigla akong tumayo at tumakbo palabas ng room.

Kristina. Wag mong gawin sa'kin to! Di ko na rin mapigilan pang mapaiyak habang tinatahak ko ang hagdan pababa.

Wag mong gawin sa'kin to, Kristina! Sa kabila ng pag-iyak ko ay mabilis akong nakalabas ng gate. Aktong haharangin naman ako ng security ngunit mabilis ang mga kilos ko at tumakbo palabas.

"Mang Kulas-!" Tawag ko sa driver ng tricycle na dumaan sa harapan ko.

Agad namang huminto ito. "Oh, Ineng? Sasakay ka?"

Di ko na hinintay pa at agad akong sumakay sa tricycle nito. Napansin ko naman na may ibang pasahero rin ito. "Sa S-Suigero Compound po." Sabi ko nalang.

"Naku, Miss. Ibang way po tayo. Sa may Eastwood ang punta ko-"

"Kahit sa kanto nalang ho." Maagap kong sabi.

Runaway with me Gorgeous [Book 1] (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon