Chapter 36

30.7K 599 38
                                    

Chapter 36: The Realization

Diana POV

Tulad ng inaasahan, nagpasalu-salo ang Lolo ni Trevor kinagabihan, maraming mga taong dumalo, kakaiba ang party na ito sa lahat ng mga napuntahan ko, hindi nagpapagarbuhan ng damit ang mga tao, simple lang ang kasuotan nila't nakapambahay pa sila. Ganito ba ang salu salo sa probinsya?

Tanging mga nagtatrabaho sa hacienda lang at mga piling tao sa Algaya ang mga bisita pero hindi maikakaila ang dami nila, parang pinagtitipon ang lahat ng mga taong tinulungan ng mga Silician, may mga bumabati sa akin, may mga namukhaan pa ako na nakausap ko kahapon noong gumala ako ng walang paalam kay Trevor na rason ng pagkagalit niya na agad namang nawala.

"Hija, kain ka na." Sabi ni Lola Thalia, I guess sa kanya na-base ang pangalan ni Tita Thania, ngumiti ako at saka siya tinanguan, nagkakatuwaan ang mga tao't inuman sa paligid, may kumakanta rin sa karaoke, maingay ang paligid ngunit hindi maikakaila ang saya sa mga tao.

Si Lolo Tiburcio naman ay abala sa pakikipag-usap sa mga bisita sa labas ng hacienda, may nakita pa akong magkambal na matatanda kasama ang isang matandang babae, kakaiba ang aura ng tatlong kasama ni Lolo Tiburcio.

Lumapit sila sa amin sa table, ngumiti si Lola Thalia sa mga kasama ni Lolo Tiburcio, ako naman ay tahimik lang sa gilid kasama si Trevor.

"Mga ninong! Ninang!" Bati ni Trevor sa tatlong matatanda.

"Oh, Trevor, makisig ka nang lalake." Tumawa ng marahan ang isang matandang lalake, parang nasa harapan ko ang dalawang carbon copies, may kambal na matanda! OMG! I'm amazed!

"O'sya, pakilala mo naman kami sa magandang asawa mo." Tumawa ng marahan ang babaeng matanda. Gusto kong masuka, ako? Asawa ni Trevor? Correction, bride! Pero bakit parang natuwa ako? Nakakadiri!

Tumayo si Trevor at naglakad sa likod ko, "Lolo Bon, Lolo Ben, Lola Marina," pagtawag niya sa tatlo sabay patong ng kamay sa magkabilang balikat ko, "meet my future wife, Diana El Derostova."

Kuminang ang mata ng mga ninong at ninang ni Trevor, masaya nilang kinuha ang kamay ko at nagmano naman ako sa kanila, "hello po. Magandang gabi." Medyo nahihiyang saad ko, nakiupo na rin sila kasama namin sa pahabang table.

Nagsimula na kaming kumain habang masayang nag-uusap, napag-alaman ko na may-ari sila ng resort malapit lang sa hacienda, nagkwentuhan kami't nawalan ng track of time, before I knew it, kailangan nang tapusin ang party lalo't late na rin.

Isang oras ang makalipas at naging tahimik na ang paligid, nakakapanibago dahil nagmistulang madilim na paligid ang dating buhay na buhay na venue ng party sa labas mismo ng mansion, pumasok na ako mula sa veranda at nakita ko si Trevor na ino-off ang aircon na iniwan naming nakabukas kanina.

Hinubad na niya ang kanyang damit, tanging ang boxer na lang ang natitirang saplot sa kanyang katawan, pinatay niya ang lamp sa tabing study table ng kama saka siya humiga ng pabaliktad, iyon bang ang tyan niya'y nakadapa sa kama, "pakamot ng likod..." he said in a low husky voice.

Tumango ako at halatang nagulat siya, ako rin naman ay nagulat. Usually kasi marami muna akong sasatsatin bago papayag, nag-indian seat ako sa tabi niya at saka tinitigan ang likod ni Trevor, kahit na madilim ay hindi maikakaila ang broad shoulders niya, I can also trace his spinal chord down to those fluffy cheeks hiding behind his boxer.

Humugot ako ng malalim na hininga, I let my fingers scratch his bare stiff back, umungol naman si Trevor kasabay ng paglipa ng puso ko. What the hell! Nagulat pa ako.

Tinigil ko ang pagkamot sa likod niya, pinasadahan ko ng tingin ang buong katawan ni Trevor na nakahiga ng pabaliktad pataas sa kanyang ulo, medyo nakabuka ang kanyang mapupulang labi, hindi maikakaila ang mahahaba niyang pilik-mata, hindi ko alam pero nang dumapo ang kamay ko sa labi ko'y napagtanto kong nakangiti ako.

Napasapo ako ng noo, a sudden realization hit me-those butterflies in my stomach, the daily skipping of my heartbeat, the way I feel whenever Trevor is around, how I loved his green eyes and those lips that kissed me and made me want more-am I actually falling for him?

***

Kinaumagahan, late akong nagising. Si Trevor naman ay wala na sa tabi ko noong gumising ako, bumaba ako at nadatnan ko si Lola Thalia sa dining room na nagbabasa ng tabloid habang may mainit na kapeng nasa lamesa.

"Oh, hija, kain ka na." Aniya.

Ngumiti ako, "si Trevor po?"

"Naku, umalis sila ni Tiburcio kaninang madaling araw, pumunta sila sa ranch para manood si Tiburcio sa pag-horseback riding ni Trevor, alam mo na, mahilig sumakay sa kabayo si Trevor."

Namula ako dahil sa sambit ni Lola, damn! Stop thinking of dirty things, Diana! Literal na kabayo ang ibig sabihin ni Lola Thalia!

"Pwede po bang pumunta ako sa ranch?"

"Oo naman, teka, ipapatawag ko si Caloy para igiya ka niya papunta roon."

Ngumiti ako, "huwag na ho."

"Sigurado ka ba, hija?" Paninigurado ni Lola Thalia, tumango ako at mabilis na lumabas bago pa man siya mag-alok ng almusal, hindi pa naman ako gutom saka gusto kong makakita ng kabayo! Hindi man lang sinabi kahapon ni Trevor sa akin noong sumakay kami sa kalesa na may mga kabayo sila at ranch sa hacienda.

Nagtanong ako sa nakasalubong ko na magsasaka kung saan ang ranch, binigyan naman niya ako direksyon, hindi nagtagal ay narinig ko ang malakas na apak ng kabayo, tumakbo ako at may nakitang wooden fence tapos si Trevor na abala sa pangangabayo.

"Apo!"

Napalinga ako at dumapo ang tingin ko kay Lolo Tiburcio na lumalapit sa akin, ngumiti ako sa kanya saka namin pinagmasdan si Trevor, noong napansin ako ni Trevor ay bumaba siya sa kabayo saka ito tinali sa may fence sa gilid.

Lumabi ako kay Trevor, "hindi mo sinabi may mga kabayo pala dito."

"Wanna know why I didn't tell you?" Tumawa siya ng marahan at bumungisngis sabay lapit ng ulo sa tenga ko, "I don't want you to ride the horse because the only thing you'll be going to ride is... me." He whispered sexily. Agad naman akong pinagtaasan ng balahibo, did I just think of what he did as sexy? Oh my gosh! Where is your dignity and pride, Diana? Mandiri ka!

Tumaas ang isang kilay ni Lolo Tiburcio. "Share share naman mga apo."

Namula ang pisngi ko saka ako umiwas ng tingin, tumawa muli si Trevor saka niya nilapag ang kamay sa taas ng ulo ko at ginulo ang buhok ko, "I'm sure hindi pa kumakain si Diana, let's go back, Lo after I put the horse back to the stable, papainumin ko na rin at lalagyan ng dayami ang stable."

"Sige apo." Masayang sagot ni Lolo Tiburcio, binalikan ni Trevor ang kabayo para ibalik sa kulungan nito habang ako naman ay naiwang parang malamig na estatwa sa kinakatayuan ko.

Damn, that pervert jerk!

***

Escape my EnclosureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon