Chapter 32

34.7K 641 32
                                    

Chapter 32: The Call

Diana POV

Nagising ako dahil sa gutom, I looked at the side of the bed only to see it empty and cold. Bumalikwas ako't bumangon, hinanap ng mata ko si Trevor sa kwarto ngunit wala siya. Ilang araw na nga ba ang lumipas matapos ang engagement party? Ah! Halos dalawang linggo na pala. That means almost one month na kaming magkasama ni Trevor dito, so isang buwan pa bago ang kasal, isang buwan pa para magdesisyon ako kung tatakas ba ako o hindi.

Lumabas na lang ako at binaling ang iniisip saka bumalik sa paghahanap kay Trevor gamit ang mata, siguro nandyan lang siya o maaga siyang umalis. May mga kasambahay na tumigil sa paglilinis sa pasilyo para batihin ako. Noong nasa baba na ako'y agad kong naamoy ang nakakagutom na aroma ng pagkain.

Agad akong pumunta sa kusina habang sinusundan ang amoy at nakita si Trevor na naka-apron lang at boxer, nakatalikod siya sa akin at mukhang abala sa pagluluto ng naamoy ko. Tahimik ko lang siyang pinanood, so he knows how to cook? Edi siya na!

"Good morning." He greeted, nanlaki ang mga mata ko. Kanina pa ba niyang napansin na meron ako? E nakatalikod siya sa akin? Paano niya ako nakita?

"Good morning." Sagot ko, mukhang tapos na siyang magluto dahil nilagay na niya ang niluto niyang omelette sa isang pinggan na may ham, tinanggal niya ang suot niyang apron at binato ito sa may sabitan saka siya tumungo sa dining room, sumunod naman ako sa kanyang likod.

"Aga mong nagising ah." He said.

Tumango lang ako at halos maglaway na ako dahil sa pagkain, damn! Kanina pa akong gutom!

"Let's eat." He said sabay lagay ng kanin sa pinggan ko, hinayaan ko na lang siya, kakamayin ko sana ang ham ngunit sinampal nito ng mahina ni Trevor, sinamaan ko siya ng tingin, I hissed. I'm hungry! "Table manners. Kuha ka ng serving spoon."

I rolled my eyes and did as what he told, gutom ako at wala akong energy para sumagot pa. Better save it para hindi mas lalong tumagal ang usapan.

The food made my mouth water, ok. This guy is a good cooker, daig pa ata niya ang professional chef dahil sa sarap ng pagkain. Matapos kumain ay niligpit ko na ang mga pinagkainan saka ito nilagay sa lababo, sabay kaming naglakad ni Trevor papuntang kwarto, "bakit ikaw ang nagluto?" Tanong ko sa kanya, "may chef ka naman, ha?"

He shrugged. "Ako naman ang laging nagluluto ng almusal." He chuckled, kaya pala kakaiba ang lasa lagi ng almusal sa susunod na meals, iba kasi ang nagluluto... pero... ayaw kong tanggapin! Hindi maaari! Ako na babae hindi marunong magluto pero siyang lalake marunong? Homaygas!

Siningkitan ko siya ng mata, "impossible."

"Tulog mantika ka kasi at lagi kang late kung magising kaya hindi mo nakikita na ako ang nagluluto." Trevor announced, well, ok, tama nga naman siya. Nakakagulat lang na siya pala ang nagluluto ng breakfast all this time?

"Paturo naman minsan kung paano magluto." I asked. Hindi ko hahayaan na lalamangan niya ako! Kung marunong siya magluto pwes gagalingan ko! Competitive na ba ako masyado? Basta! Hindi pwedeng lamang siya sa akin!

Narinig ko ang mahinang tawa ni Trevor bago siya tumingin sa akin, "huwag na, remind me to keep you away from the kitchen."

Sinamaan ko siya ng tingin saka padabog na binuksan ang pinto sa harapan namin at pumasok na, bago pa man siga makapasok ay sinara ko agad ang pinto.

"Tch, ano ba naman 'yan!" Trevor's jaw clenched as he open the door of our bedroom. "Diana. That's rude."

"Jerk!" Sigaw ko.

Ngumisi lang siya sa akin, "ok, ok, fine, tuturuan kita magluto next time kapag may oras." He sighed in defeat saka siya tumungo sa walk-in closet, nagulat ako nang maglabas siya ng dalawang maleta, the one on his other hand is mine, kumunot ang noo ko.

"Aanhin mo iyan?" I asked as I point out the baggages.

He grinned from ear to ear, is he planning something? "I've got a call from my grandpa, we're going to Algaya."

Tumaas ang isang kilay ko, "Algaya?"

"It's a small town sa probinsya. Apparently, my grandparents seem to want to meet you."

Napatango na lang ako.

***

Trevor POV

Diana and I packed our things, mamayang gabi pa ang punta namin sa Algaya, mabuti naman at wala akong schedule sa mga susunod na araw na maaapektuhan, I'll just insist Michelle to do the visiting sa project na hawak ko-the resort's renovation.

Nagulat na lang ako kaninang madaling araw nang may na-receive ako na tawag mula sa Lolo ko, at ang bungad?

"Ikaw ha! Ikaw apo, hindi ka nagsasabi sa amin dito na ikakasal ka na pala sa susunod na buwan! Ikaw talaga malihim na, bisita ka dito bukas kasama ang magiging asawa mo ha?" Bungad ni Lolo sa kabilang linya.

Kanino naman niya nalaman na ikakasal na ako? Well, hindi imposible na malaman niya ang balita dahil nag engagement party na kami ni Diana kaya malamang alam na ni Lolo at Lola, mukhang late lang silang naka-receive ng news.

"Bukas?" Sagot ko. Ganoon na ba silang kasabik na makita si Diana?

"Oh bakit, angal ka apo?"

Napangisi na lang ako. "Sige Lo, bukas na bukas."

Binaba na niya ang tawag saka ko napagdesisyunang magluto na.

Actually, matagal na akong gustong makasal ni Lolo ngunit wala sa isip ko noon ang mga bagay na iyon, saka lang tumatak ang salitang marriage sa akin noon dahil sa sinabi ni Dad sa akin noon na hindi ko makukuha ang mana ko hangga't hindi ako ikakasal-seems like he's afraid that I'll continue my bachelor life and womanizing at baka makabuntis ako't maging bastardo ang anak ko kaya niya ginawa iyon, para na rin siguro ma-ensure na patuloy lang ang pagdaloy ng dugo ng Montejarre, kaming dalawa lang ang nakakaalam ng usapan na ito, even my Mom doesn't know.

Halos isang taon na matapos ang usapan namin ni Dad...

Then I met Diana at a party and decided-she'll be mine. She'll be mine to use for that reason. I'll marry her and she'll bear my kids. It's not love at first sight like the way Mom called it, I just liked the way she carried herself, it's a new feeling to me and I wanted to know more about this new thing, eventually, I became more fund of her that I wanted her mine only.

Almost one year since that talk and I searched for the right woman, walang pumasa sa standards ko-they're only good in bed. And Diana? She's an exception.

Siguro iyon nga ang rason kung bakit gusto kong pakasalan si Diana noon, she passed my standards for the girl I'll be marrying to ensure my inheritance will be mine on the spot-she's gorgeous, simple but not plain and boring, may paninindigan-iyon nga lang mukhang ayaw na ayaw niya sa akin.

Pero ngayon? Parang hindi na lang iyon ang rason kung bakit gusto ko siyang pakasalan. Napamahal na rin ako kay Diana kahit na may attitude problem siya.

And that reason? I want to find out what it is.

***

Escape my EnclosureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon