Chapter 37

30.1K 632 30
                                    

Chapter 37: The Horseback

Trevor POV

"Mamayang gabi na ang alis natin." Sabi ko kay Diana habang kumakain kami ng almusal. Halata namang nalungkutan sina Lolo Tiburcio at Lola Thalia dahil ngayon na lang ako bibisita tapos ang aga pang uuwi.

Tumango naman si Diana sabay lunok sa kinakain, "sige."

Matapos kumain ay naligo muna ako, sumunod naman sa akin si Diana, hinintay ko siyang matapos at dahil sa bagot ay nakaidlip ako sa kama, nagising na lang ako dahil sa pagbukas ng pinto ng banyo at tumambad si Diana na may basang buhok, nakasuot siya ng mahabang shirt at shorts.

"Tara na." Sabi ni Diana kaya naman napataas ang isang kilay ko.

"To where?"

Ngumisi siya, "syempre magho-horseback riding tayo!" Masiglang sagot niya sa akin.

I smirked. "Not a chance."

Sumimangot si Diana at lumabi, damn that lips! I suddenly wanted to kiss her on the spot, those reddish lips of her keeps on seducing me... damn!

"Ayos lang, ayos lang na mag-isa akong magho-horseback." Biglang saad ni Diana sabay lakad palabas ng kwarto, humarang ako sa pintuan at saka nagbuntong ng hininga.

"Fine."

Kapag may mangyari pa sa kanya dahil sa kapabayaan ko ay hindi ko mapapatawad ang sarili ko, damn this woman is stubborn kaya wala akong magawa kundi ang pumayag na lang sa kanyang gusto. Saka isa pa, mamayang gabi na kami aalis. Siguro sulitin na lang ang natitirang oras dito sa Algaya.

Noong nasa ranch na kami'y pumunta kami sa stable ng mga kabayo, "I want this one!" Sabi ni Diana sabay turo sa isang malaking kabayo na kulay brown, "hi Choco!"

"Choco?" I frowned.

"Iyan na ang pangalan ng kabayo." Ngumiti si Diana, hinaplos niya ang pisngi ng kabayo na mukhang nagugustuhan ang ginagawa ni Diana.

"Pahaplos din ng pisngi." I smirked.

Tinignan niya ako, "mukha ka mang kabayo, hindi ko pa rin hahaplusin iyang pisngi mo." Parang nandidiri na saad niya.

I scowled. Now look at her, ako na nga ang naglakas loob na pumayag sa lahat ng gusto niya tapos ganyan ang pagtrato niya sa akin? Hustisya!

Pumasok ako sa loob ng stable at hinanda ang saddle habang si Diana naman ay abala sa pagpapakain sa kabayo, noong nasuot na ang saddle sa kabayo'y kinuha ko ang tali nito, "sakay na." Sabi ko kay Diana.

Mabilis sa alas kwatro siyang tumango sabay lagay sa footrest ang paa upang magkaroon ng elevation, giniya ko siya para makasakay sa kabayo saka ako sumunod na sumakay.

Noong parehas na kaming nakasakay sa kabayo'y hindi ko maiwasang ma-distract, nasa likod ako ni Diana para masiguradong hindi siya mahulog, dahil malapit kami sa isa't isa'y amoy na amoy ko ang shampoo gel na ginamit niya sa kanyang buhok.

Lumunok ako, "hold the rope." I whispered to her ears, mabilis naman siyang sumunod, parehas kaming nakahawak sa tali ng kabayo, unti unti kong pinaglakad ang kabayo palabas sa stable hanggang sa nasa mala-soccer field na kami.

***

Diana POV

Hindi ako makapag-concentrate sa pagpapatakbo sa kabayo, hindi rin pumapasok sa utak ko ang mga sinasabi't tinuturo ni Trevor sa akin, paano ba naman? Sa bawat paglakad ng kabayo'y nararamdaman ko ang pagkalalake ni Trevor na tumutusok sa likod ko.

Namumula na ata ang tenga ko at nag-iinit ang mukha ko! Gusto ko nang bumaba sa kabayo but it seems like Trevor is enjoying the ride kaya naman hinayaan ko lang na igala namin ang kabayo, lakad lang ang bilis ng kabayo hindi parang kaninang si Trevor lang ang nakasakay na mabilis.

I'm trapped with Trevor's broad arms on both sides of me, maybe to ensure na hindi ako mahuhulog sa kabayo. Somehow, I can smell the protective aura of Trevor kaya mas lalong bibilis ang pintig ng puso ko.

"Gala tayo sa Algaya." Sabi ni Trevor at pinabilis kunti ang takbo ni Choco. Hindi na namin nadaanan ang bahay kubo na tirahan ng mga nasa haciensa dahil maloob ang parteng iyon at palabas ng hacienda ang punta namin, tanging malalawak na bukirin ang nadadaanan namin.

Pinagbuksan kami ng isang tauhan ng gate noong nakita kami, noong nasa labas na kami ng Silician Real Estate ay biglang nagsalita si Trevor, "hold on tight."

Bigla niyang pinabilis ang takbo ng kabayo kaya naman napaurong ang katawan ko, tumama ito sa matigas na katawan ni Trevor, namula ako dahil naramdaman ko pa ang washboard abs niya. Suminghap ako at mabilis na hinawakan ng mahigpit ang tali.

"Hiya!" Trevor roared and Choco became faster. Napapikit ako ng mata ngunit unti unti itong bumukas at bigla akong nag-enjoy, nagulat ako nang patigilin ni Trevor si Choco at bigla niyang hinawi ang mga buhok ko sabay tali nito gamit ang panyo niya. "Much better."

Muli niyang pinatakbo si Choco, dumaan kami sa maraming mga villages, may mga napapatingin sa amin ni Trevor, dinama ko ang paghampas ng sariwang simoy ng hangin sa aking pisngi, I've never been this amazed before!

Tumigil kami sa isang riverside, bumaba muna ako saka pinainom ni Trevor si Choco sa batis, muli kaming sumakay, hindi maikakaila ang lawak ng Algaya, nadaanan na rin namin ni Trevor ang Algaya Academia, ang simbahan nito, at park.

Matapos ang ilang sandali'y tumigil na naman kami ni Trevor saka siya bumaba-para kaming nasa labas ng gubat, may gubat pala ang Algaya? Giniya na naman niya ako pababa, tinali niya ang tali ni Choco sa tabing puno saka siya tumingin sa akin, "saan tayo pupunta?" Takang tanong ko.

Ngumisi si Trevor, "to a place you've never been before."

This feels like deja vu, the nostalgic feeling hitting my nerves is pushing my adrenaline and excitement, iyon bang noon na dinala niya ako sa hanging bridge, hindi kaya'y may hanging bridge rin dito?

Parehas kaming naglakad ni Trevor papasok sa gubat, hinawakan niya ang kamay ko, hinayaan ko lang siya. Mapuno ang paligid at may mga usa pa akong nakita, "saan ba tayo pupunta?" Tanong ko, ang dating lupain ay nagiging mabato na, marami nang malalaking bato sa paligid kasabay ng pagrinig ko ng ingay ng tubig.

"Malapit na tayo roon." Sagot ni Trevor sa akin, mas humigpit ang hawak niya sa kamay ko, noong wala nang matataas na puno'y bumungad sa akin ang isang mataas na waterfalls, iyon ba ang nagmumulan ng ingay ng tubig?

Kumikinang ang mga nahuhulog na tubig siguro dahil sa ilaw mula sa araw, malinis ang tubig at malinaw, suminghap ako, damn! This place is so magical!

"Paano mo nadiskobre ang lugar na ito?" Tanong ko kay Trevor habang nakangiti.

He smirked, "I just have the habit of exploring and discovered this place."

Gusto ko pa naman sanang maligo ngunit wala akong dalang damit, kaya ang ginawa ko? Tinampisaw ko lang ang paa ko sa may mababaw na parte ng tubig, si Trevor naman ay nasa tabi ko lang din.

"Let's take a picture." Sabi ni Trevor sabay labas ng phone niya, lumapit siya sa akin sabay akbay, hinarap namin ang likod namin sa waterfalls mismo saka ngumiti sa camerang nakatutok sa amin. Tulad ng ginawa niya noon sa heritage, noong kinuhan na niya kami ng picture ay mabilis niya akong hinalikan sa pisngi.

Namula agad ang pisngi ko. Para akong kamatis...

Tinignan namin ni Trevor ang picture namin.

I was smiling brightly as Trevor's lips was pressed against my cheek. Clearly, we look like a perfect couple with a good relationship goal...

"Jerk." I whispered, trying to find a way to stop my blushing.

***

Escape my EnclosureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon