Chapter 24

34.7K 667 14
                                    

Chapter 24: The Shopping

Diana POV

Ilang araw na ba ang nakalipas? Madalang na lang kaming nagkakasama ni Trevor dahil sa trabaho niya, lagi siyang wala sa mansion at kapag umuuwi siya'y pagod naman kaya diretso tulog, hindi ko alam pero parang ang layo na niya sa akin. Ewan ko ba kung bakit ito ang nararamdaman ko.

Kahit man na gusto kong magising ng maaga ay mas maaga naman siyang gumigising at umaalis, ang kalabasan, hindi man lang kami nagkakausap kahit sandali, para nga akong hangin sa kanya e.

At naaasar ako doon! Sino nga ba namang hindi maaasar?

Hindi naman talaga ako ang shopping type girl, in fact, I despise shopping and going to malls pero kailangan kong maglibang ng sandali at lumabas sa mansyon, pampatay na rin ng oras. Mabuti nga at walang gagawin si Michelle so I invited her to shop with me.

Nasa malaking entrada ako ng mall at hinihintay si Michelle, it took her almost five minutes before arriving, nakasimangot siyang lumapit sa akin, tinignan ko ang sanhi at nakita si Paris na nakabuntot sa kanyang likod. Napataas naman ang isang kilay ko pero nasama ang isa sa kabila, something must be going on between them.

Ngumiti si Mich -mas mainam nang iyan ang itawag ko kay Michelle, short cut- noong nahagilap niya ako, "naghintay ka ba?"

Umiling ako, "hindi naman, teka, bakit kasama mo si Paris?"

Humalakhak si Paris, "don't ask."

"Tch, pwede ba beki huwag mo akong sundan? This is a girl thing, babae ka ba? Tanggap kong pusong babae ka pero-"

Tinakpan ni Paris ang bunganga ni Mich, maraming mga dumaan ang tumingin sa kanya at nagbulungan kesyo sayang daw ang gwapo pa naman sana at bakit ba paubos na raw ang mga tunay na lalakeng gwapo.

"Will you keep your mouth closed, tommy?"

Mich scowled sabay marahas na tinabig ang kamay ni Paris, humugot siya ng malalim na hininga at hinila ang kamay ko't kinaladkad ako papasok ng mall without saying a word to Paris.

Nilingon ko si Paris who just rolled his eyes, when he caught me looking back at him he smiled and followed while his hands are on his pocket.

"So, where's my cousin?" Takang tanong ni Mich.

I sighed, "busy with work, we seldomly meet, sa mansion lang."

Simula noong gabing iyon ay bigla na lang nagbago ang lahat. I mean... he kissed me while I was sleeping-I was unconscious, I am supposed to be the one avoiding him, right? He should say sorry for doing perverted things to me while I was sleeping, right?!

"Asa naman, haha!" Aniya, Paris looked at me with serious face as if interested to know the details, bumaling ang tingin namin ni Paris kay Mich nang may idagdag siya, "seryoso to ha, pero si Trevor magiging busy sa trabaho? Lol! Patawa siya. Baka naman iniiwasan ka niya?"

Tumigil ako sa paglalakad, lumingon sina Paris at Mich sa akin, "something wrong?" Paris asked, concerned.

Ngumiti lang ako at umiling, sumabay muli ako sa kanila't sumakay kami ng escalator papunta sa itaas na palapag, we both landed on a boutique, it feels great to be with a girl who almost have the same fashion sense-the boyish one. Si Michelle 'yan! Kaya pala unang kita ko pa lang sa kanya magaan na agad ang loob ko sa kanya.

"Ma'am, ayaw niyo po ba ang mga dress?" Ani saleslady na naka-assist sa akin, si Mich ay nasa gilid at abalang tumitingin ng flannel shirt habang si Paris naman ay nakaupo lang at may kausap na kostumer na hindi maikakaila ang kilig.

Escape my EnclosureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon