Paglisan

6.4K 168 0
                                    

Kristina

Palabas na kami nang mapansin ko ang pagiging tahimik nito. She didn't even looked at me or say anything mula ng umalis ang kapatid ko.

Sinundan ko nalang si Ally at hinayaan. Akala ko papasok siya sa loob ng kotse ko.

"Hey- Where you going?" I asked her.

"Uuwi na 'ko." Malamig niyang sagot at ni hindi niya ako nilingon.

Mabilis kong nahawakan ang kamay niya at pinigilan ito. "Are you mad at me?"

Narinig ko ang paghugot nito ng malalim na hininga bago niya ako hinarap. Umiling ito. Ngunit di ako naniniwala dahil iba ang mga nakikita ko sa mga mata niya.

"Uuwi na 'ko." Sabay hugot niya sa kamay. Mahigpit ko namang pinigilan ito.

Nagtatakang tiningnan niya ako. Umiling ako. "Tell me. What is it?" Gusto kong malaman kung bakit bigla-bigla ay naging ganito siya ulit. Ibang-iba sa mga nababasa ko sa mga mata niya kanina.

"Yong sinabi ni Seniorita Sheina. Totoo ba?" Napakunot-noo ako sa tanong niya. Wala sa'kin ang mga tingin niya na tila may iniiwasan akong makita. "Aalis ka?"

Hindi agad ako nakapagsalita. Actually, hindi ko rin alam kung papaano sasabihin sa kanya ang pag-alis ko.

"Yes." Sagot ko sa huli.

Isang malalim na buntong-hininga ang muling ginawa nito bago niya ako hinarap.

"I see." May kung ano sa tono nitong nagpakaba sa'kin. Bakit pakiramdam ko ay galit ito?

"Ally-"

"Madilim na. Kailangan ko ng umuwi." Putol niya sabay hila ng kamay nito.

"Ihahatid na kita-"

"Wag na. Kaya ko namang umuwing mag-isa." I groaned. Bakit ba ang hirap-hirap niyang pakiusapan?

Muli kong hinahawakan ang kamay niya at marahang pinisil ito. "Let me take you home." May pagsamong sabi ko. Gusto ko pa siyang makasama ng matagal. Sobrang namimiss ko siya nitong mga huling araw.

"Kristina- tama na. Bitiwan mo na 'ko. Gusto ko ng umuwi." Sa halip ay pagmamatigas pa rin nito. Hindi ko siya sinunod. "Ano ba-!"

"Tell me what's going on, Ally? Ano bang nagawa kong mali para magalit ka ulit sa'kin ng ganito?" Pagmamakaawa ko sa kanya. I want to start a new with her. Gusto kong magsimula ulit kami sa maayos na paraan. Alam kong hindi maganda para sa kanya ang unang pagkikita namin.

Marahas niyang iwinaksi ang kamay sukat para mabitawan ko siya. May panunumbat sa mga matang pinakatitigan niya ako.

"Kristina. Bakit mo ba to ginagawa?" Naguguluhang tanong niya. "Ginagawa mo ba to para makaganti?" Anito.

"What?" Di ko alam kung anong ibig-niyang sabihin.... sa mga tanong niya ngayon.

"Ginagawa mo ba to para saktan ako? Pwes-!"

"W-Wait... Ally. What do you mean by that?" Awat ko sa kanya. She's starting to cry again. At ayokong nakikita siyang umiiyak, it hurts me like hell.

"Sabihin mo na kasi! Sabihin mo sa'kin ang totoo! Kristina- bakit mo ba to ginagawa sa'kin?! Ito ba ang paraan mo para makaganti sa'kin dahil... dahil sa ginawa ko pamilya mo? Sagutin mo 'ko!" Naguguluhan man, nakuha ko pa rin na maging mahinahon at pilit kong iniintindi ito.

I tried to hold her. On the third times, she refused it. Sa halip ay naitaas ko nalang ang mga kamay.

"Alright. I don't know what you're talking about-"

Runaway with me Gorgeous [Book 1] (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon