Chapter 38

29.8K 606 23
                                    

Chapter 38: The Return

Diana POV

Noong umuwi kami ni Trevor pabalik sa kanyang lungga ay pinabaunan kami nina Lolo Tiburcio at Lola Thalia ng mga prutas mula sa plantasyon ng hacienda, maraming ubas, hinog na mangga, at saging ang pinamigay nila sa amin. Sa liit ng panahong pagsasama ay napalapit na ang loob ko sa kanila, mukhang mahihirapan akong mag-adjust lalo na't ibang iba ang environment dito sa probinsya sa Manila.

Tanghalian na noon sa mansion, kaming dalawa lang ni Trevor sa silid na abala sa pagkain nang biglang nagkaroon ng kaluskos mula sa labas, palakas ng palakas ito hangga't sa naging malinaw ang ingay-tunog ito ng maraming apak sa sahig hangga't sa tumigil ito sa harap ng pintuan, bumungad ang dalawang tao na mukhang nag-aaway.

"Ano ba, beki! Stop following me!"

"Ikaw kaya dyan tomboy! Hindi kita sinusundan."

Hindi na kailangan pang tanungin kung sino ba sila, it's clear na sina Mich at Paris ang dalawa, kumunot ang noo ko. Ano ang ginagawa nila dito?

Tumingin si Mich sa amin ni Trevor na nakaupo sa silya, "sorry to interrupt." She smiled, "pinapasok na lang kami ng guard noong namukhaan kami. I meant to visit alone pero 'yong aso sinundan ako."

"Asa." Paris rolled his eyes.

Trevor sighed as he glare at Mich, "so? Bakit kayo andito?"

Umirap muna si Mich kay Paris bago ngumiti kay Trevor, "I'm just curious." Naglakad siya palapit at walang sabing kumuha ng prutas na naka-display sa gitna ng table, I was about to protest na fake fruit iyon at ang real fruit ay nasa ref nang magsalita ulit siya, "saan kayo nanggaling these past few days? Naku ikaw pinsan ha, nagbibigay ka ng trabaho tapos hindi sasabihin kung saan ang punta. Umamin nga kayo... nag-honeymoon kayo, 'no?"

Halos maluwa ko ang iniinom kong juice, para akong nalunod sa iniinom ko at parang may pumasok mula sa loob ng ilong ko, napaluha naman ako at ubo ng malakas, si Trevor naman ay ngumisi.

"Asa. Bumisita kami sa Algaya." Sagot ko sa kanya.

Nanlaki ang mata ni Mich na parang nagulat, si Paris naman ay napataas ang isang kilay habang nakapamulsang prenteng nakasandal sa pinto ng dining room, "talaga?!" Masayang wika niya, I was about to stop Mich from taking a bite to the fake fruit ngunit huli na ang lahat-Paris watched in amusement as if saying mentally 'hindi man lang napansin na fake yong prutas'.

Nalaglag ang panga ko habang pinapanood si Mich na nginunguya ang pekeng prutas, in a few seconds, bigla niyang niluwa ang nanguyang dekorasyon sa mesa, "yuck! Bakit ganito ang lasa ng mansanas?!"

Paris grinned. "Hindi ka lang pala tomboy, tanga pa. Hahahaha!"

Nilingon ni Mich si Paris at galit na binato ito ng kinagatang mansanas na hindi naman talaga totoong prutas, nasapol sa noo si Paris, galit niyang tinignan si Mich, akmang gaganti siya kay Mich nang sumuway si Trevor, "kung andito lang kayo para mag-away, get out."

"Ok!" Mabilis na lumabas sina Mich at Paris sa dining room at tumayo sa entrada nito, ngumisi ako nang nakitang nagtagis ang panga ni Trevor na parang nagpipigil sa asar, sino nga bang hindi maaasar kapag kumakain ka ng payapa tapos may biglang mag-iisturbo? Nakakawalang gana kaya, pero syempre iba sina Mich at Paris, nakakatuwa sila e.

Nagbuntong hininga ako, "nag-hapunan na ba kayo?" Tanong ko sa dalawa. Sabay silang umiling, "marami pa naman kaming ulam, kain na kayo." Pag-aya ko sa kanila.

"Sakto! Gutom na ako!" Pagtanggap ni Paris sa alok ko at mabilis na pumasok, si Mich naman ay sumunod lang at halatang naasar sa presensiya ng bestfriend ko.

Habang kumakain kaming apat ay biglang nagsalita si Mich, "alam ba nina Tito at Tita na pumunta kayo sa Algaya?" Tanong niya kay Trevor na nagkibit balikat lang sabay subo ng pagkain. Jerk. Hindi man lang sumagot ng maayos.

"Hindi. Tayo lang nina Trevor ang nakakaalam, saka wala namang mage-gain kapag malaman nilang binisita namin ang grandparents niya." Sagot ko para sa kanya. The same applies to my family.

Tumango lang si Michelle, "ay pinsan! Next week na pala matatapos ang renovation sa resort, sakto para sa kasal niyo!"

"Basta ako ang bestman." Singit ni Paris sabay ngisi.

"Baka maid of honor." Pambabara ni Mich.

"You're just jealous kasi gusto mo ring mag-bestman, right tommy?" Paris smirked.

Namula ang tenga ni Mich, "that's it! Isang tawag mo pa sa akin nyan itutusok ko na ang tinidor sa mata mo!"

"Shut up! Kumakain tayo." Asar na sabi ni Trevor, kulang na lang hampasin ang mesa. Well, that made the two shut up so I guess Trevor's shouting paid off and worked.

Matapos kumain ay umalis na sina Paris at Mich, gusto pa sana nilang mag-stay pero pinagtabuyan ni Trevor ang dalawa, saying the two are only nuisance na parang aso't pusa na hindi marunong mag-offer ng peace treaty at mukhang destined to hate each other kuno ang buhay nila, well, I agree-slight lang.

Nasa kwarto kami habang ako'y nagdo-drawing nang may tumawag kay Trevor kaya naman lumabas siya papuntang veranda, tama, nakakapag-drawing na ako nang may kasama, ewan ko ba, komportable naman na ako na may nanonood sa akin unlike noon.

Siguro naibsan na ang nakasanayan ko kaya naman ayos na lang akong nagguguhit nang merong tao sa paligid, ang ini-sketch ko lang naman ay ang waterfalls sa Algaya, since tapos naman na ako sa pagguhit sa heritage, kalesa, kabayo, at sa mga lugar sa hacienda.

Ewan ko ba. Parang bigla na lang akong namulat at napaisip na parang hindi na lang basta bastang architect ang gusto kong maging kahit na certified business women na ako, parang mas nagkaroon ako ng interes sa nature together with buildings. I wanted to be a landscape architect.

Pumasok na si Trevor at saka niya binato ang cellphone niya sa kama, humiga na rin siya at nag-unat, pinagpatuloy ko lang ang pag-sketch kahit na pinapanood niya ang ginagawa ko since nasa kama rin ako habang nagguguhit.

"Something's missing." Biglang sabi ni Trevor kaya naman napatingin ako sa kanya habang nagtataka.

"Ano?"

He grinned sabay hablot sa sketch pencil ko, walang sabi niyang inagaw ang sketch pad ko saka rin siya umayos ng upo, "you and me." He grinned. "We're missing." Sabi niya sabay drawing ng dalawang stickman sa nakapa-realistic kong waterfalls sketch ng Algaya.

My jaw dropped. "Architect ka ba talaga?! Marunong ka bang magguhit?!"

He smirked. "Hindi ako marunong, magaling ako." Proud na sagot niya sa akin, nilapag niya sa kama ang sketch pad at humiga na naman, siningkitan ko ng mata si Trevor. "Ah! Tumawag nga pala si Dad."

"Bakit daw?"

Tumingin siya sa akin ng seryoso, "bukas."

"Bukas?"

"We'll be planning for our wedding."

***

Escape my EnclosureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon