Chapter 34

32K 680 43
                                    

Chapter 34: The Hacienda

Trevor POV

Walang pinagbago ang bahay ni Lolo, maraming mga antique na nakahilera sa pasilyo, kahit na may kalumaan ang bahay ay nagmukha pa rin itong modernize, isang simbolo na laging nire-renovate ito. Kahit na halos yari sa kahoy ang bahay ay matibay naman ito.

Minsan lang akong bumisita dito ngunit pinagawan nila ako ng kwarto, malaki naman ang bahay at maraming bedrooms, dito rin kasi bumabakasyon minsan sina Liham at Lessana, mga pinsan ko. Magkapatid ang Mama ko at Papa nila, bale may dalawang anak kasi sina Lolo at Lola.

Agad kong nakita ang mga maleta namin ni Diana na nakatambak sa harapan ng pinto ng kwarto ko, nakabukas na ang pintuan kaya naman pumasok na kami habang karga sa magkabilang kamay ko ang mga maleta.

Hindi ko na inabala kagabi ang driver ko't ako na lang ang nagmaneho papuntang Algaya ng halos walong oras at wala pa akong tulog o pahinga, tumutol si Diana doon ngunit wala siyang nagawa kasi ako naman ang boss.

Humikab ako habang si Diana ay naglibot sa kwarto, may malaking picture frame na nakasabit sa pader sa itaas ng headboard ng kama, it's a picture of a baby smiling-me. Malaki ang mata ko sa litrato at kitang kita ang pagkaberde ng mata ko.

Nilibot ng tingin ko ang kwarto-ganitong ganito ang itsura ng kwarto ko noong huling umalis ako, mukhang ni-retain nina Lolo at Lola ang hitsura ng silid at hindi nangielam. Kailan ba ako huling bumisita? Halos mahigit sampung buwan na ata o baka naman isang taon? Ewan. Basta noong huling bumisita ako ay nagkataong bumisita rin ang dalawang pinsan ko na sina Liham at Lessana.

Humiga na ako sa kama at saka ko pinikit ang aking mga mata, mabibigat na ang mga eyelids ko, kahit na pagod ay nagawa ko pa ring hubarin ang damit ko, I unbuttoned my pants and zipped it down, mas komportable akong matulog kapag naka boxer lang.

"Tch. Stripper." Diana growled.

Ngumisi ako, "feel free to stare at my body then, for free." I teased, I heard her hiss and I find it amusing, sasagot pa sana ako ngunit biglang nag-ring ang telepono ko, aysh! Isturbo! Agad kong kinuha ang pantalon kong nagkalat sa sahig ng kwarto at hinanap ang phone.

"Stupid. It's my phone." Diana chuckled kaya naman napatingin ako sa kanya, tinuro niya ang cellphone niya saka niya sinagot ang tawag.

"Hello?" Kumunot ang noo ko, who the hell is calling her? Now not to mention it-hindi ko pa pala alam ang contact number ni Diana. Aysh! Why didn't I thought of exchanging digits with her? Tahimik ko siyang pinagmasdan kahit na antok na antok na ako, "ah! Andito siya." Tumingin si Diana sa akin, "si Michelle." Sabay lahad ng phone niya sa akin.

Kinuha ko naman agad ito, "bakit?" Tanong ko kay Mich sa kabilang linya.

"Wala akong alam sa gagawin ko! Hindi ako archi!" Pagpanik niya. "Aysh, tumahimik ka nga beki! Masasapak na kita, layas ka nga hindi kita kailangan dito! Sagabal!"

"Shut up tomboy! Pasalamat ka pa nga dapat dahil andito ako!"

Kumunot ang noo ko, don't tell me magkasama na naman sila ni Paris? Hanggang sa construction site pa ba naman? Wala silang patawad. Tch.

"Mich." pagkuha ko ng atensyon niya, aysh! Pagod na talaga ako. "Look at the file I emailed you, andoon na lahat ng instructions sa gagawin mo at madali lang, magbabantay ka lang at check up sa construction tapos ibigay mo lahat ng disenyo ko kay Dad para mamili siya, check your mails. Ok? Bye." I ended the call and slumped my back on the bed.

"Akin na." Sabi ni Diana sabay turo sa phone niya, ngumisi ako saka umiling.

"I'll just save my number." Sabi ko sa kanya sabay lagay ng contact number ko bago pa man siya tumutol, mabuti at hindi niya inagaw ang phone kasi pagod na ako para makipag agawan pa...

Escape my EnclosureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon