Ang paghahanda

23.6K 413 24
                                    

(Sa totoo lang... hindi naman tlga ito POV. Nilagyan ko nlng pra d mxadong malibog. Hehehe.)

Must read!
This story is under for revision and not yet finished.

-oOo-

Ally

"Tara! Ba't ba ang bagal-bagal mong maglakad ba, ha? Hanggang ngayon ay hindi kapa rin natututo, Rina. Mula noong mga bata pa tayo ay ganitong lubak na lubak ang kalsada natin at nakuha mo pang maghigh-heels?" Pangangaral ko sa kaibigan ko.




Obvious naman kasing nahihirapan siya sa paglalakad. Napapailing na lamang na sinusulyapan ko ang kasabay.

"Oo na! Alam ko! Ikaw na ang magaling mangaral. Kung makabihis ka nga parang maghi-hiking. Ambot sa imo!" Ika nitong kulang nalang ay sunugin ba naman sa talas ng tingin nito ang suot ko.

Ano daw?




Pakialam mo sa suot ko, napabulong kong sabi.  E, sa mas komportable talaga ako sa ganito. Hindi naman sa kung ano pa man. 

Napaikot ito ng mga mata kaya napabuga uli ako ng hininga at inis na hinarap ito.

"Bakit? Anong masama sa suot ko?"


Napatigil rin ang kaibigan ko at napayakap sa mga braso na sinuring muli ang kabuuan ko.

"Grabeh, ang badoy ng suot mo! Isang party ng mga Suigero ang dadaluhan natin tapos iyan ang suot mo? T-shirt and jeans plus rubber shoes?" Pangungutya nito.

"Thanks!" Sarkastikong inirapan ko naman ito.

"Seryoso, Ally!"

"Pwede ba. I don't care! Problema nyo na 'yon. At saka... ang rason kung bakit ako pupunta sa party ay dahil sa Tita Ami ko." Hinablot ko na rin ang braso nito sabay iginaya sa paglalakad.

Naiiling naman ito.

Haay nako. Di pa rin ba talaga siya nasasanay sa pananamit ko?

"Okay. Let's just say na iyon nga ang dahilan mo. Pero.. Ally, you're a beautiful woman!" Napataas kilay na tiningnan ko ito. What's that supposed to mean?

"Alam ko." Sabay bigay asar at nakakalokong ngiti sa kanya. Inikot naman nito ang mga mata sabay hambas sa braso ko.

"Paminaw ba!" Sigaw na nitong nagpatahimik sa'kin.

Nagkunwaring sinarado ko naman ang bibig ko at nakinig dito.

"Isang party 'yon na ang ibig-sabihin ay may mga bisitang darating. Especially ang apo ni Don Emmanuel." May kinang sa mga matang sinabi nito.

Pinilit kong wag mapataas ang kilay sa sinabi nito.

"So, anong ibig mong sabihin?" Kunwa'y di ako interesado sa sinasabi nito. Kunsabagay, may tama nga siya.




"Sayang kung sa'kin lang namana 'yang kagandahan mo-"

"Sorry for you, dear."



"Ano bah! Nagsasalita pa nga yong tao, eh."


"Okay. Sorry, neh." Kaloka talaga ang isang to. Ano bang ipinagpuputok ng butsi nito at ako na naman ang nakikita niya?

"Alam mo. Kung ganyan lang ang beauty ko. Gagawin ko talaga ang mga bagay na ikasisiya ko. Like dating with handsome and rich man. Pupunta ako kahit saang party! At sisiguraduhin kung ma-e-enjoy ko ang pagiging woman ko!" Puno ng pagpapantasyang bulalas nito.


Runaway with me Gorgeous [Book 1] (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon